Chapter 1
Avenue
"Wait, saan na ba 'yon si Deonell? Ba't hindi pa nakarating?"
I looked at Audy na kinakausap na ang sarili at busy sa kaka-text.
Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya pero base sa nangyari kanina baka ang nasa isip ko ang tinutukoy niya.
Suzy poke me with her shoulders. Katabi ko kasi siya. I looked at her. Tinaasan ko lang siya ng kilay. She pointed Audy. I sighed 'tsaka nagkibit-balikat nalang.
"He...walked out..." sabi ko.
"Huh?" napahinto naman si Audy sa kaka-type sa cellphone niya, "You mean, nandito siya kanina?"
Tumango ako.
Her forehead creased. "Huh? E, ba't siya umalis?"
Tumawa si Liv habang nilalantakan ang binili niyang spaghetti. "Malamang inaway 'yon ni Einra. Ang suplada ng bruhang 'to!"
Inirapan ko nalang si Liv. Nakakainis! Ba't kasalanan ko pa? Kung sana hindi niya ako tinawag na "sadako", hindi ko sana nasabi ang mga salitang 'yon! I get it that my skin is paper white! But I am not that pale, okay? Argh! Nakakainis talaga!
"Oh chill lang tayo, Ein." hinawakan ako ni Liv sa braso.
I think I gripped too hard on the table napkin kaya napunit ko ito. Umiling nalang ako. Nanlaki naman ang mata ni Audy.
"Did something bad happened while we were away, Ein?" tanong niya.
Umiling ako.
"Hindi mo ba siya naaalala?" she asked, making me intrigued all of a sudden.
Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"
She smiled sheepishly. "Answer my first question, first!"
I rolled my eyes. "Inasar lang naman ako ng magaling mong pinsan!"
"Oh ayan naman pala! Nagkasal ang isang Arieus Deonell. Worse, sa kay Einradelle pa! Alam naman natin na madaling mapikon ang isang 'to!" tawa pa ni Liv.
Hindi ko alam kung bakit niya alam ang buong pangalan ng kulot na 'yon. But knowing Liv's fetish to handsome and hot boys, parang alam ko na agad ang sagot. She probably searched his name on the internet immediately.
Ngayon ay pinagtatawanan na ako ni Liv at Suzy habang si Audy ay inuusisa pa rin ako kung ano ang nangyari. I kept my mouth shut, though. I wouldn't tell her what exactly happened. Ang alam lang ng tatlo ay inasar niya ako. Nakakahiya na napagkamalan ko siya at nako-konsensya ako.
Kaya laking pasasalamat ko nang nag-bell na kasi tinantanan na rin ako sa wakas ng tatlo. Suzy's bodyguards were tailing us while we were on our way towards our classrooms. I jotted down some notes para may mapag-aralan ako ngayong gabi. I need to study hard. 'Yan lang ang tanging hinihiling sa akin ni Dad kaya dapat kung tuparin ito.
Yes, I am not that wise like Audy but I am also not that foolish. My grades are actually good. I have a clean record ever since then.
Nang malapit na mag-time ay napa-isip ako sa nangyari kanina.
Is he offended? Aba, siya pa ang may ganang na-offend e siya nga 'tong unang nang-asar. Kung hindi sana niya ako tinawag na "sadako", edi sana hindi ko siya tinawag na "basagulero"!
Ano naman ang nakaka-offend doon? Or is it because of the "black sheep" thing? Oh god...
I face palmed. How insensitive of me!
Pero totoo naman!
The thing is, hindi ako napapakali whenever I found out na may galit sa akin ang isang tao. I hate having conscience attack dahil hindi ako nakakatulog. Argh! I really need to apologize to him.
BINABASA MO ANG
Somewhere in the Avenue (Velez Cousins Series #1)
Teen FictionVelez Cousins Series 1 of 4 The feisty Einradelle Velez-Versozo was the daughter of the extravagant Emanuelle Velez, a famous Reality TV Star of the Life of the Velezes Show. Cameras. Flashes. Screens. Lights. That's what she'll see every single day...