Umalis naman na si Alliana dahil may kailangan daw s'yang puntahan kaya kaming tatlo na lang nila Michael ang nandito sa Living area. Nagtataka rin ako sa pinsan ko e'. Ang dami na nga n'yang maid tapos ayaw pang ipaiwan si Dahlia sa kanila.
Napatingin naman ako kay Dahlia at Michael na naglalaro ng dollhouse. Hawak ni Michael ang Ken doll habang hawak ni Dahlia si Barbie at Chelsea. Anak daw nila si Chelsea.
"Tita Mommy." Tawag sa akin ni Dahlia.
"Hmm?" Tanong ko.
"What do you want to name your baby girl?" Tanong n'ya na nagpangiwi sa akin.
"Dahlia, I don't have a baby yet." Sabi ko.
"But you will, right?" Sabi pa ni Dahlia.
Tumawa na lang ako at umiling. Ngumiti lang si Dahlia at nagpatuloy sa paglalaro. Napatitig naman ako sa mukha ni Michael. Hindi ko maiwasang humanga sa kan'ya dahil...ugh! Fine, oo na at gwapo s'ya pero mas humahanga ako dahil ang bait bait n'ya sa mga bata.
Oo nga't gwapo ang mga kaibigan ko. Kulang pa nga ang salitang gwapo para idescribe sila. Pero iba ang kay Michael. Iba-iba naman sila ng mga katangian pero parang mas gusto ko ang pagka-gwapo ni Michael.
Napatitig naman ako sa mukha n'ya. Mahaba ang pilik-mata, nangungusap na mga mata, matangos ang ilong, mapulapula ang labi, ang cute n'ya kapag nakangiti at hindi s'ya kayang ilarawan na gwapo lang.
Teka, hindi kaya may gusto na ako sa kan'ya? Pero hindi, imposib-
Posible e'! Matangkad, gwapo, matangos ang ilong, pormado ang katawan, maputi, mabango, wala kang masasabi. Idagdag pa na matalino, mabait, protective, matulungin at kahit na hindi marunong ngumiti on a daily basis ang gwapo pa din at masasabing mo pa ring hindi s'ya suplado. Lalo na kapag tinitigan mo s'ya sa mata. Para bang nakikita mong mabuting tao talaga s'ya.
"What are you staring at?" Tanong ni Michael.
"Ha? Ah-eh s-sinong tumititig? A-ako? Ha? H-hindi ah!" Mabilis na sabi ko na nagpatawa sa kan'ya.
"You're stuttering. Are you nervous?" Tanong n'ya.
"Nervous? B-bakit naman ako k-kabahan?" Sabi ko.
"I don't know, maybe-" Pinutol ko na ang sasabihin n'ya.
"What? Like you? Hindi no'! Paano mo naman nasabi? Nananahimik ako dito kanina tapos tanong tanong ka d'y-" Pinutol na ni Michael ang sinasabi ko.
"Ang daldal mo. Tsaka hindi naman ako nagsabi na gusto mo ko? Unless, gusto mo nga ko?" Nanunuyang tanong n'ya.
"Ha? A-ano? H-hindi ah! Nasaan na ba si Dahlia?" Pag-iiba ko ng topic.
Bahagya naman s'yang natawa bago magsalita.
"She's sleepy and your cousin's husband is already here. Ano let's go?" Tanong n'ya.
"Ah, sige tara." Sabi ko at naunang maglakad.
Pagpasok ko sa kotse ay bumuga ako ng hangin. "What was that? Kinabahan ako?"
7:30pm na at didiretso sana ako sa condo pero nag-chat sila na baka malate na sila ng uwi kaya pumunta na lang ako sa bahay namin.
Pagdating ko doon ay nakita ko si Mommy sa sala na may kausap sa phone. Nang makita n'ya ako ay pinatay na n'ya ang tawag at lumapit sa akin.
"What are you doing here?" Tanong n'ya.
"Nothing, just visiting." Sabi ko at umupo sa couch kaya umupo din si Mommy sa tabi ko.
"So, ano ng balita sa inyo ni Michael?" Tanong n'ya na ipinagtaka ko.
"That's new. You're interested on my lovelife now huh?" Sabi ko.
YOU ARE READING
Perfectly, Imperfect (Dream Series #1)
Teen FictionDream Series 1 Addison, a med-student and a consistent Dean's lister since high school told herself that she isn't going to find love while studying. But, found herself falling for Michael an architecture student and the cousin of her bestfriend.