Chapter 18

78 5 0
                                    

"For me, you are." Sabi n'ya.

Bumuntong-hininga ako at binaling ulit ang tingin ko sa langit.

"I wish." Sarkastiko kong sabi at tumayo.

"Tara na." Aya ko.

Tumango naman s'ya. Pagdating ko sa condo ay nanonood na sila ng movie at nakalatag din ang mga kama namin sa living room.

"Dito ulit tayo matutulog?" Tanong ko.

"Obvious ba?" Pambabara sakin ni Evie.

Nginiwian ko na lang s'ya at pumasok sa kwarto namin para magbihis at magskin care. Pagbalik ko ay umupo na ako sa kama at nagcellphone. Bigla namang nag-ring ang cellphone ko at nakitang si Hailey ang tumatawag.Lumabas naman ako at pumunta sa balcony para doon sagutin ang tawag n'ya.

"Yes?" Tanong ko nang masagot ang tawag.

"Ate, are you free tomorrow?" Tanong n'ya.

"I have class tomorrow but I can pick you up at 6pm kasi hanggang 5:30 'yung class ko e'. Why? Where do you want to go?" Sabi ko.

"You choose. I just want to talk to someone. Thank you, Ate." Sabi n'ya.

"Okay. Where am I going to pick you up?" Tanong ko.

"Sa bahay." Sabi n'ya.

"Alright, bye." Sabi ko at binaba na ang tawag.

Bumalik naman ako sa living area at doon nagcellphone.  Lexi woke us up the next morning very very early.

"Bakit ka ba nang-gigising? 3am pa lang oh!" Inis na sabi ni Kira at tinakpan ng unan ang mukha n'ya.

"Let's go to the gym! We have class pa later kaya we don't have time. Let's go!" Sabi ni Lexi at hinila ang kamay ni KIra para tumayo.

"Look oh, you're so bigat na! Tara na sa gym!" Sabi ni Lexi.

"Sa palagay mo ba may bukas ng gym ng ganitong oras?!" Inis na sabi ni Kira. Ngumiwi naman si Lexi bago magsalita.

"Meron kaya! 'Yung gym dito sa baba ng condo kaya let's go!" Sabai ni Lexi.

Kinumutan naman ni Kira pati ang mukha n'ya dahilan para mapailing na lang si Lexi. Nakita kong kagigising lang din ng iba naming mga kaibigan. Mabilis naman kaming naligo at nagpalit ng damit.

I picked the black sports bra and black leggings and made my hair into a bun. I also took my black jacket just to cover me up because it's so cold outside. It's just 4am.

"Kira! Hindi ka ba sasama?" Tanong ni Nica kay Kira dahil lahat kami ay bihis na at s'ya ay nakahiga pa rin.

"Kayo na lang." Sabi n'ya at dumapa.

"Tara na." Sabi ni Tily kaya lumabas na rin kami ng unit.

Pagdating namin sa gym ay kakaunti lang ang tao at karamihan ay mga schoolmates namin dahil marami-raming mga schoolmates namin ang dito sa condominium nakatira dahil malapit lang ito sa school.

I did my full-body work-out routine for 2 hours and after that I took a shower. I wore a black tube and covered it with a yellow long sleeved crop top and black leggings.

Naunang bumalik si Evie at Nica sa unit namin dahil isang oras lang sila nag-workout kaya pagkatapos namin nila Tily at Lexi ay umakyat na rin kami pabalik sa unit.

7am pa lang kaya malamang hindi pa tumutunog ang alarm ni Kira dahil 8am nagigising 'yun dahil 10am naman madalas ang klase namin. Paminsan ay nauuna ang klase ko sa kanila ng dalawang oras pero madalas pare-pareho kami ng oras ng klase.

Perfectly, Imperfect (Dream Series #1)Where stories live. Discover now