Chapter 2

591 71 84
                                    

Chapter 2

Shampoo

That was our last interaction for a couple of months. Yes, nakikita ko pa rin siya dito sa school pero hindi na kami nag-uusap ever since that night. For some reasons, I'm thankful for that.

Matapos niya akong ihatid sa gabing iyon ay agad na akong tumakbo papasok ng bahay. I am too nervous and embarassed in front of him that I didn't even bother to tell him my words of thanks, at mas lalo lang talaga akong nako-konsensya dahil doon. Everytime I see him and Audy talking, kinakabahan ako.

Ni hindi na nga ako sumasabay kay Audy pauwi minsan at nagpapakuha nalang sa driver ko dahil sa kaniya. He's living temporarily with Audy while he's staying here.

Hindi ko alam kung bakit dito niya naisipang mag-aral when he is originally from States. Pero wala rin naman akong pakialam. Maybe at one moment, I was curious. Pero ngayon, hindi na.

Kaya nga nagpapasalamat ako na hindi na kami nag-uusap dahil nga kinakabahan ako, nahihiya, at nako-konsensya kapag nariyan siya. My cousins didn't know what happened at wala akong planong sabihin sa kanila. Mas lalo lang akong mahihiya. Sabihin nalang natin na hindi ko hahayaang may panibagong trump card si Liv na gagamitin niya para asarin ako.

And the fact that Audy's his cousin and Liv's got a loud and untrustworthy mouth is a big no-no. Si Suzy naman ay...ewan ko ba. Wala akong maaasahan sa tatlong 'yon.

"Spaghetti for Einradelle. Carbonara for me. Chicken salad for Suzy and Garden salad for Liv!" si Audy nang makabalik ito galing sa counter ng cafeteria.

Isa-isa naming kinuha ang nakalapag na mga pagkain sa mesa. It's lunch break at kumakain kami ngayon sa cafeteria. It's suppose to be me and Audy's turn to order pero nang malaman na makikisingit kami kina Clyde at Deonell ay agad akong nagdahilan na masakit ang tiyan para 'di makasama.

I felt relieved nang hindi sila sumabay na kumain sa amin ngayon. I don't know the reason but I'm just glad that they didn't. Although, Liv is feeling the otherwise.

"You should've nagged your cousin even more!" pagmamaktol niya.

Sinimangutan lang siya ni Audrey bago umirap. "I told you, Clyde is a very busy person. Student President nga siya diba? Kay D ka na lang."

Agad nag-init ang aking pisngi sa narinig. Iwinaksi ko nalang ang naisip at nagpatuloy sa pagkain.

Pasado alas singko nang mag-early dismissal kami. May meeting daw ang mga teachers para sa Student's Night Party sa buong school for the Junior High and Senior High. Para na ring tradition ito sa school na mag-held ng gano'n na party every year. Late nga lang ito ngayon dahil masyadong busy ang mga guro at ang Student Council.

"Ein, 'yung mga pinsan mo nandito sa labas ng room. Sinusundo ka na." si Angela.

Tinanguan ko siya. Nagpaalam na rin si Angela, Daphne at Larrah sa'kin dahil may pupuntahan pa sila. I was never an active part of their circle. Sila lang ang kasama ko dito sa classroom. Palagi ko kasing kasama ang mga pinsan ko. I never recalled hanging out with them. Nevertheless, I'm still thankful that they considered me as their friend.

Lumabas na ako sa classroom at nakita ang mga pinsan ko na doon na naman nakaupo sa bleachers sa may gilid lang ng corridors. Nasa kamay ko pa ang mga libro ko kaya umupo ako sa tabi nila. I was putting all my things in my bag when I felt my phone vibrated. It was a notification from my driver.

Kuya Jobert:

Miss Einra, pasensya po. Dadating ang Daddy mo ngayon at inutusan ako ni Madame Emanuelle na sunduin siya. Bilin naman niya pasabayin ka sa pinsan mo.

Somewhere in the Avenue (Velez Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon