Chapter 22
Mood Swings
I ate my dinner and took a shower afterwards. I also did my assignments bago ako humiga sa kama. It was almost 10 o'clock when I checked my phone. And yes, it has a lot of missed calls and texts from him. I sighed and just stared in the ceiling. He must have been worried. I was just thrilled to see this first suitor of mine and totally forgot about him. How could I?
My conscience attack is doing its thing again with me kaya sobrang tagal akong nakatulog. I did all things just to get a peaceful slumber pero paulit-ulit akong dinadalaw ng konsensya. My head is aching when I woke up due to the lack of sleep. If I remembered it correctly, madaling araw na ako nakatulog. I spent hours just thinking of how horrible I am.
Kinatok na ako ni Yaya for breakfast pagkatapos kong maligo. Wash day ngayon kaya nagsuot lang ako ng simpleng high-waist jeans na faded blue atsaka yellow na crop top na may printa.
"Hindi ka na naman nakatulog ng maaga 'no?" si Yaya nang humingi ako ng gamot para sa sakit sa ulo.
"Opo," sabi ko at pumikit ng mariin.
Pinagalitan ako ni Yaya. Akala ata niya ay matagal akong natulog kagabi dahil sa kaka-panood ng movies. Kesyo, mas mabuting mapuyat daw sa gawaing eskwela kaysa sa mapuyat sa bagay na walang benepisyo. If only she knows what the reason is.
Bumalik ako sa kwarto para kunin ang mga gamit na dadalhin ko. Deonell hasn't texted me since last night kaya nababahala na talaga ako. Siguro naman ay ihahatid niya ako sa school, 'di ba? He's my driver...after all. Nagtatalo ang sarili ko kung i-te-text ko ba siya o hindi. Sa huli ay nag-desisyon ako na i-text siya. I took out my phone to type one.
Me:
Good morning D. I'm very sorry about yesterday. Will you still come and pick me up?
Hindi ko alam kung ilang minuto akong naghintay sa reply niya. Hanggang sa kinatok nalang ako ni Yaya sa kwarta. Nawawalan ng gana, pinagbuksan ko siya."Ya? Mag-ta-taxi nalang ako-"
"Ano pang ginagawa mo diyan? Nasa baba na ang sundo mo." she cut me off.
Nanlaki naman ang mga mata ko. "P-PO? Talaga?!"
Kumunot ang kaniyang noo. "Gulat na gulat ka ata?"
"Ah..." mapakla akong tumawa at umiling, "Wala, ho..."
"O siya!"
Kinuha ko na ang mga gamit na dadalhin ko at agad na bumaba. Akmang ihahatid na naman ako ni Yaya patungo sa garahe pero pinigilan ko na siya at pinaalala na may lakad siya ngayon sa palengke. Buti nalang at natinag siya sa sinabi ko. Abot-abot ang kaba ko habang papalapit sa sasakyan niya doon sa garahe. When I was nearing, I saw his lean figure leaning on his car.
Our eyes immediately met. He has this serious gaze that makes me wonder many things. His lips are shut and formed in a line yet why do I feel that he has a lot to say? His eyes are full of mystery when I stared at it longer. And here he is, in front of me, wearing a very dashing gray polo and denim shorts. He shifted his weight when I am already standing in front of him and the keys hanging on his belt jingles.
His height towered over me, showing its dominion. The lack of sunlight didn't make his hair shine this day, nadismaya naman ako. We were both silent while facing each other and I hope he's going to break it but he just opened the door for me para maka-pasok na ako. Para itago and pagiging dismayado, I cleared my throat.
BINABASA MO ANG
Somewhere in the Avenue (Velez Cousins Series #1)
Novela JuvenilVelez Cousins Series 1 of 4 The feisty Einradelle Velez-Versozo was the daughter of the extravagant Emanuelle Velez, a famous Reality TV Star of the Life of the Velezes Show. Cameras. Flashes. Screens. Lights. That's what she'll see every single day...