Kabanata 11
It's good to be back
Nagising ako sa ingay ng katok saaking unit. Kinapa ko ang cellphone ko sa side table kinuha ko ito at in-open ko para tignan ang orasan. Iminulat ko ng bahagya ang kanang mata ko para matignan ito.
8:30 am
Ang aga aga pa lang at sino ang matinong taong mambubulabog ng ganitong ka aga aga. Itinabi ko na ito sa side table at umupo na muna ako. Patuloy pa rin sa pagkakatakot ang taong na sa labas. Naiinis ako nasira yung mahimbing na tulog ko.
Isinuot ko ang tsinelas ko at sumigaw. "Teka lang!" At huminto na siya sa kakakatok. Pumasok na ako sa cr,
naghilamos ako at nag toothbrush nakakahiya mamaya sabihin wala man lang ako ka-hygiene hygiene sa sarili ko at masabihan rin ng wala man lang ako kaayos ayos sa sarili ko.Lumabas na ako ng cr. Kinuha ko ang suklay ko sa bagahe ko sa gilid. Sinuklay ko muna ang aking buhok bago ko ito itinali ng ponytail. Inilapag ko na ang suklay sa side table at nagtungo na sa door ng unit ko.
"Heto na," sabi ko. Pinihit ko na ang door knob at nagulat ako dahil andito sila.
Bryle, Akhiro, Ruzzell. Malalaking ang ngiti sa kanilang mga labi.
"Oh! Ba't kayo andito?" Tanong ko sakanila.
"Diba sabi ko sa'yo miss ka netong mga 'to." Nginuso ni Bryle ang dalawa.
"Ang aga naman masyado kayong mga nagsidalaw. Nabulabog yung masarap kong tulog ha."
"Si Ruzzell kasi itong nangulit samin na pumunta ng maaga dito. Baka kasi masayangan raw sila ng oras sa'yo at baka mauna raw nanaman si Duke." Ngumisi siya sa'kin at umirap ako sakaniya.
"Ito si Ruzzell matampuhin." Tumawa ako ng bahagya. "Oh, siya, siya. Pumasok muna kayo rito." Sabi ko sakanila at iginiya ko sila papasok ng unit ko.
Bago sila pumasok ng unit ay itinaas nila ang kanilang mga kamay at naaninagan kong mcdonalds iyon. Pang breakfast namin. Hay I literally love these three gwapitos. Sa totoo lang.
Simula't sapul ay hindi ko naman talaga sila ka-close.
Si Bryle ang pinakaclose ko sa tatlo. Approachable kasi si Bryle. Mabait, may sense of humor actually silang tatlo meron, maikli lang ang pasensiya n'yan, nagkakasundo kami sa iisang bagay pagdating sa kalokohan. Kung tutuusin din ay nakikipagdate 'yan ngunit fling fling lang. Ayaw magseryoso netong isang 'to. May ari sila ng oil company dito sa pinas. Kilala rin sila dahil matayog ang kanilang kumpanya.
Si Ruzzell naman ang sumunod sa pinakaclose ko. Sobrang soft ng personality neto. Nagkakasundo rin kami n'yan sa iisang bagay pagdating sa musika. Siya ang pinakamatured sa tatlo kung mapapansin mo ito. Mabilis pumick up si Ruzzell sa iisang bagay na hindi mo naiintindihan. Malawak ang pang uunawa nito sa mga nakapalagid sakaniya. Ang kanilang pamilya ay may nag aaring isang pribadong ospital sa maynila at probinsya.
Si Akhiro naman ang sumunod sa lahat. Mapagbiro si Akhiro. Nagkakasundo kami n'yan pagdating sa pag guhit. Forte niya iyon, lagi niya ako tinutulungan sa pag guhit ko t'wing nangangailangan ako ng tulong kapag nahihirapan ako sa iisang parteng iginuguhit ko. Magaling rin magpinta si Akhiro, kaya't hinahangaan ko talaga siya pagdating sa pagpinta at pag guhit. Ang kaniyang mga magulang ay may nag aari ng isang art museum rito sa maynila at nag eexhibit rin sila.
At nakilala ko sila dahil kay Duke. Mahabang kuwento kung paano at bakit kami naging close netong mga 'to kesa kay Duke. Ngunit silang lahat ay biniyayaan ng pagkamatalino at pagiging bihasa sa mga iba't ibang physical activities.
Isinara ko na ang pintuan. Nakita ko silang tatlo ay lumilingat lingat sa kabuuan ng hotel unit ko.
"Tara, kain na muna tayo ng umagahan." Ani ni Ruzzell. Tumango ako sakaniya nagtungo na kami sa hapagkainan at umupo na rin kami.
Inilabas na nilang tatlo ang breakfast namin sa plastic. Inilapag ni Ruzzell sa aking harapan ang 2 pcs pancake at isang iced coffee. Inilapag naman sa harapan ko ni Akhiro ang isang large fries. Habang si Bryle ay wala namang ibinigay. Ngumiti ako sa dalawa at nagpasalamat. Huling tinignan ko naman ay si Bryle nag taas siya ng kilay sa'kin.
"Ayoko makipag kumpetensiya sa kanilang dalawa." Sabi niya at humalakhak kaming lahat.
Nagsimula na kaming kumain walang umiimik samin at lahat kami ay busy kakakain ng umagahan namin. Hindi talaga kami nag iimikan pag t'wing kumakain kami.
Nuong asa highschool kami ay dati rati ay inaaya ako ni Bryle bumili ng umagahan sa Mcdo at kakain kami sa loob ng room minsan naman ay duon na sa mismong Mcdonalds. Sinasabihan na niya ako n'yan kagabihan pa lang. Gumigising kami ng umaga para hindi kami malate.
Sumunod non ay nalaman na nila Akhiro at Ruzzell iyon. Kaya't lagi na silang sumasama saamin ni Bryle. Hindi nalaman ni Duke iyon na t'wing umaga ay naglalagi kami sa Mcdo dahil lagi siyang late pumapasok pero kalaunan ay nalaman niya rin iyon.
"Musta na kayong tatlo? Ang tagal na nating hindi nagkita ha." I said.
"Ayos lang naman kami. Wala man lang ako nakasabay sa mga kalokohan ko this past 6 years." Kumento naman ni Bryle.
"Ako, ayos lang din." Kumento ni Akhiro at busy kakakain ng kaniyang umagahan.
"Ayos lang din. Ikaw musta ka na? Lagi kita hinahanap duon sa bestfriend mo yung ka schoolmate ni Duke, sino nga ba ulit 'yon?" Tumigil siya "Oh, si Winter! Oo, ang lagi niyang sinasabi sa'kin busy ka raw o minsan naman ay hindi niya sinasagot ang tanong ko at nginingitian na lang." Paliwanag ni Ruzzell, tumango na lamang ako sakaniya.
"Ayos lang din naman. Ako pa ba?" Itinuro ko ang aking sarili. "Oh, ang sabi ko kasi sakaniya pag may naghahanap sa'kin wag sasabihin kung nasaan talaga ako. Alam mo naman ang nangyari nuong na sa highschool tayo diba." Sabi ko at tumango tango silang tatlo.
"Past is past naman na. Kinalimutan naman din namin 'yon." Sabi ni Ruzzell at tumitig siya sa'kin.
"Nagulat na lang kami nuong nag drop ka bigla sa school." Aniya Bryle. "Dissmisal na non biglang sinapak ni Akhiro si Duke. Mabuti wala nang tao sa room non at kaming apat na lang."
"Dahil ang puno't dulo lang naman nang lahat hindi ba si Duke." Umiwas ako ng pagkakatingin sakaniya.
"Tagal na non. Pwede bang kalimutan na natin 'yon." Saad ko sakanila. "Am I still welcome to your club?" I asked them.
They all smirked.
"Yes,"
"Thanks, It's good to be back." Ngumiti ako sakanila at sinuklian nila ako ng matamis na ngiti.
Let's forget the past. It's time to keep on moving forward.
YOU ARE READING
'Till The Sun Goes Down
Teen FictionLorraine Santibañez was frustrated with herself because of what's happening around her. Not able to take it anymore, she decided she needs to get away from her hell of a life. Lorraine went to Baguio to find peace, later on she found out that her lo...