Kabanata 14
Transferee, who?
Nagising ako sa ring ng aking alarm clock. Nakapikit pa rin ako sa kadahilahang bigat ng aking mga talukap sa mata. Ipinatay ko muna ang alarm clock bago bumangon sa aking kama. Umupo na muna ako ng maayos sa kama. Kinusot kusot ko muna ang mata ko. Tumingala muna ako para mawala ang antok ko at makabangon na agad. Tumayo na ako sa aking kama dahil nawala na onti ang antok sa'kin.
Alas cinco y media pa lang ng umaga ngunit mukhang gabi pa rin dahil sa makulimlim na kalangitan. T'wing umaga ay ganto ang aking gising. Minsan ay ako ang nagigising ng gantong kaaga dito sa amin. Kadalasan ang nanay ko, nagluluto at naghahain ng umagahan namin. Nag p-plantsya ng school uniform namin.
May dalawa akong kapatid na nag aaral na kaya't na o-obliga na ang aking ina na gumising ng ganto ka-aga. Dahil parehas kaming tatlo na umaga ang pasok. Ang uwi naman ng mga kapatid ko ay alas dos y media ng hapon. Habang ako naman ay 3:30 pm. Ngunit pag tuwing martes ay 5:45 pm ang uwi namin sa kadahilahanang may extra class kami.
Nadatnan ko si Mama na nagluluto ng umagahan namin. Napalingon siya sakin at tinanguan niya na lamang ako. Kinuha ko na ang towel na nakasampay sa hagdanan namin. Magkatapat lamang ang aming kusina at banyo. Kaya't madadaanan ko talaga si Mama.
"Ma, ligo na ako." Aniya. Patuloy lang siya sa pagluluto ng umagahan namin. Hindi naman niya kailangan sumagot sa sinabi ko. Gusto ko lang sabihin sakaniya na maliligo na ako. Ganon ako sakaniya araw-araw. Kaya't nasanay na din siya sakin. Isinara ko na ang pintuan ng banyo. Isinabit ko na ang towel sa likod ng pintuan. At naligo na ako upang matapos na rin ako agad.
Maaga ako nagigising dahil kahit alas sais y media ng umaga ako umalis ay traffic pa rin patungo sa aking eskuwelahan. Dahil pinapalitan ang aspalto sa mga kalsada. Kailangan rin dumating ng umaga dahil alas syete y media sarado ang pasok namin at pag nahuli ka ng pasok ay asa late attendance ka na. Isang beses pa lang ako nalate, mabuti'y mas nauna akong pumasok kesa sa teacher namin ng first subject. Kaya't hindi ako nalagay sa late attendance.
Natapos na akong maligo at malakas ang pagkakakulob ng kalangitan. Mukhang uulan nanaman ng malakas.
Kinuha ko na ang tuwalya sa sabitan at itinapis ko na ito sa katawan. Lumabas na ako ng banyo at nakita ko na ang aking mga kapatid kumakain ng kanilang umagahan sa hapag-kainan.Patuloy lang ako sa paglalakad patungo sa kuwarto. Nadatnan ko si Mama na nag p-planstya ng school uniform ng mga kapatid ko habang ang uniform ko naman ay nakasabit na sa aking cabinet. Kumpleto na lahat ng isusuot ko kaya't hindi na ako nag abala.
"Mukhang uulan nanaman ng malakas, Ma."
"Oo, mag ingat ka papasok ha. Yung isang payong andoon nakasabit sa hagdanan kunin mo na lang 'yon." Tumango na lamang ako sakaniya abala ako sa pagsusuot ng uniform ko.
Tapos na ako sa pagsusuot ng aking uniform. Lumabas na ako ng kuwarto para makakain ng umagahan. Nadatnan ko ang dalawang kapatid ko na tulog sa upuan. Ipinatay ko na ang pinainit na tubig ng aking ina. Kinuha ko ang tabo sa banyo at nagbuhos ng dalawang beses na mainit na tubig sa batsya. Lumapit na ako sa mga kapatid ko at tinapik sila sa braso upang makaligo na at makapasok na sa eskuwelahan.
"Ate naman!" Pasigaw ng aking kapatid.
"Bumangon ka na d'yan! Late na kayo. 4:45 am na sige kayo! Alam niyo namang maaga dumadating ang service niyo." Sabi ko sa kapatid ko. Tumayo na si Lorenz.
Binilisan ko ang pag subo ng pagkain. Dahil malamang sa malamang ay traffic ngayon dahil umuulan. Naubos ko na ang kinakain ko. Kinuha ko na ang aking baon sa taas ng ref. Kinuha ko na rin ang bag ko na nakatabi sa gilid at sinukbit sa aking balikat.
YOU ARE READING
'Till The Sun Goes Down
Teen FictionLorraine Santibañez was frustrated with herself because of what's happening around her. Not able to take it anymore, she decided she needs to get away from her hell of a life. Lorraine went to Baguio to find peace, later on she found out that her lo...