Chapter 21

92 6 0
                                    

"Marupok! Ayan, napakarupok!" Sigaw sa akin ni Alliana pagkatapos kong ikuwento ang nangyari kanina.

Pagkatapos kasi naming mag-usap ni Michael ay nagpaalam na ako sa mga kaibigan namin na pupuntahan ko muna ang pinsan ko.

"Ang ingay mo! Natutulog 'yung anak mo!" Pag-papaalala ko sa kan'ya.

"Ay, oo nga pala. Sorry na, na-carried away ako sa'yo e'!" Sabi n'ya at tumabi sa akin.

"Ang rupok mo! Ang rupok rupok mo!" Sabi n'ya pa.

"Oo na! Marupok na! 'Wag mo nang ulitin!" Sabi ko at inirapan s'ya.

"Pero 'di nga? Doon mo na-confirm na gusto mo na rin si Michael?" Pag-uusisa n'ya.

"Tss, ulit-ulit!" Sabi ko at umiwas ng tingin.

May sasabihin pa sana s'ya nang biglang sumigaw si Dahlia.

"Tita Mommy!!" Sigaw n'ya at tumakbo palapit sa amin. Yumakap naman agad s'ya at nagpakandong sa akin.

"Where's Michael?" Inosenteng tanong n'ya.

Magsasalita na sana ako pero biglang sumingit si Alliana. "Nako, Addison. Hindi na kayo pwedeng maghiwalay ni Michael." Sabi n'ya gamit ang nang-uutos na tinig.

Tumaas naman ang kilay ko dahil sa sinabi n'ya. "At bakit?" Tanong ko.

"Malilito ang bata kapag iba-iba ang makikilala." Sabi n'ya dahilan para mapangiwi ako.

"Oa ng Mommy mo 'no?" Tanong ko kay Dahlia. Ngumiti naman s'ya at tumango.

"Tita Mommy, let's go out!!" Aya sa akin ni Dahlia. Tinignan ko naman ang relo ko at nakitang 3pm pa lang.

"Sige. Ask your mom first." Utos ko sa kan'ya. Tumango naman s'ya at lumapit kay Alliana.

"Tita, pumayag na si Mommy." Sabi n'ya nang makabalik.

"Great! Let's go." Sabi ko at akmang maglalakad nang bigla n'yang hawakan ang kamay ko.

"What's wrong, baby?" Takang tanong ko.

"Can you call Michael?" Tanong n'ya na mas ipinagtaka ko.

"Huh? Why?" Tanong ko.

"I want him to join us." Sabi n'ya.

Napatingin naman ako kay Alliana na ngayon ay may nakakalokong ngiti sa mga labi. Inirapan ko na lang s'ya at kinuha ang cellphone ko.

"Let's try." Sabi ko at tinawagan si Michael.

"Missed me?" Bungad n'ya nang masagot ang tawag.

"Tss, you wish." Sabi ko.

"What's the matter?" Tanong n'ya.

"Dahlia wants you to go out with us. Are you free?" Tanong ko.

"Tsk, tsk, tsk. Ginamit mo pa si Dahlia." Sabi n'ya na ikinakunot ng noo ko.

"Excuse me?" Inis na tanong ko.

"You're excused." Sabi n'ya na mas ikinainis ko.

"What the? Bahala ka nga sa buhay mo!" Inis na sabi ko.

"You're so pikon! Pupunta na ako d'yan." Sabi n'ya at binaba ang tawag.

"What did he say, Tita?" Tanong sa akin ni Dahlia.

"He's on his way. Upo muna tayo." Sabi ko at kinandong s'ya.

Hiniram naman n'ya ang cellphone ko para manood sa Youtube habang hinihintay si Michael.

Perfectly, Imperfect (Dream Series #1)Where stories live. Discover now