Kabanata 15

4 2 0
                                    

Kabanata 15

Physics

Magdamag akong tulala sa klase. Simula kaninang umaga hanggang ngayong hapon. Wala ako sa mood makinig sa mga kanilang tinuturo. Ewan ko ba kung bakit. Ang adviser namin na nagtuturo sa Mathematics ay napansin niya rin ngunit ang sabi ko wala lang ito. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko bakit nga ba ganito.

English class namin ngayon. Sa buong 1st quarter na kasama ko ang mga kaklase ko at mag 2nd quarter na next week. T'wing English class ay hindi sila nakikinig sa guro namin. Lalo na yung mga na sa likod na nakaupo at walang ginawa kundi mag ingay at gumamit ng kani-kanilang cellphone na ipinagbabawal ng aming paaralan ngunit matigas talaga ang kanilang mga ulo.

Nakapangulumbaba ako at nakatitig lamang sa aming guro na nagtuturo. May dumaan sa aking harapan. Bakante ang upuan sa right side ko. Na sa pinakaunahan ako at aisle ng upuan dahil na rin malabo ang aking mga mata. Umupo siya doon ngunit hindi ko siya pinansin. Wala rin ako sa mood makipagusap sa ibang tao. Ni hindi ko nga din maintindihan yung sarili ko. Ba't ako ganto.

Kinalabit niya ako at lumingon ako sakaniya. Nakangiti siya at tinaas niya ang kanyang dalawang kilay na makakapal. Si Hans. Nuong first week ng klase ay nagkakausap na kami n'yan ngunit mailap ang paguusap namin. Kalaunan ay nagiging mas close din kami. Tinititgan ko siya ng mga ilang segundo at ibinalik ko na ang tingin ko sa harapan.

"Sungit neto," aniya. Lumingon ako sakaniya.

"Ano ba 'yon?" Inalis ko ang pangungulumbaba ko sa upuan at sumandal. Pinagkrus ko ang aking mga braso. Sinuri niya ako ng kanyang mga tingin. Ngumiti siya sa'kin at onti onting tumawa. Humalakhak na din sa kaniyang ginawa.

"Tumawa na siya oh." Saad nito. Umirap ako sakaniya at tumawa.

I stretched my arms at ibinaba ko na ang dalawang kamay ko at ipinatong sa desk ko. "Ewan ko, wala ako sa mood." I deep sighed and I turned to him. "Kanina pang umaga."

"Hindi ka ata nakakain ng umagahan kaya ka ganyan eh."

"Hindi ah. Kumain ako kanina."

"Oh, baka kulang ulit ka sa kain ah." Saad nito. At tumango na lang ako sakaniya bilang sang-ayon. Siguro nga'y kulang lang ako sa kain at wala ako sa mood. "Kumain ka ba nung lunch?" Tanong nito.

Hindi ko ginagalaw ang pera ko. May pinagiipunan kasi ako. May gusto kasi akong bilhin duon sa isang boutique na nadadaanan ko pag pauwi na ako. Gusto ko kasi bilhin yung sketchpad nila. Simple lang ang disenyo ngunit ang lakas ng dating. At mechanical pencil. Next time na ako bibili ng color pens. Nakakamiss rin gumuhit.

"Siguro nga. Oo, bumili ako ng hansel." Sabi ko sakaniya.

"Talagang 'di ka naman mabubusog. Hansel lang binili mo eh."

"Ayos na 'yon." Lumingon ako sa likod at pinagmasdan ko ang baging transferee naming kaklase. Siya 'yong nakasabay ko sa LRT. Akala ko ay Grade 10 'yan dahil rin sa kaniyang height.

Kinakausap siya ng aking mga kaklase na lalaki ngunit tamang tango at maiking mensahe lang ang kanyang sinasabi. Siguro ay hindi pa sanay sa kaniyang environment iyan at nag a-adjust pa. Pero nakakapagtaka, galing naman na siyang international school ba't pa siya lumipat sa unibersidad? Anyway, wala na ako don.

"Hoy, ba't 'di ka nakikihalubiho doon?" Nginuso ko ang mga lalaking nagkukumpulan duon sa likod. Kasama ang new transferee namin na si Duke Jimenez.

"Baka pagalitan ako ni Sir eh." Saad nito. At tumango sakaniya.

"Ilang minutes na lang?" I asked one of my classmates. Nilingon niya ang kanyang relo.

"5 minutes na lang." Saad nito at ngumiti na lang ako sakaniya. Nilingon ko na ang harapan at nakikinig.

'Till The Sun Goes Down Where stories live. Discover now