Chapter 5

122 8 0
                                    

Naging ulit-ulit lang ang nangyari sakin simula nung Tuesday hanggang Friday. Nung Friday ng gabi tumawag sakin si Mommy at sinabing kailangan daw namin pumunta sa isang Business event. Kasama ko silang lahat dahil business partners ang mga magulang namin. Malamang pati sila Harry nandoon din.

Nagsuot na lang ako ng Backless Split Thigh Satin Black Dress and Black Stilettos. Nagsuot naman si Kira ng Off-shoulder black body-con dress. Pagkatapos namin lumabas na kami ng kwarto at nakitang tapos na silang lahat at nag-reretouch na lang si Lexi.

Naka-gold cowl neck satin dress si Lexi, si Nica naman ay nagsuot ng Low back glitter body-con dress. Habang si Evie naka-floral jacquard satin cami dress at si Tily nagsuot ng Open Back slit Glitter Mermaid dress.

"Lexi? Let's go! 7pm magsastart yung event 6pm na! Tama na yan!" Sabi ni Kira. Binaba naman ni Lexi ang gamit nya at kinuha ang bag.

"Fine! Let's go." Sabi nya kaya nag-lakad na kami papunta sa mga kotse namin.

Pagdating namin doon marami nang tao. Lumapit muna ako sa parents ko at parents nila Lexi sa isang table para bumati. Nandoon din ang parents nila Harry.

"Mommy, what's this event for?" Tanong ko kay mommy at lumapit sa Mommy ni Andrei para bumati.

"We have a new business partner. Referred by Mr and Mrs. Alcantara." Sabi ni Mommy. Ngumiti naman ako sa parents ni Harry.

"What kind of company is that Mom?" Tanong ko.

"A Construction Company." Sabi ni Mom. Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Mommy.

"Mom, we have an airline company at hindi natin kailangan ng maraming real estate or construction company partners." Sabi ko pero ngumiti lang s'ya.

Ang pamilya kasi nila Evie, Harry, Jasper at Tily ay Real Estate Developers, Construction Companies at Business Partners sila ng mga magulang ko. Habang ang pamilya ni Nica at Kira ay may-ari ng Five Star Hotels around the globe at stock holders ng company namin.

Ang pamilya nila Caleb at Edward ay Family of Doctors na Investors din sa Airline namin. May-ari rin sila ng isa sa mga pinaka-pinagkakatiwalaang hospitals sa Asya. Ang pamilya naman ni Lexi ay may-ari ng partner naming isa pang Airline Company. Sila Andrei naman ay puro Resorts ang business.

Pupunta na sana kami nila Kira sa table namin pero sumalubong sila Harry kasama si Michael.

"Hey!" Bati ni Andrei.

Ngumiti na lang ako sa kanya. "Addie!" Tawag sakin ni Harry.

"Yeah?" Tanong ko.

"Naghihirap na ba kayo?" Tanong nya.

Nagtaka naman ako. "What do you mean?" Takang tanong ko.

"Tignan mo nga yang suot mo." Sabi nya dahilan para taka kong tignan ang suot ko.

Wala naman akong napansing mali kaya binaling ko ulit ang tingin ko Kay Harry.

"Huh?" Tanong ko.

"Huh ka dyan! Tignan mo nga punit sa baba tapos nakulangan ng tela sa likod! Hay nako, Addie! Ang yaman yaman n'yo wala kang pambili ng matinong damit!" Pang-aasar sakin ni Harry.

He was pointing to the split thigh and backless design of my dress.

"Kaysa naman sa'yo! Mukha kang mapormang unggoy!" Inis na sabi ko. Natawa naman s'ya sa sinabi ko.

Perfectly, Imperfect (Dream Series #1)Where stories live. Discover now