Chapter 8

108 10 0
                                    

Nang malinis ko na ang mukha ni Dahlia ay kinarga ko na ulit s'ya.

"Hi!" She greeted my friends and giggled a bit.

"What's your name?" Tanong ni Caleb.

"Dahlia." Sabi n'ya at ngumiti. Nginitian din s'ya ni Caleb.

"You look so adorable Dahlia." Sabi ni Michael at ngumiti. Dahlia giggled and played with her hair.

"Dahlia we need to go, say goodbye to them." Sabi ko. Tumango naman s'ya at tumingin ulit sa grupo nila Harry.

"Bye!" Saad n'ya.

Nginitian ko na lang sila at naglakad papuntang Toy Kingdom. Dumiretso s'ya sa Barbie Aisle para mamili ng ilalagay sa cart. Kumuha s'ya ng isang barbie doll at hinila na ako papuntang cashier. Taka ko naman s'yang tinignan.

"Dahlia, wait. Is this exactly what you want? Or you want to add some more? It's okay if you want to." Sabi ko.

Ngumuso naman s'ya at parang nag-isip. "Mom said I shouldn't let you buy so much toys for me." Sabi n'ya.

Ngumiti naman ako at hinawakan ang kamay n'ya para bumalik sa Barbie aisle. Kumuha ako ng dalawa pang Barbie doll at isang malaking Barbie House. Nanlaki naman ang mata n'ya ng makita ang nasa loob ng cart.

"Tita! Mommy will get mad." Sabi n'ya. Ngumiti naman ako.

"No, she won't. I got you!" Sabi ko at kinindatan s'ya.

Dumiretso naman kami sa cashier para bayaran ang mga binili ko. Paglabas namin ng Toy Kingdom pumunta kami sa isang clothing store para bilhan ko s'ya ng mga damit. Kumuha ako ng tatlong Chanel Toddler Shirts. Red, Pink at Black. Kumuha din ako ng tatlong Chanel Leggings para ipartner n'ya sa mga Shirts. Kumuha din ako ng isang LV toddler back pack at isang LV toddler purse. Kumuha din ako ng dalawang Givenchy kids jacket. Isang black at isang red.

Nanlaki naman ang mata n'ya ng ipakita ko sa kan'ya ang laman ng cart. Pero nanlaki din ang mata ko nang makita ang presyo ng babayaran ko pero okay lang. Nang matapos kami sa store ay umuwi na rin kami. 5pm na kami nakauwi ni Dahlia sa bahay at wala pa sila Mommy at Daddy.

"Addison!" Tawag sakin ni Alliana pagpasok namin at nakita ang mga dala namin ni Dahlia.

"Oh?" Tanong ko.

"Bakit ang dami mong binili?" Tanong n'ya. Binaba ko naman ang mga dala namin ni Dahlia bago s'ya sinagot.

"Nag-enjoy akong bilhan si Dahlia eh." Sabi ko at umupo sa couch habang si Dahlia busy sa pagbukas ng laruan n'ya. Umupo din sa tabi ko si Alliana.

"Spoiled 'yang anak ko sa'yo ahh." Aniya.

"Yeah, sabi n'ya nga kanina magagalit ka daw kapag binilhan ko s'ya ng marami." Sabi ko.

"Oo, kasi ayokong nasasanay si Dahlia na lagi n'yang nakukuha yung gusto n'ya." Sabi ni Alliana.

"Pero ang sarap pala sa pakiramdam na may inaalagaan at binibilhan kang bata. Lalo na kapag tumawa s'ya o kaya ngumiti. Parang achievement." Nakangiting sabi ko.

Ngumiti din si Alliana at nilingon ang naglalarong si Dahlia. "Ang saya siguro magkaanak." Sabi ko.

"Mag-anak ka na kasi." Sabi n'ya dahilan para manlaki ang mata ko.

"Loko ka! Pagagalitan ako no'! Isa pa, Wala nga akong jowa jusko!" Sabi ko.

"Then find one." Sabi n'ya.

"Ayoko nga! Ang dami ko pang mas dapat unahin no'! Mag-aantay na lang ako!" Sabi ko. Ngumiwi naman s'ya.

"Sige, maghintay ka hanggang tumanda kang dalaga!" Sabi n'ya at iniwan ako para puntahan si Dahlia.

Perfectly, Imperfect (Dream Series #1)Where stories live. Discover now