Kabanata 2
Worthless
Naalimpungatan ako sa sigaw ng kondoktor akala 'ko ay na sa Baguio na ako ngunit asa Dau pa lang pala ako.
"Bus stop po. Mga bababa po ng Dau, baba na po." Ani ng kondoktor.
Hinubad 'ko muna ang jacket 'ko at nag ayos ako bago ako bumaba. Kinuha 'ko ang plastik na pinagkainan 'ko at tumayo na ako. Itatapon 'ko na 'tong mga 'to. At mag co-comfort room muna ako.
Pagkababa 'ko sa bus ay may mga bus na nakahilera siguro mga na sa limang bus ang mga byumahe ngayon. Meron mga nakabukas na tindahan.
Madaming nagbebenta ng pagkain, tad ng chicharon, grilled hotdog, softdrinks, at iba pa. Hinahanap 'ko ang comfort room ngunit 'di ko mahanap kaya't nagtanong ako.
"Ahm," tinitigan 'ko ang tindera.
"Bakit, ineng?" Tinaasan ako ng kilay neto.
"Saan po ba ang public cr dito?"
"Kumanan ka neng, tas dumiretsyo ka. Andoon na yung public cr." Saad at nginitian ako.
"Salamat po." Tinanguan na lamang ako. Akala 'ko masungit eh.
Pagkasabi neto ay kumanan na ako don sa sinasabi niyang direksyon pagkatapos non ay dumiretsyo na ako.
Naaninag 'ko na ang public cr. Palapit ng palapit na ako sa cr mabuti kakaunti lang ang mga tao rito. Nasa tapat na ako ng cr at may nakalagay sa poste na
'Limang piso bago pasok.'
Pati ba naman ito pinuhunan iihi ka na nga lang may bayad pa. Wala na ba talagang libre dito sa mundong 'to?
Kinuha 'ko na ang limang piso sa bulsa 'ko. At ibinigay na ito sa nagbabantay. Pagkapasok 'ko sa cr ay nangangamoy na ang alingasaw na mapanghi. Omg sis ano ba 'to?
"Shit, mars bat ganto yung amoy palagi pag sa public cr?" Gosh, pagkatapos 'ko umihi ay umalis na din ako dahil hindi 'ko makayanan ang amoy dito.
Halos tinakbo 'ko na patungo sa bus 'ko. Mamaya mahuli ako ng sakay o kaya maiwanan ako.
Mabuti na lang pagdating 'ko ay nadoon pa rin ngunit mukhang paalis na rin dahil ang driver ng bus ay nakaupo na at mukhang ready na umalis. Ang kondoktor naman ay nasa gilid ng pintuan ng bus at mukhang naiinip na rin.
Naglakad na ako patungo. "Kuya, aalis na po ba?" Tanong ko sa kondoktor.
"Oho, aalis na." Saad nito. At pumanik na ako sa bus. Pagkapasok ko ng bus ay naaninag 'ko ang mga tao na tulog, naka headset, at tulala sa kawalan. Pumunta na ako sa upuan 'ko ngunit hindi ako makasingit dahil tulog na tulog ang katabi 'ko sa bus na ito.
"Ahm," tinapik 'ko ang balikat ni kuya.
"Hmm,"
"Ah, kuya excuse me po. Dadaan po ako." Saad 'ko at napamulat na siya ng kanyang mata.
"Ah, pasensya." Umusog na siya. "Daan ka na, pasensya pagod sa b'yahe." Saad nito.
"Ayos lang po. Sige po, tulog na po kayo ulit." At nginitian niya na lang ako.
Kinuha 'ko muna ang cellphone 'ko at tinignan kung anong oras na. Asa alas kuwatro y media pa lang ng umaga.
Binuksan 'ko ang messenger 'ko at ang daking nag pop up na chat. Galing sa mga kaibigan 'ko, group chat ng mga kamaganak 'ko, at ng mga kaklase 'ko. Sineen 'ko lang ang mga messages nila at pinatay 'ko na ang cellphone 'ko. Bukas 'ko na lang sila rereplayan.
Hinilot hilot 'ko ang sentido 'ko hanggang ngayon hindi 'ko alam 'tong mga pinag gagawa 'ko. Bahala na si Batman dito, gusto 'ko lang naman ng fresh air, masayang environment, at lalo na ang hindi muna ma frustrate sa sarili.
YOU ARE READING
'Till The Sun Goes Down
Teen FictionLorraine Santibañez was frustrated with herself because of what's happening around her. Not able to take it anymore, she decided she needs to get away from her hell of a life. Lorraine went to Baguio to find peace, later on she found out that her lo...