Kabanata 17

1 1 0
                                    

Kabanata 17

Join

Dalawang linggo na ang nakakalipas at tapos na ang aming 2nd Quarter at simula last week ay nag start na ang 3rd Quarter namin. At nakahinga naman na ako ng maluwag dahil napasa namin ang aming requirements sa tamang deadline.

Idinuskusyon nang aming mga guro ang kanilang ituturo sa ikatlong markahan at hindi ganon kadali ang aming pagdadaanan dahil maiksi lamang ang panahon namin para sa markahan na ito. Medyo naabala ako dahil mukhang hindi ko kakayanin ngunit mas naniniwala ako na kaya ko 'to dahil sa katatagan ko.

Ang mga guro at student council sa HS at SHS ay abala ngayong buwan dahil paparating na ang intrams namin ngayong taon at sa susunod na dalawang linggo na ito magaganap kaya't ang mga teachers ay nagmamadali dahil kahit papaano ang mga hindi kasali sa intrams ay kailangan makinuod. Pati rin kaming mga estudyante ay abala hindi lamang sa intrams kung hindi rin sa academics namin.

"Lorraine, na-isulat mo ba lahat ng importanteng detalye tungkol kay rizal?" Patanong ng aking kaklase.

"Oo, yung iba." Tumikhim ako. Ibinuklat ko ang aking notebook kung saan ko isinulat iyon at inabot sakaniya. "Pero yung sa mga naging kasintahan niya, hindi. Pero kahit papaano ay na-isulat ko naman ang mga ibang importanteng detalye na mahahalaga." Aniya.

"Oh," inii-scan niya ang notebook ko at mukhang sang-ayon naman siya sa aking sinasabi. Nakatitig lamang ako sakaniya habang ibinubuklay niya iyon.

"Lorraine, paheram ako ha. Tignan ko lang kung may pagka-parehas tayo ng naisulat at kung sakali meron akong nawawalang impormasyon patungkol sakaniya isusulat ko na lang din." Saad ng kaklase ko.

"Sige ba."

Tapos ng heramin ng kaklase ko ang notebook ko at ibinigay niya na ito sa kaklase kong isa.

"Parehas lang tayo ng na-isulat kaya ayos lang." Ani.

"Ah, ganon ba." Ngumiti ako sakaniya at umalis na siya sa kinakatayuan niya.

Sa totoo lang. Ngayong asa 3rd year highschool ako ngayon parang nanakita yung katawan ko. No joke. Tipong ang bigat ng bag ko araw-araw. Hindi ko naman maiwanan sa locker ang mga importanteng bagay na asa bag ko at mamaya'y makuha pa ng iba to.

Minsan naman ay iniiwan ko sa bahay ngunit kung kelan kailangan ay duon naman hinahanap ng mga subject teachers ko. Kaya't no choice kung hindi dalhin.

Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nuong nagkasabay kami ni Duke. Kadalasan naman ay nagkakasalubong kami sa istasyon at para kaming hangin sa isa't isa. Walang pansinan.

Ang totoo n'yan pagkatapos ng project namin sa Science ay hindi na kami nagpansinan simula non. Ayos lang naman 'yon sa akin. Dahil simula't sapul ay hindi naman kami nagkakausap.

Pansin ko rin ay ilap siya sa mga nakakasalamuha niya. Ang mga kaklase ko naman (lalaki) ay inaaya siya ngunit tumatanggi siya. Mabuti nga at hindi siya ay tinatawagang KJ o kaya inaasar sa loob ng room dahil lagi siyang tumatanggi.

Maingay din ang pangalan niya sa HS karamihan sa mga babae. Wala pang isang buwan ay naging matunog ang pangalan niya sa lahat. Meron pa ngang pumupunta sa room namin para lang magpakuha ng litrato sakaniya ang iba naman ay dumadaan sa room namin para sumulyap lamang sakaniya.

Meron din akong nasagap na chismis na galing sa iba't ibang section na tahimik lamang raw si Duke ngunit matinik sa mga babae. Ang sabi pa nga ng iba ay hahabulin talaga siya ng mga babae at hindi interesado sa mga babae. I'm kinda shocked about the gossip about him. Sa ganong mukha? Hindi interesado sa babae? Imposible.

The Hours has been passed and now it's dismissal time. Nag aayos na ako ng mga gamit ko. Tumayo na ako bago ko buhatin ang bag ko. Umunat ako saglit dahil ang sakit ng katawan ko at naka-idlip ako saglit sa Science dahil dinalaw ako ng antok.

"Tara na Lorraine." Aniya Hans.

Tumango ako sakaniya at isinukbit ko na ang bag ko. Ngunit nabigla ako ng may humawak sa braso ko. Inangat ko ang tingin ko at nakita kong si Duke 'yon. Nanlaki ang mata ko sa kaniyang ginawa. Napahinto rin si Hans at lumingon siya kay Duke na may kakaiba.

"Can we talk?" Duke asked.

He even startled me just a seconds ago at wala ako sa katinuan ngayon. Hinatak niya ako papalayo malapit sa aircon. Nakita kong nakatitig sa amin ang mga kaklase namin ngunit hindi ko na iyon pinansin.

"Can you join us?"

Join... anong join? Ako? Join? Kanino? At bakit niya ako inaaya sumama sakaniya? As if naman close kami diba, duh.

"Hoy,"

"Ay butiki!" Ano ba naman 'to. Bigla bigla na lang nang gugulat. "Teka nga. Linawin ko lang sinabi mo ha. 'Gusto mo ba sumama' ayan itinagalog ko na para malinawan ka sa sinabi mo ha."

Bigla nag iba ang aura niya sa akin at mukhang nag iba ang ihip ng hangin. Ang seryoso naman neto sa buhay parang anytime bawal ako makipag-biruan sa isang katulad niya. Okay na sana kaso ang sungit eh.

"Heto, hindi mabiro. Saan mo ako isasama?" I asked him curiously.

"My bro's wants you to join us after school hours. They want you to have a dinner with us. Today. So, I'm asking if you want to join?" He explained.

"Uh," I don't have a words to say. "Bakit?"

"They wanted to be your friend." He said.

"Are you joking?"

"Do you think I have time to joke on you?" He said with annoying tone.

"Malay ko bang nagbibiro ka? Gunggong ka pala eh." Sabi ko sakaniya.

"Tsk,"

"Oh, siya. Sasama na ako. Basta uuwi din ako agad ha." Tumango siya sa akin.

"Deal. Let's go."

"Teka lang muna ha. Mag papaalam muna ako kay Hans na hindi ako makakasabay sakaniya." Umalis na ako sa puwesto namin at nararamdaman kong sumusunod siya sa akin.

Nakatitig lamang sakin si Hans na may halong kahulugan sa kaniyang mga tingin. Siguro kung ano iniisip na neto patungkol saming dalawa ni Duke.

"Hans, hindi pala ako makakasabay ngayon. Pasensiya na. Bukas na lang tayo magsabay. May kasabay na kasi ako." Nilingon ko si Duke at naka poker face lamang siya at walang pakielam saming dalawa.

"Ganon ba? Hindi ko naman alam na close pala kayo n'yan." Aniya.

"Hindi ko rin alam e."

"Hindi ka na nag k-kuwento e."

"K-kuwentuhan kita pag uwi ko wag ka mag alala. Sige na aalis na kami. Ingat ka ha. May kasabay ka ba?"

"Oo, meron. Sila Ash. Ingat din kayo." Tinanguan ko na lamang siya.

"Tara na." Sabi ko kay Duke at nauna na siyang naglakad.

Malalagkit pa rin ang mga tingin ng mga kaklase ko sa amin. Ayan bukas issue na 'yan. Lahat na lang. Na a-awkwardan tuloy ako.

Lumabas na kami ng silid at mukhang nagulat ang mga taong nakakasalubong namin dahil magkasama kaming dalawa. Talagang nakakagulat naman talaga sakanila 'yon dahil ang lalaking kasama ko ay sikat at kilala rin.

Kakaibang tingin ang aking mga napapansin. Merong nagbubulungan at  masama kung makatitig. Ang iba naman ay hindi kami pinapansin at walang pakielam. Iniwas ko na lang ang tingin ko dahil ayaw ko'ng napaguusapan ako at isa iyon sa mga pinaka-iniiwasan kong mangyari.

Ngunit mukhang dumating na ako sa puntong iyon at hindi ko na maiiwasan.

"Don't mind them. They are not worth of your time. Let's go." Hinawakan niya ako sa kamay at dali-dali niya ako inalis sa mga taong nakakasalubong namin sa corridor.

'Till The Sun Goes Down Where stories live. Discover now