Kabanata 12
Gig
Kaninang alas tres lang umuwi silang tatlo. Napagdesisyunan nilang umuwi ng ganoong oras para hindi raw nila ako maabala pa. Ang sabi ko naman sakanila ay hindi naman sila nakakaabala sa'kin kahit kelan. Na ngayon ay puno ng galak ang aking puso dahil ayos na kaming apat. Hindi ko lang alam kay Duke.
Puno ng kuwentuhan at tawanan ang loob ng hotel unit ko kanina. Pinagusapan namin ang mga nagdaang panahon na wala ako at wala rin sila sa buhay ko non. I'm so much more happy than I could ever imagine that we're back again as one. I'm glad that we're all good. Finally.
Sa tagal ng panahon ay iniisip ko non ay galit sila sa'kin dahil sa nangyari nuong nagdaang anim na taon. T'wing gabi ay lagi ako dinadalaw nuong nangyari iyong araw na 'yon. Hindi man lang ako nakapagpaliwanag sakanila at nagpaalam na mag d-drop na ako sa aming paaralan non. Nuong nangyaring sinuntok ni Akhiro si Duke ay nakita ko 'yon at alam ko ang dahilan na ako 'yon.
Duon ko napagdesisyunan na lumipat muna ako ng probinsya o basta makalayo lang sakanilang apat. Lumayo ako sakanila kahit labag sa aking kalooban. Kahit masakit na iwan ko man silang apat ay mas lalo akong nasasaktan sa lahat ng nangyari. Simula nuon ay lagi ko iniisip na bakit nga ba ay naging magkaibigan ko sila kahit huwag na sana. Lalo na't silang apat ay mga tig mana ng kanilang mga napundar na negosyo ng kanilang mga magulang.
Idinala ako ni Mama non sa Tarlac sa kamaganak namin duon ko tinapos ang grade 10 hanggang grade 12. Kahit nakakapanghinayang na isang taon na lang at makukuha ko na ang diploma ko sa dating paaralan ko ay kailangan kong lisanin ang lugar na iyon at ang mundo nilang apat.
Napagdesisyunan ko nang bumalik sa maynila nuong 1st year college na ako. Dahil mas maganda ang opportunidad rito sa maynila lalo na't BS Accountancy ang kinuha ko. Si Winter lang talaga nakakaalam na uuwi na ako ng maynila non. Ngunit mapaglaro ang tadhana ng nalaman kong parehas sila ng school ni Duke.
Ginawa ko lahat ng makakaya ko upang makapagtago o hindi magpakita sakaniya ganon din kela Bryle. Dahil ayoko na ang dahilan ng pagkakagulo o pagtatalo nilang apat. Ginawa ko ang lahat para hindi nila ako makita. Tinulungan rin ako ni Winter at sinabi ko sakaniya ang dahilan.
Andito ako sa terrace ng aking hotel unit at nagliliwaliw. Alas cinco y media na nang hapon at papalubog na si haring araw. Dito sa terrace na ito ang pinakaperfect spot para makita ang paglubog ng haring araw. Kaya't hinihintay ko ang paglubog ng haring araw. Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang naranasan ito ang mapanuod ang pag lubog ng haring iraw at talagang mukhang nakakamangha nga.
Narinig kong nag ring ang aking cellphone. Dali dali ako pumunta sa side table para matignan kung sino ang tumawag. Dinampot ko na ang cellphone ko at nakita kong si Duke ang tumatawag. Ang hirap maging marupok. Dati indenial pa ako sa pagiging marupok ngayon sigurado na. In-accept ko na ang kanyang tawag. Kapag hindi ko ito sinagot ay mamaya sabihin niya ay iniiwasan ko siya.
"Hello, napatawag ka?"
"Ahm, I heard one of my friends here in Baguio may gig raw munimuni yung favorite mong banda nuong asa highschool pa tayo non?"
Kumislap ang mga mata ko nuong narinig ko 'yon. Simula nuong highschool ako ay talagang fan na fan nila ako. Kaso nga lang strict parents ko hindi ako pinapayagan makapunta sa kanilang gig dahil sa Quezon City pa 'yon at malayo kami duon. Kadalasan kasi ng gig nila ay gabi kaya hindi talaga ako pinapayagan. First time ako makapunta sa gig nila ngayon!
"Seryoso?" Dinig sa boses ko ang excitement. "Anong oras ba 'yan? Para mapaghandaan ko." Umalis na ako sa terrace at isinara ang sliding door. "Teka," umupo na muna ako sa kama. "Ayos na. Oh, anong oras ba 'yan?"
YOU ARE READING
'Till The Sun Goes Down
Teen FictionLorraine Santibañez was frustrated with herself because of what's happening around her. Not able to take it anymore, she decided she needs to get away from her hell of a life. Lorraine went to Baguio to find peace, later on she found out that her lo...