Chapter 23

313 43 18
                                    

Chapter 23


Choice

"Thanks for the ride, Ja." nahihiya kong sabi kay Angela.

Kanina pa ako nag-re-regret kong bakit ko pinauwi si Deonell. I am too shy to ask Drew! Hindi pa ako kumportable sa kaniya at wala naman talaga akong planong magpahatid sa kaniya dito sa bahay. Buti nalang at pumayag si Angela na pasabayin ako. Ayoko naman kasing mag-commute dahil hindi ako sanay. Atsaka, it's almost 9 PM. Matagal kaming natapos dahil nag-start na kaming mag-gather ng data. Buti nalang at nakapagpaalam ako kay Yaya.

"Wala 'yon, 'no!" tumawa si Angela, nakadungaw ang ulo sa bintana ng kanilang sasakyan.

I waved my hands nang papaalis na sila. She dropped me off in the gates dahil hindi sila pwedeng makapasok. Naglakad nalang ako patungo sa bahay. Sinalubong naman ako ni Yaya pagdating ko.

"Anak! Kumain ka na?" aniya.

Inasikaso niya agad ako. Pinahatid niya sa kasambahay ang dala kong mga gamit sa kwarto pati na rin ang sapatos na suot. I am too exhausted right now. I tried to keep everything in order while we're gathering some data pero ang mga lalaki kanina ay hindi masyadong cooperative. Buti nalang at ka-grupo namin si Drew, the boys listened to him.

"Kumain na po ako sa café kanina, Ya." sagot ko, "Gusto ko na pong magpahinga."

"O'siya! Ihahatid kita sa kwarto mo dahil may ibabalita ako."

Tinignan ko si Yaya tsaka tumayo. Whatever her news is, I'll find out later. Sabay din kaming umakyat sa taas patungo sa kwarto ko sa left wing. Siya ang nagbukas ng pinto at inalalayan ako na maka-higa sa kama. She isn't really required to do that pero hinayaan ko nalang.

"Bibisita nga pala ang Daddy mo bukas. Siguro'y makakarating siya dito ng madaling araw." balita niya.

Lumiwanag ang mukha ko at umahon mula sa pagkakahiga.

"Talaga po?" nagagalak kong sabi.

It's been almost half a year since the last time I saw him. He wasn't able to visit me during his schedule every three months kaya ngayon pa lang siguro siya makaka-bisita. Bakit pa kasi ganito ang klase ng kaniyang Visitation Rights? Blame it on my mother.

Tumango si Yaya at umupo sa tabi ko dito sa kama. She leaned over so she can combed my hair with her fingers.

"Oo, anak... mahabang panahon na rin ang nakalipas simula no'ng bumisita si Ser Edward dito." she said gently and caressed my hair.

I smiled sweetly pero napawi ito kaagad nang may naisip. "Kailan pa kaya mamahalin ni Mom si Dad?"

I have been wondering about that since childhood. Why bother entering Marriage if the feelings aren't mutual? Marriage is a sacred thing. It's a union between two couples made as one in the eyes of Him. It shouldn't be done due to worldly reasons. Lucky are those people who managed to love each other despite of the fact that they were arranged to be married. If only every arranged marriage will turn out that way, we could have been a happy family.

I have my fair share of realizations as a child. That not all people have the same point of views as I am. We differ on our perspectives in life. I view Marriage this way, while people view it that way.

"Anak..." naalarma si Yaya at hinaplos ang pisngi ko gamit ang hinlalaki niya.

I smiled because of sadness. "I'm tired of hoping for everything to be okay, Ya..."

Nakita kong tumulo ang mga luha mula sa mata niya. She pulled me closer for a hug and caressed my back.

"Anak..." humikbi siya sa mga braso ko.

Somewhere in the Avenue (Velez Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon