Chapter 40

282 20 14
                                    

Chapter 40

Her Plea


"Oh, bakit natagalan ka?" bungad kaagad sa'kin ni Suzy nang makabalik ako galing sa labas.



My eyes immediately stared at the person in front of me. I can't believe he just walked out! Iniwan niya ako sa garden! Na shock tuloy ako at natulala, unable to process what happened. Nakabalik na pala siya sa table kanina pa, habang ako ay natulala pa sa labas. And even when my presence is here already, he's acting like he didn't care, like we didn't have an argument just a while ago.


Prenteng-prente siyang nakaupo habang kumakain habang nasa tabi niya ang ibang mga pinsan niya. Malaki ang rectangular table kaya kasya kaming lahat. Wala na ang mga Tita ko at nagsisimula na ring nagsialis ang ibang mga guests. From afar, I saw Audy and her husband sending the guests off together with my Titas. Liv is nowhere to be found again.

"I'm sorry. Something came up," sabi ko kay Suzy bago umupo ulit.

"Einradelle?" napabaling ako sa harap nang may tumawag sa aking pangalan.

I saw Kuya Gabriel, one of Audy's cousins, in front of me. Nanlaki ang kaniyang mga mata at halos napa-palakpak. Dahil sa ginawa niya ay napabaling din ang ibang mga pinsan ni Audy.

"Ikaw nga!"



"H-Hi, Kuya Gab," matipid kong bati 'tsaka ngumiti.




"Hala! Ang laki mo na!" si Kuya Jarvis at ine-examine na ako ngayon.



I felt awkward all of a sudden lalo na at napatingin na rin si Deonell sa'kin. They all look at me like they were observing the changes I have. Awkward din dahil sa mapang-asar na tingin nila sa'kin. I know I've been close to them since Audy and I are still kids but during those years with no frequent interactions and communications, parang naging uncomfortable na din ako sa kanila. The bond is still there but it's not as strong as before.



"Wow...mas pumuti. Sigurado kang wala kang sekreto?" humalakhak si Kuya Syron, "Grabe, mag-iibang bansa kaya ako para pumuti ako? Anong say mo, Jarv?"



"Einra, hayaan mo na 'tong kakambal ko. May sayad ata sa utak." si Kuya Jarv at inakbayan si Kuya Syron.



Napangiti nalang ako sa kaguluhan nila. Deonell who stared at me kanina was back on eating again. Oo nga pala at natagalan siya sa pagdating dito doing who-knows-what. He literally acted like I don't exist at kumakain lang, hindi na ako tinapunan ng tingin pagkatapos no'n.



Tinignan ko ang mga pinsan ni Audy sa harapan ko. Nasa harap namin sila ni Suzy dito sa rectangular table habang magkatabi naman kami. Napansin ko na wala si Clyde at wala rin si Liv. Coincidence ba? Pero wait, since my Mom married Deonell's Dad, does that mean that these boys in front of me are now my step cousins? Crazy!



"Anong tingin-tingin mo diyan?" bumulong si Suzy sa'kin.


"H-Ha?" naputol ang aking pagtingin sa mga lalaki sa harapan namin at napabaling sa kaniya.



Muntik ko nang makalimutan na nasa tabi ko pala si Suzy. Ang tahimik kasi!



She leaned forward and smile teasingly. She placed her mouth near my ears to whisper. Ngumuso siya sa isang direksyon.


"Gusto mo?"


Sinundan ko kung saan siya naka-nguso. Agad namang nanlaki ang mga mata ko at tinulak siya palayo sa'kin. A-anong gusto?



Somewhere in the Avenue (Velez Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon