Kabanata 16

4 1 0
                                    

Kabanata 16

Partner

"HA?" Patanong ko sa aking Guro na may halong pagtataka.

Sa lahat ng magiging partner ko bakit siya? Ayos lang naman kasi mukhang matino siya tignan at gumagawa naman ng kanyang parte na gawain. Ngunit kung titignan mo naman siya ay mukhang seryoso at misteryosong tignan. Dahil rin sa kaniyang tindig at mga malalalim na mata.

"Ayaw mo ba? Gusto mo bang indibidwal na lang yung proyekto mo?" Tinititigan niya ako ng matalim siguro dahil sa patanong ko sakanya ng 'HA' teka lang nabigla kasi ako non. "Okay, sige. Santibañez, indivi-" hindi na natuloy ng teacher namin ang kanyang sasabihin dahil pinutol ko na siya.

"Hindi, Sir. Ayos na po ako sakaniya." And I gave him my sweetest smile.

Tinaasan niya ako ng kilay "Siguraduhin mo lang." Saad nito at bumaling na siya sa papel na kaniyang binibigkas ang bawat na apelyido na magpapartner para sa proyekto namin ngayong unang markahan.

Ako lang ata kinakabahan dahil kapartner ko siya. Ako lang ata natataranta saming dalawa. Kung tutuusin puwede namang iba yung ka-close ko sana. Hindi tulad niya ay hindi ko siya ka-close at mukhang masungit pang tignan. Kaya ko naman makipagusap o daldalin pero yung ganong mukha? Parang hindi eh.

Kung ako ang iyong tatanungin ay hindi. Sa mukha niya palang ay mukhang mahirap daldalin lalo na't seryoso. Karamihan ng mga kaklase ko ay nakakadaldalan ko na o minsan a little chit-chat with them kapag nakakatabi ko sila. Ang iba naman ay hindi ko pa nakakausap siguro kaya ganon ay hindi kami komportable sa presensya ng isa't isa.

Siguro ay ganon rin kay Duke. Unang araw pa lang naman niya sa klase at mukhang malayo pa ang pagsasamahan namin sa buong taon na ito. Kailangan ko din mag adjust para sakaniya upang hindi siya mahirapan sa paligid niya.

Hindi ako nakikinig kay Sir dahil tapos na rin niyang banggitin ang apelyido ko at ang kapartner ko para sa proyekto niya. Nilingon si Hans at mukhang hindi naman siya dismiyado.

"Hoy," tawag ko sakaniya at napalingon siya sa'kin.

"Bakit?"

"Sino partner mo? At mukhang tuwang tuwa ka?"

"Si Joshua." Saad nito. Tumango ako sakaniya bilang sang-ayon.

Kung sinuswerte ka nga naman. Si Joshua, isa siya sa mga masisipag at matalino sa loob ng silid-aralan namin. Kung tutuusin nga ay mabait 'yan at madaling pakisamahan. Suwerte ka dahil siya ang kapartner mo at hindi pabuhat. Isa rin siya sa mga ka-close ko sa room at talagang masaya siya makasalamuha.

"Tapos ko na banggitin ang lahat sainyo. Pumunta na kayo sa mga partner ninyo at ipapaliwanag ko na ang magiging proyekto ninyo ngayong 1st Quarter."

Tumayo na kaming lahat ang iba naman ay hindi na tumayo dahil katabi na nila ang mga kapartner nila. Kinuha ko ang red folder ko sa ibabaw ng desk ko at ang cellphone ko sa loob ng bag baka'y magtangkang kuhain ito.

Naglakad na ako patungo sa likod kung saan nakapuwesto si Duke. Habang naglalakad ako patungo sakaniya ay puros mga kaklase kong nakatayo para lang mag asaran at mangulit. Hindi ko na lamang sila pinansin at dineretsyo ko na ang patutunguhan ko.

Naaninagan ko na si Duke nakaupo at nakatingin sa'kin. Ngumiti na lamang ako sakaniya. Na sa pagitan si Duke ng mga upuan habang ang dalawang upuan ay bakante naman. Umupo na lang ako sa kaliwa upang hindi ako mahirapan sa pag alis ng aking upuan.

Nakaupo kaming dalawa na hindi kami nagiimikan. Parang nay malaking pader na nakaharang saming dalawa upang hindi kami makapagusap. Nilinga linga ko ang aking paligid at halos ng mga kaklase ko ay nakaupo na at ang iba naman ay naghahanap ng bakanteng upuan para sakanilang dalawa, ang iba naman ay na sa locker at may kinukuha.

'Till The Sun Goes Down Where stories live. Discover now