SIMULA

47 7 26
                                    

SIMULA

"WALA kang modo, ganyan ba kita pinalaki Lorraine ha?! Napaka-walanghiya mong bata ka!"

"Ma, tama naman na. Pagod na pagod na 'ko makinig sa pag bubunganga mo araw-araw. Kaya please lang."

Kakauwi 'ko lang galing sa trabaho 'ko. Pumapasok ako sa umaga, nag pa-part time job naman ako pag dating ng gabi. Kailangan ko kumayod para rin sa pamilya 'ko mabuti na lang at iskolar ako sa isang unibersidad dito sa maynila. Si Mama ay nag titinda sa palengke dito sa lungsod namin. Si Papa naman ay konstraksyon worker sa isang unibersidad sa Quezon City. Kahit may trabaho ang mga magulang 'ko ay na s-short pa rin kami sa mga gastusin sa bahay. May dalawa pa akong kapatid na nag aaral sa pampublikong paaralan dito sa lungsod namin.

"Napaka-bastos mo talagang bata ka!" Nag text kasi sa'kin si Mama na mangheheram muna siya ng pera pang sugal.

"Hindi ako bastos Ma. Wala na tayong pera pero inuuna mo pa rin yung pag susugal mo kesa sa mga gastusin dito sa  Bahay." Saad

"Kelan kita tinuruan sumagot sa mas nakakatanda sayo ha? Wala ka talagang modo Lorraine Santibañez!" Saad ni Mama.

"Ibigay mo na lang sa'kin yung pera'ng hinihingi 'ko sayo!" Dire-diretsyo ako sa sala namin at umupo para tanggalin ang aking sapatos at inilagay sa gilid ng aming Sala.

"Ma, wala na po akong maibibigay sa'yo na pera dahil sa yung pera'ng natitira sa'kin ay pang bayad po ng tuition fee 'ko sa susunod na semester." Tumayo na ako para pumunta sa aking kuwarto ngunit biglang hinawakan ni Mama ang braso 'ko.

"Alam ko, na meron kang naitabing pera. Kaya ibigay mo na sabi eh!" Saad ni Mama. At inalis ko ang pagkakahawak ni Mama sa braso 'ko. Pumasok na ako sa kuwarto ko at dali-dali ni-lock ang pintuan ng kuwarto 'ko.

Pag ka lock ko ng pinto duon na bumuhos ang luha'ng iniingat-ingatan ko na lumabas.

"Lorraine, diba sabi ko sa'yo maging matatag ka. Wag kang iiyak ulit dahil diyan." Ngunit walang nagawa ang sinasabi ko at tila parang gripo lumalandas ang mga luhang lumalabas saking mata.

Gusto 'ko muna mapag-isa. Gusto 'ko muna ng kalayaan para sa sarili 'ko.

"Lorraine, lumabas ka diyan!" Saad ni Mama.

Hindi 'ko siya pinansin. Kinuha ko ang maleta at kumuha ako ng damit sa cabinet 'ko. Good for 2 weeks ang damit na idadala 'ko. Pagkatapos ko ayusin ang mga damit 'ko itinaas ko ang foam ng higaan ko at kinuha ko ang limang libo na itinago 'ko para sa'kin. Extra money 'ko at inilagay sa wallet 'ko.

Pinunasan 'ko ang luhang nanuyot sa aking pisnge. Pagka-unlock ko ng pinto ay wala ako naririnig sa labas.

Siguro wala sila sa Bahay at nasa labas nagpapahangin.

Lumabas na ako sa aking kuwarto at nakita ko ang mga kapatid ko naka-upo sa sofa umiiyak ng tahimik.

"Ate," saad ng kababatang kapatid 'ko.

"Lei," hinaplos 'ko ang buhok ng kapatid 'ko. At niyakap niya 'ko ng mahigpit.

"Ate, wag ka na umalis please. Dito ka na lang." Saad nito. Lumapit ang isa ko lang kapatid na sumunod sa'kin.

"Ate, bubugbugin ulit kami ni Mama. Ikaw lang tagapag-tanggol namin dito sa bahay." Tuluyan na silang humagulgol.

"Hindi naman ako aalis. Magpapahinga muna ako ng saglit. Pupunta lang muna ako sa malayong lugar, babalik rin naman si Ate sainyo ha. Lorenz, huwag mong pababayaan si Lei ha. Kumain kayo sa tamang oras." Kinuha ko ang pitaka 'ko sa bulsa 'ko. "Eto isang libo, pang bili niyo ng pagkain ha. Pag walang ulam at naubusan kayo ay lang bili niyo ito ha." Ibinigay ko ang isang libo kay Lorenz. "Sige na, babalik din ako." Saad ko at itinanggal ko na ang pagkakayakap sa akin ni Lei. Si Lorenz naman ay tulala na lamang.

Lumabas na ako ng Bahay at doon ko nakita si Mama na nakatambay sa tapat ng Bahay kasama ang mga kumare niya ngunit hindi niya ako napansin.

"Oh, Lucia! Saan patungo nang anak mo?" Saad ng kumare ni Mama at bumaling ang tingin sakin ni Mama.

Umiwas na lang ako ng tingin.

Unti-unti nawala ang pagtawa sa mukha ng aking ina. Palapit na sa akin si Mama ngunit naglakad na ako patungo sa kanto ng aming baranggay.

"Lorraine!" Sigaw ng aking ina.

Bumilis ang lakad 'ko at muntikan na ako matapilok.

Pagdating ko sa kanto ay pumara na ako ng taxi. Mabuti na lang may humintong taxi sa harapan ko. Pagka-bukas ko ng pinto ay inilagay ko na ang maleta, bago ako sugudin ni Mama ay na-isara ko na ang pintuan ni taxi.

"Saan po tayo Ma'am?" Saad ni Manong.

"Diyan po sa Cubao, sa terminal ng bus." Saad.

"Lorraine, lumabas ka riyan at kausapin mo ako!" Saad ni Mama at hinahampas niya ang window ng taxi ni Manong, ngunit hindi ko na siya pinansin.

"Ma'am?"

"Tara na po." Saad ko at ipanaandar na ni Manong ang taxi.

Hindi ko na nilingon ang aking Ina. At duon na muli ako napahagulgol. Duon ko napagtanto na bakit ganito ang aking buhay?

Ngunit hindi ko pa rin alam kung saan ang tahimik na lugar para saakin.

'Till The Sun Goes Down Where stories live. Discover now