Chapter 28

108 5 0
                                    

tw: death

Saglit pa akong nanatili sa ospital bago nagpaalam na. Inalok pa ako ni Michael na s'ya na ang maghahatid sa akin pero hindi na ako pumayag dahil walang kasama si Hailey at susunduin din naman ako ni Lexi.

Tulala lang ako hanggang makasakay ako sa kotse ni Lexi at walang imik. Gumugulo pa rin kasi sa isip ko 'yong pag-uusap nina Hailey at Michael kanina. Hindi man nila sabihin sa akin ng buo pero alam kong may mali. May masamang nangyayari.



"Hindi ka man lang magtatanong kung bakit ngayon lang s'ya nag-bar exam?"

"Anyway, kahit na hindi mo tinatanong ikukwento ko pa rin. Nagka-"

"Shut up, Thylane."

"Ok, fine."



Natigilan naman ako nang maalala ko ang pag-uusap namin ni Tily nung nakaraan. Baka may kinalaman ang pag-uusap nila ni Hailey kaya hindi agad nakapag-bar exam si Michael. Parang unti-unting may nabubuong puzzle sa utak ko.

"Hey, Addie. Are you okay? Kanina ka pa tahimik d'yan. May nangyari ba?" Natauhan naman ako dahil sa biglang tanong ni Lexi.

"Y-yes. I'm fine." Sagot ko at umiwas ng tingin.

Pumunta muna kami sa condo namin noon nung college at naisipang dito maghapunan dahil 7pm pa lang naman. Nang mag-alas diyes na ay pumunta na rin kami ng bar dahil inip na inip na rin si Kira. Pagdating namin doon ay marami-rami na ring tao kaya hindi kami agad nakahanap ng pwesto namin.

Sunod-sunod ang naging inom ko at medyo nahihilo na rin ako. Nang maubos naman namin ang isang bote ay kumuha na naman sina Kira ng panibago. Si Kira lang ang nagkukwento sa amin dahil kailangan niya daw i-release lahat ng nangyari sa kan'ya nitong mga nakaraan.

Balak ko sanang pumunta ng restroom pero pagtayo ko ay umiikot na ang paningin ko. Bumuga na lang ako ng hangin at pilit na maglakad papunta ng banyo. Alam kong kaming dalawa lang ni Kira ang lasing dahil kami lang naman ang pabalik-balik sa cr.

Pagpasok ko ay napahawak ako sa sink dahil muntikan akong masubsob. Naisipan kong maghilamos muna para kahit papaano ay mabawasan ang hilong nararamdaman ko. Pagbalik ko sa pwesto namin ay naabutan ko silang may kausap na lalaki. Nakatalikod ito kaya hindi ko nakilala kung sino.

Nang makaalis ang lalaki ay tsaka ako bumalik sa pwesto namin at sumandal.

"Okay ka lang?" Tanong ni Evie sa akin. Tumango na lang ako at hinilot ang sintido ko.

"Sino yung kausap n'yo kanina?" Tanong ko.

"Si Michael." Kumunot naman ang noo ko dahil sa sagot ni Lexi.

"What the hell is he doing here?" Kunot-noong tanong ko.

"Umiinom, ano pa?" Sarkastikong sabi ni Evie.

"Tss. I mean bakit s'ya nandito?" Tanong ko.

"Dami mong tanong, Addie. Basta nandoon s'ya kasama si Harry sa kabilang table." Sagot ni Tily.

Nilingon ko naman ang table sa bandang harap namin at nakita si Harry na nakatalikod habang si Michael ay nahuli kong nakatingin sa akin pero mabilis ring binawi. Kumunot naman ang noo ko nang maalala ko si Hailey.

"Iniwan n'ya si Hailey mag-isa sa ospital?!" Inis na tanong ko.

"Hindi! 'Wag kang OA. Nandoon 'yong mga magulang ni Harry." Sabi ni Lexi.

Tumango na lang ako at hindi ko na s'ya pinansin. Kinuha ko naman ang bote at bahagyang nagtaka dahil sa itsura ng mga kaibigan ko. Bakas ang pagtataka sa mga mukha nila at nagtatanong rin ang mga titig.

Perfectly, Imperfect (Dream Series #1)Where stories live. Discover now