Kabanata 3
Until now
Nakatitig lang ako sa dingding sa aking kuwarto. Tahimik lang at wala akong naririnig na kung ano mang ingay. This is what i need.
Mga ilang segundo ay tumayo na ako sa pagkakahiga ko sa kama. Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng silid na ito.
Ang gaganda ng mga disenyo sa dingding. May mga nakadikit na wooden spoon and fork. Mga paintings na hango sa sinaunang panahon.
Nakatutok ang sinag ng araw sa aking kuwarto kaya't ang aliwalas tignan.
Binuksan ko ang sliding door sa verenda. Pagkabukas na pagkabukas ko ay sobrang lamig ng hangin ang sumalubong sakin."Ang lamig talaga, kahit ma-araw malamig pa din." Isinara ko na ang sliding door ng verenda at hinila ko ang kurtina para matakpan ang sinag ng araw.
Kinuha ko ang maleta sa gilid ng higaan at binuksan ito. Puro shorts at t-shirt ang dala ko. Ilang mga underwear lang ang mga dala ko. Wala man lang ako kadala dala na pants. Ang lamig pa naman dito.
Kumuha ako ng short at t-shirt sa aking maleta at maliligo muna ako. Inilabas ko sa aking bulsa ang cellphone ko at wallet. Inilapag ko ang wallet ko sa side table. Binuksan ko ang cellphone at 9:00 am palang ng umaga. Ibinato ko ang cellphone ko sa kama.
Hindi pa pala ako nakakapag breakfast. Pagkatapos ko na lang maligo at kakain ako sa baba.
Nagtungo na ako sa cr. Binuksan ko ang ilaw sa cr at infairness kumpleto sila sa shampoo, sabon, toothbrush, at toothpaste. Inilagay ko ang madudumi damit ko sa sink at isinabit ko ang towel ko sa pintuan ng cr. Naghubad na ako ng aking mga damit at binuksan ko na ang shower. Maligamgam lang ang tubig. Sakto lang ang lamig at mainit na tubig na dumadaloy sa katawan ko.
"Ang winner naman neto. Shampoo nila sunsilk. Isa pa 'to, sabon nila dove."
Pagkatapos ko maligo ay kinuha ko na ang maduming damit ko sa sink pati na rin ang towel kong nakasabit sa pintuan at itinapis ko na ito sa aking katawan.
Pagkalabas ko ng cr ay nag riring ang cellphone ko. Dali dali akong nagtungo sa kama at kinuha ko ang cellphone ko.
Winter calling...
Inaccept ko ang kanyang tawag. Bat kaya 'to napatawag siguro may nalaman na ito sa'kin.
"Winter,"
"Lorraine, asan ka? Balita ko kay lizia hindi ka raw pumasok ngayon?" Winter sighed. "Ang alam ko lang naman na mapupuntahan mo kapag may problema ka dito sa apartment ko." Saad nito.
"Wala ako sa maynila winter." I said.
"Ha? Are you out of your mind, Lorraine? At umabsent ka pa? Alam mo namang madami kang hahabulin kapag umabsent ka diba. Huling pag gaganyan mo nuong namatay si Gino." Sabi nito at duon ako natigilan. "Sorry,"
"Ayos lang, pano mo nabalitaan kay Lizia na hindi ako pumasok?" Tanong ko sakanya.
"Tinawagan niya ako. Hinahanap ka niya saakin. Ikaw na lang daw kasi walang reflection paper sa philosophy." Saad nito. "Teka nga, winawala mo ako sa usapan eh. Nasa'n ka ba?"
"Shit, yung reflection paper pa pala." Hinilot ko ang aking sentido. "Asa Baguio ako, Winter." Saad ko at mukhang magagalit ito dahil masyadong malayo na ang napuntahan ko.
Pag t'wing ayoko marinig ang pag aaway ng mga magulang ko ay kela Winter ako nagpapalipas ng gabi at umuuwi ako ng madaling araw. May isa kaming extra susi at para sa'kin 'yon dahil pag tuwing nalalate ako sa pag uwi galing sa trabaho O sa thesis na ginagawa ko. Kaya meron na kaming extra susi para hindi ko na maabala ang pamilya ko sa mahimbing nilang pagkakatutulog.
"You are totally out of your mind. Lorraine, Baguio? My Goodness, paano yung mga activities na naiwan mo sa school. Mahirap 'to."
"Andyan naman si Lizia para tulungan ako. May mga notes naman 'yan kaya hindi rin ako nag aalala."
"Bakit ka ba andyan sa Baguio? May nangyari nanaman ba sa Bahay ninyo?"
Nag aatubili akong sabihin sakanya dahil nuong nag kasagutan kami ni Mama ay tumawag si Mama sakin at nagkasagutan rin sila. Pumunta rin si Mama sa apartment at sumisigaw s labas ng Bahay at isa 'yon sa mga hindi ko malimutan. Kahihiyan para sa sarili ko, kay winter, at huli sa lahat ay ang mga kapitbahay nila winter.
Napahinto lang si Mama nuong napagod siya kakakuda sa labas non at muntikan na tumawag ng security si Winter. After mangyari 'yon ay isang linggo akong nakitulog kela Winter.
"Si Tita Lucia nanaman ba 'yan?"
"Oo,"
"Oh, bakit hindi ka nag punta rito? Ang layo layo ng pinuntahan mo talaga't Baguio pa. Paano 'yang part time job mo?" She said. "Alright, alright alam kong narirndi ka na saakin. I'm just worried about you. Paano 'yan ikaw lang mag isa kaya mo ba? Alam kong kaya mo pero alam kong di ka sanay umalis na mag isa." Ani. And i chuckled.
"Salamat sa pag aalala pero kaya ko naman sarili ko. Wag ka na mag alala i u-update kita palagi, okay?" Saad ko. "Hindi ko din masabi sayo yung nangyari samin ni Mama kasi wala rin ako sa pag iisip non at ayoko maulit yung nangyari dati na nambabog pa siya sa apartment mo at nagkasagutan kayo. Nakakahiya para sa'kin."
"Ayos lang 'yon, Lorraine. Hay, okay just call me for more updates. If you need anything or what just call me ha. I love you, Lorraine." Saad nito.
"I love you too, Winter. Stop worrying, I'm fine. Alright." Saad ko. "I'll hang up." Saad ko.
"Teka, there's something that I need to tell you."
"Ano 'yon?"
"Alam ko na ikaw din ay hindi ka kumbinsido na nag suicide si Gino."
"Oo, pero kahit anong pag e-explain ko sa kanila ay hindi sila naniniwala at alam mo naman ang kikitid ng utak ng magulang ni Gino diba? Ako ang sinisisi nila sa pagkamatay ni Gino dahil ako ang huling tinawagan niya." Saad ko.
"Binuksan ulit ang case na 'yon ni Gino." Saad nito. "Si Daddy ang nag hahandle ng case ni Gino at gusto ka makausap ni Dad."
"Ha, edi diba nag ex-"
"Lorraine, isinabi ko na din kay Dad yung nangyari. Pero ang gusto niya ay ikaw magsabi harap-harapan sakanya. Kaya napatawag din ako."
I sighed. "Alright, pagkauwi ko ay dederetsyo na ako sa firm ng Dad mo."
"Do you still love Gino? Up until now?" Winter asked.
"Winter, you know the answer. I didn't love Gino ever since where we in 3rd year highschool. And you know the reason why do we end up in a relationship." I said.
"And you never liked him before?" At duon ako natigilan.
"I liked him before." I said. "I'll hang up now." At pinatay ko na ang tawag.
-
Thank you keshley for the book cover love lots ;) I hoped you guys like my update hehe sorry for the grammatical errors again :/
YOU ARE READING
'Till The Sun Goes Down
Teen FictionLorraine Santibañez was frustrated with herself because of what's happening around her. Not able to take it anymore, she decided she needs to get away from her hell of a life. Lorraine went to Baguio to find peace, later on she found out that her lo...