Kabanata 10

6 3 0
                                    

Kabanata 10

Past

Halos takbuhin ko na ang dinadaanan ko at nababangga kong mga tao dahil hinahabol ko si Duke marahil sa mabilis niyang paglalakad. Bawat hakbang neto ay malaking agwat na dahil sa mahahaba niyang hita. Kung ilalalarawan mo ang hita ni Duke ay mala-anime ang dating. Matangkad si Duke halos 6'1 din 'yan. Ni hindi ko nga maabot halos 5'5 lang naman ang height ko.

Naaninagan ko na si Duke nakatayo sa labas ng Burnham Park. Huminto muna ako ng saglit bago tumungo sakaniya dahil na rin sa hingal ko kakatakbo at masabayan ko siya sa kaniyang paglalakad.

Naglakad na ako patungo sakaniya at talagang mapapasabi ka na lang 'likod pa lang ulam na'. Luminga linga ako sa paligid madaming nakatitig sakaniya mapabata man o matanda dahil na rin sa kaniyang tindig at maamong mukha. Talagang nakakabighani talaga siya. Huminto ako sa likod niya at kinalabit ko siya ngunit ang mga ibang tao ay nagbubulungan sa paligid namin.

"Girlfriend?"

"Baka naman yaya niya 'yan?"

"Close friend?"

"Partner niya sa thesis?"

"Oh baka ex niyang patay na patay sakaniya?"

Nagpintig ang tenga ko nang narinig ko iyon nilingon ko ang nagsabi non ngunit nung tiningnan ko na siya ay huminto siya kakabulong at umalis na siya sa kaniyang kinakatayuan.

Hindi rin ako girlfriend, yaya, close friend, partner niya, at lalong lalo na ex na patay na patay sakaniya. Ni-isa sa binanggit ay wala ako diyan. We're just a stranger from the past. Ni-isa rin sa binanggit ay walang katotohanan at bulong bulungan lang 'yan.

Lumingon na sa'kin si Duke. "Bilis mo maglakad 'di mo man lang ako hinintay ah." Sabi ko sakaniya at tinaasan niya ako ng kilay niya.

"Ang iksi kasi ng hita mo eh kaya 'di mo ko sabayan." At humahalakhak siya sa'kin. "Saan mo gusto?" Tanong niya sakin and he roamed his eyes.

"Bastos 'to. Kahit saan?" Sabi ko sakaniya at tumingin ako sa aking paligid. Nakita ko ang isang mamang nagbebenta ng taho. Oo nga 'no, strawberry taho!!

"Duke!" I shouted because of excitement para akong batang excite na excite sa iisang bagay na ibibigay sa'kin ng magulang ko. "Ayon oh!" Tinuro ko ang mamang nagbebenta ng taho. "Gusto ko non, strawberry taho." At nginuso ko 'yon.

"Ayon ba?" Tumango ako sakaniya.

"Oo,"

"Ayoko nga," I glared at him and he chuckled "Alright, we will buy." Sabi niya sa'kin.

May mga nagsisibusinahan ng mga kotse at mga trycicle dahil na rin sa mabagal na pagusad ng trapiko. Kailangan pa naming tumawid upang makabili ng strawberry taho.

Huminto na ang mga sasakyan hudyat na pwede na kaming tumawid. Hinawakan ako sa pulsohan ni Duke nabigla ako doon. Habang naglalakad kami lahat ng bagay ay nag s-slow motion. Ang tunog ng paglalakad ng mga tao, ang mga nagtatawanan, ang mga batang nagtatabuhan, at ang  paglingon ko kay Duke ay nag s-slow motion rin.

Nuong una ay hindi ako naniniwala sa mga ganitong pangyayari akala ko ay guniguni ko lamang iyon ngunit nagkakamali ako at totoo nga itong slow motion na ito. Napahinto ako sa pagiisip ng nakatawid na kaming dalawa.

Ilang metro lang ang layo ng mamang nagbebenta ng taho. Alas kuwatro pa lang ngunit ang araw ay hindi masyadong tirik rito. Lumingon sa'kin si Duke.

"Maupo ka muna duon sa bench." At nginuso niya ang bench na nasa kanan ko. "Ako na lang ang bibili mag intay ka na lang dito. Mabilis lang naman ako." Sabi niya at tumango na lamang ako. Naglakad na siya patungo roon.

Bumabagabag pa rin sa'kin ang nangyari kanina ibig sabihin ay totoo ngang nangyari 'yon. Nawala lang ako sa tuliro nuong nakatawid na kami at binitawan na niya ang pagkakahawak saaking pulso. Inangat ko ang pulsohan ko. Hinawakan at tinitigan ko 'yon. Ibababa ko na sana ang pulsohan ko ng biglang nag ring ang aking cellphone.

Kinuha ko ang aking cellphone at tinitigan ko kung sino ang caller na 'yon. Si Bryle pala. In-answer ko ang kanyang tawag at tinapat ko sa aking tenga ang cellphone ko.

"Hello," saad ko.

"Hey, Lorraine. Are you free today?" Ge asked.

"Ahm, yeah. I'm with Duke. Why?"

"Oh, Duke." Kahit sa call at kahit alam kong hindi ko naaninagan ang kanyang mukha ay nakangising aso na siya sa'kin. "Busy ka pala. Akhiro and Ruzzell wants to bond with you today. Eh kayo busy ka, kaya pala hindi ko nakikita si Duke ngayon o tumatawag sa'kin. Hindi na ako nagtaka." Humalakhak siya.

"This is not what you think, Bryle. You're so malicious huh." I said. "Nagulat na lang ako nuong nag text siya sa'kin at inaya niya ako lumabas. Bored din naman ako kaya um-oo din ako sakaniya. Friendly Date lang naman ito binibigyan mo ng malisya." I sighed. "Teka, ba't raw gusto ni Akhiro at Ruzzell makabonding ako?" I asked him.

"Dami mo namang sinabi." He said sarcastically. "Oh, because they missed you so much."

"Para hindi ka maging malisosyo Mister Bryle. How about tomorrow? I'll meet you up?"

"Baka busy ka naman ulit ha?"

"Hindi nga sabi eh. Sige, bukas ha. Anong oras?"

"Hindi ko pa alam sa 'tong mga 'to. I-uupdate na lang kita pag nagsabi na sila. Wala sila rito andoon sa baba may inayos lang ng business." Sabi nito.

"Oh, may business na sila? Hindi ako informed ha. Bukas ko na lang itatanong. Oh, siya, siya. Text ka sa'kin pag ano oras kayo pupunta para makapagayos ako ng maaga." Sabi ko.

"Okay, sure. I'll text you. Mag ingat kayo diyan ha. Text me pag nakauwi ka na ha. I'll drop this call na, Bye."

"Bye," and he drop the call. Itinabi ko na ito at nakita ko si Duke ay hawak na niya ang dalawang taho sakanyang kamay at papunta na siya sa'kin.

Inilahad na niya ang taho saaking harapan. Itinaas ko ang mukha ko para masilayan ko ang mukha niya at ngumiti na lang ako sakaniya at kinuha ko na ang taho sa kaniyang palad.

"Salamat,"

"Walang anuman," sabi nito. Humigop na ako ng strawberry taho at hindi na ako nagtaka masarap nga ito. "Sino pala katawagan mo kanina?" He asked out of the blue.

"Oh, that. Si Bryle 'yon." At inubos ko na ang strawberry taho. "Napatawag sa'kin tinanong ako kung busy ba raw ako. Ang sabi ko kasama kita at lumabas tayo. Hinahanap raw ako ni Akhiro at Ruzzell." Pag eexplain ko sakaniya at tumango na lamang siya sa'kin.

"Gusto mo ba ihatid kita kela Bryle?"

"Hindi na gusto ko na rin umuwi at medyo napagod ako sa araw na ito. Thanks by the way."

"No problem," aniya. Tumayo na ako.

"Tara na uwi na tayo." Sabi ko at lumingon ako sakaniya. Inubos niya na rin ang strawberry taho.

"Tara na," ani. At naglakad na kami patungo sa kaniyang kotse na naka park.

Sa buong biyahe ay tahimik lang kami parehas tanging tunog lamang ng radyo ang naririnig naming dalawa. Hindi kami nagkikibuan. Ni-isa samin ay wala talagang balak kumibo. Hindi ko alam kung parehas lang ba kami nahihiya sa isa't isa.

Hindi ko namalayan na malapit na pala kami sa aking Hotel na tinutuluyan. Madami akong kotseng nakikita at mga taong nagsisilabasan ng mga kanilang kotse at ng Hotel. Andito na kami sa harapan ng Hotel. Itinanggal ko na ang seatbelt sa'kin at ngumiti ako sakaniya.

"Salamat pala sa ngayon. Nag enjoy ako. Baba na ako. Ingat sa pag uwi, salamat ulit." Tumango at ngumiti rin siya sa'kin.

"Welcome, ako rin." Sabi nito. Bumaba na ako sa kotse at inintay ko paandarin ang makina ng kaniyang kotse. Kumaway na ako bago siya umalis.

'Till The Sun Goes Down Where stories live. Discover now