Kabanata 7

8 4 0
                                    

Kabanata 7

Truth or Dare

Nakapalibot kaming lahat sa bonfire. Katabi ko si Duke sa kanan ko habang si Chesca naman ay na sa kaliwa ko nakaupo. Pare-parehas kaming naka-indian seat dito. I can feel the cold breeze because we're on the top of the hill. Kahit naka jacket na ako ay nanunuot pa rin ang lamig saking balat.

Yung iba naman ay may mga dalang malalaking jacket at ang iba naman ay may dalang makakapal na kumot. Hindi ko maintindihan 'tong isang 'to si Duke. Bakit sa'kin tumabi hindi naman sa bitter ako diba pero yung epekto niya talaga sa'kin. Since Highschool malakas talaga impact sa'kin ni Duke. Sobrang crush na crush ko siya non kaso biglang dumating yung jowa niyang nakakairita.

I get it mas maganda talaga si Sandy sa'kin kung kumpara sa'kin. At wala akong laban dahil mayaman ang isang 'yon. Sila ang may ari ng 'Briar and Furnitures' sila ang taga suplay sa buong asya kaya't kilala rin sila.

Nawala lang ako sa wisyo nuong biglang dumapo ang kamay sa'kin ni Duke. Napalingon ako sakanya ayon pala tinatabunan niya ako ng makapal na kumot. Kahit nakapalibot kami sa bonfire ay malamig pa rin talaga dahil sa hampas ng hangin sa'min.

Pinagmamasdan ko si Duke habang ginagawa iyon. Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa'min. Nilingon ko ang lahat at nakatitig sila saaming dalawa ni Duke. Yung iba naman ay puno ng kuryoso ang mga tingin at habang sila Bryle naman ay nakangisi sa'min dalawa ni Duke.

Napadako naman ang tingin ko kay Hail at nakangiti lang siya sa'kin. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko na kaya ang mga tingin nila sa'min. Tinapik ko na ang kamay ni Duke at napatingin siya sa'kin.

"What?"

"Ako na. Kanina pa tayo pinagtitinginan." I said and he scan them.

"Ano naman?"

"Ayos ka lang ba? Gumagawa ka ng eksena dito?" Sabi ko sakanya. Umupo na siya ng maayos. "Ako na bahala dito." Kinuha ko sa mga kamay niya ang kumot at pinalibot ko sa buong katawan ko ang kumot. Kinuha ni Duke ang kalahati ng kumot tutal malaki naman ito ay naghati kami rito.

"Ehem," pinapawi ni Hail ang bumabalot na katahimikan sa'min kaya sakanya napunta ang atensyon ng lahat.

"Let's play Truth or Dare! Who's with me?" Nagtaas ng kamay ang lahat pwera lang sa'kin. "Lorraine? You don't want to join? Don't be a KJ here." Hail said with a sad tone.

"I'm in." I said and nagtaas na ako ng kamay ko.

"YAAAAAAAAAAN!!!" Everybody said and I laugh.

Pumapalakpak na si Hail para sakanya mapunta ang atensyon muli. May kinuha siya sakanyang likod at tumbler iyon. Winagayway niya ang tumbler sa ere.

"So pag ang puwetan ang tumuro sa'yo ay ikaw ang magtatanong ng Truth or Dare. Kapag ang nguso naman ang natapat sa'yo ikaw ang tutugon sa Truth or Dare nila. Papalit palit lang dapat tayo pag nag isang truth ka na ay mag swith ka naman na sa dare kumbaga transition. Ayos ba?" At tumango kaming lahat.

"Sige, iikot ko na ito." Tumayo si Hail at pwinesto niya na sa pinakasentro ang tumbler.

Pinaikot na ni Hail ang tumbler. Lahat kami ay nagaabang kung kanino tututok itong tumbler na ito. Ako naman ay kabado dahil mamaya kung ano ang mga itanong nito at pagawain nila sa'kin.

Tumutok na ang bote kay Chesca at kay Krishna. Ang nguso naman ay natapat kay Chesca habang si Krishna naman ang puwetan ng tumbler. Tinignan ko naman si Krishna at nakangisi lamang siya habang si Chesca ay chill chill lang.

"Truth or Dare, Chesca?" Krishna asked.

"I don't wanna be a KJ. Dare." Chesca said with full of confidence in her face.

'Till The Sun Goes Down Where stories live. Discover now