We just spent the last three days of our sembreak reading, reviewing and finishing the tasks that are given to us. It's already Thrusday and we spent our Monday to Wednesday reviewing in the library for our mid-terms the week after next.
Nandito kami sa library ngayon at tulad sa mga nakaraang araw ay nag-rereview kami dito bago ang first class namin. Mabilis namang natapos ang klase at umuwi kami agad para mag-review.
Ganito kasi palagi ang ginagawa namin simula nung nag-senior high kapag may exams, dalawang linggo bago ang exams ay hindi na kami gumagala dahil nakatutok lang kami sa pag-rereview. Nang makauwi kami ay kinuha ko na ang laptop ko at ginawa muna ang mga pinagagawa ng mga Prof namin kanina.
Nandito lang kaming lahat sa sala at tanging aircon, tunog ng nag-tatype sa laptop at tunog ng libro o notebook na inililipat ng page ang maririnig dahil lahat kami ay nakatutok sa ginagawa. Nang makaramdam ng gutom ay tinignan ko ang wall clock. 7pm na at dalawang oras na kaming nakatutok sa mga ginagawa.
"Kain muna tayo. Mamaya na 'to." Sabi ko at tumayo na.
Pumayag naman sila at tumayo na rin. Pumunta naman kami ng dining table at nagkatinginan nang makitang wala pang nakaluto.
"Sinong dapat magluluto ngayong week?" Tanong ni Tily.
"Si Nica!" Turo ni Kira.
"Hala! Bakit ako?! Last week ako 'yong nagluluto e'! Si Kira na! Makapag-bintang ka!" Sabi ni Nica kay Kira.
"Ay, oo nga pala! Sorry! Busy e'." Sabi n'ya at nag-peace sign.
"Bili na lang tayo sa fast food." Suhestiyon ko.
Pumayag naman sila at si Lexi na ang nag-order. Naghintay lang kami saglit at dumating na ang inorder n'ya. Binilisan naman naming kumain para makabalik na sa ginagawa.
Habang nakatutok ako sa laptop ko ay nagulat ako nang biglang mag-ring ang phone ko. Lumabas naman ako sa balcony para hindi ko na maabala ang mga kaibigan kong nag-aaral.
"Bakit?" Tanong ko nang masagot ang tawag.
"Nag-yaya sila." Sabi n'ya na nagpakunot sa noo ko.
"Pass." Sabi ko at sumandal sa balcony.
"Bakit?" Tanong n'ya.
"Nag-aaral kami! Malapit na mid-terms." Sagot ko.
"Sipag! Tapos bagsak n'yan!" Pang-aasar n'ya sakin.
"Kapal mo! Never pa akong bumagsak!" Sabi ko.
"E' 'di ito 'yung una!" Sabi n'ya pa.
"Bahala ka nga sa buhay mo! Mag-aral ka na din! Bwisit ka! Bye!" Sabi ko at pinatay ang tawag.
Pagbalik ko sa loob ay abala pa rin sila sa pag-aaral kaya bumalik na rin ako sa ginagawa. We spent the whole night studying and when the clock striked 12am we decided to sleep and just left our laptops, notebooks and some books at the living area.
The next morning we went to school as early as we could so that we can study in the library.
"Ang aga n'yo ah!" Bati sa amin ni Harry nang makita n'ya kami sa parking.
"Mag-iisang linggo na kaming ganito kaaga pumapasok! Kayo? Ba't ang aga n'yo?" Tanong ko sa kanila.
"Mag-aaral din kami." Sabi ni Caleb.
Tumango na lang ako at nagpaunang maglakad. Nakita ko naman si Michael at mukhang antok na antok s'ya.
"You look tired? Anong nangyari sa'yo?" Tanong ko.
YOU ARE READING
Perfectly, Imperfect (Dream Series #1)
Teen FictionDream Series 1 Addison, a med-student and a consistent Dean's lister since high school told herself that she isn't going to find love while studying. But, found herself falling for Michael an architecture student and the cousin of her bestfriend.