Kabanata 8
Out
Isang araw na ang nakalipas simula nung nangyari ang truth or dare na iyon. I'm not good at lying at all. Lalo na't si Bryle ang nagtanong. It seems that I'm too obvious about my feelings towards Duke. Sa totoo lang buong araw kong inisip ang pangyayari na iyon. Bumabagabag siya sa'kin kaya't hindi ko maiwasan na hindi isipin 'yon.
Pagkatapos ng sagot ko nuong tinanong ako ni Bryle tungkol kay Duke ay nakakabinging katahimikan ang bumalot sa'min non. Si Bryle ay nakangisi lang sa'kin at ang mga ibang lalaki na naging kaclose ko din habang si Duke naman ay tahimik lang sa gilid ko non. Ang mga babae naman ay halatang gulat na gulat.
Nagtatanong sila kung kelan ako unang nagkagusto ka Duke at bakit hanggang ngayon pa rin ay gusto ko pa rin siya. May mga halong kuryoso at pagkakagulat sa kanilang mga tanong sa mukha nila. Nginitian ko na lang sila 'yon para maiwasan ang topic na 'yon. Ang sabi ko na lang na labag na 'yon sa laro namin kasi si Bryle lang ang nagtanong sa'kin non.
Pinawi naman ni Bryle ang pagtatanong at ang pagkailang na bumabalot sa'min na nakapalibot lalo na at katabi ko si Duke. Pag nararamdaman kong lumilingon siya sa'kin o tumititig ay humaharap na lang ako kay Chesca para mapawi ang pagkailang ko sakanya. Good thing to know ay hindi niya ako iniiwasan o naiilang pagkatapos ako tanungin ni Bryle.
Sa totoo lang wala naman akong paki kung iwasan niya ako o hindi. Pagkatapos naming mag truth or dare non ay panay tanong sa'kin nila Chesca tungkol kay Duke. Ngiti at iling na lang ang isinasagot ko dahil ayoko nang ungkatin ang nakaraan. Natapos ang gabi ko non na masaya at maluwag ang nararamdaman.
Bryle and I had a little chit-chat after the truth or dare game. Pinagusapan namin ang anim na taon na pagkakahihiwalay ng landas namin. We missed each other. Hindi ako nagtatanong pag related kay Duke sakanya lang naman. Inaasar niya ako pag t'wing nababanggit ang pangalan ni Duke at tatawa na lang ako dahil doon. We exchanged numbers para may communication naman kami.
Alas dos ng hapon pa lang dito hindi medyo tirik ang araw rito. Andito ako sa veranda nakatitig sa magagandang tanawin sa Baguio. Mabuti at maganda ang naging spot ko para maaninagan ko ang kagandahan ng kalikasan rito. Puro puno at ang mga magagarbong bahay ang nakikita ko. Ang simoy ng hangin na humahampas sa mukha ko ay presko lamang.
Katamtamang usok lamang ang nakikita ko pwera sa maynila na puro usok ng kotse at ng yosi. Tumalikod na ako at isinara ko na ang sliding door dahil nilalamig na ako kaya't pumasok na ako. Sumalampak ako sa kama at kinuha ko ang remote at In-on ko na ang tv para magliwaliw naman ako dito.
Kahapon ay nag text sa'kin si Winter at puno ng pag aalala gusto niya raw din magtungo rito kaso ang sabi ko wag na dahil hectic ang kanyang iskedyul sa school. Nag vibrate ang cellphone ko sa round table. Kinuha ko iyon. Isang text message galing sa unkown number.
Unknown number:
Hey, you busy?
And who the hell are you? Bilang lang ang mga taong meron nang numero ko at iyon ang mga pinagkakatiwalaan ko. Wala na akong balak replayan dahil hindi ko naman siya kilala. Ilalagay ko na sana ang cellphone ko sa round table kaso ay biglang siyang tumunog ulit.
Unknown number:
By the way this is Duke. I get your number through Bryle. Please don't be mad at him :)
The nerve of this guy! Sinave ko ang kanyang number sa contacts ko.
Me:
Yeah, whatever. Hindi ako busy. Why?
Unknown number:
Let's go out? If you don't mind.
Me:
Bakit?
Unknown number:
Let's stroll down. I know that you are bored there.
Hindi na ako mag-iinarte wala akong panahon para d'yan. Tutal bored naman talaga ako. Go go na ako.
Me:
Okay, what time?
Unknown number:
3:00 pm. I'll pick you up in the lobby.
Me:
Okay, I'll take a shower first. And I'll chat you right a way once I'm done.
Unknown number:
Alright.
Nagtungo na ako sa banyo para maligo na ako. Binilisan ko ang pagkilos dahol huling pagkita ko sa orasan ay 2:20 pm na. Ayokong mahuli dahil nahihiya ako sakanya. Mabilis ako natapos maligo at nag ayos na ako para sa sarili ko.
Nasa lobby na ako at nag message na din ako kay Duke na tapos na ako at nag aantay na ako sakanya rito sa lobby. Papunta na raw siya natagalan lang dahil traffic ang papunta raw rito. At sinabi kong ayos lang. Umupo ako sa bakanteng upuan rito sa lobby at luminga linga sa paligid ko.
Naaninagan ko ang magarbong kotse na naka park sa tapat ng Hotel na ito. Lumabas na siya sa kanyang kotse. Itinanggal niya na ang kanyang wayfarers. At nakita kong si Duke 'yon. Nag iba na talaga ang kanyang tindig. He is all grown up man after all.
Tumayo na ako sa kinakauupuan ko para makalapit na sakanya. Subalit nuong palapit na ako ay pinagkaguluhan na siya ng mga babae sa kanyang paligid. Dahil din sakanyang magandang paghuhulma ng katawan at sa kanyang maamong mukha at talagang gwapo talaga.
"Excuse me," sabi ko sa mga babaeng nagsisiksikan at nanggigitgit sa'kin. "Excuse me po nakikiraan." Nag give way naman ang babaeng na sa harapan ko at nagpasalamat naman ako sakanya.
"Kuya, ilang taon ka na?"
"Kuya, anong ginagawa mo dito?"
"Kuya, may girlfriend ka na?"
"Kuya, can I have your number?"
"Kuya, may mga social media accounts ka ba? Can I add you and follow you?"
Samu't sari ang naririnig ko sa paligid ko. Hay nako 'tong mga batang 'to talaga. Mapapalingon ka naman talaga kay Duke pag siya ang napansin mo O kaya nakasabay mo sa paglalakad.
Nakarating na ako sa harap at naaninagan ko na siya. Napalingon siya sa'kin and he gave me a apologetic look and I only smiled at him saying that it's okay. Sanay naman na ako sakanya simula highschool dahil lalapitin talaga siya ng mga babae at sila-sila nila Bryle.
"Excuse me, Ladies. But I need to go." Sabi ni Duke at hinawakan niya ang aking pulso at hinila niya na ako. Pinagbuksan niya na akong pinto pero bago ako makapasok sa kotse ay may narinig akong nagtanong sakanya.
"Kuya, is that your girlfriend?" Someone asked.
Nilingon ko si Duke at ngiti lamang ang sinagot niya. "Get inside." Saad ni Duke at sinunod ko na lang siya.
Isinara na niya ang pintuan ng kotse at umikot na siya papuntang driver seat. Binuksan niya na ang pintuan at isinara niya na ito. Binuksan niya na ang makina ng kotse at nag seatbelt. Nag seatbelt na rin ako.
"Hanggang dito ba naman sikat ka?" Sabi ko sakanya.
"Hindi naman." Saad nito.
"Tigilan mo ko kahit wala ka sa maynila lalapitin ka pa rin talaga ng mga babae." Tumawa ako ng bahagya.
Ngumisi siya sa'kin. "Gwapo ko kasi e." Sabi nito at umirap na lang ako sakanya. Humalakhak siya.
Pinaandar niya na ang kotse at nakaalis na kami.
-
Hope you guys like it :)) don't forget to vote and to share !! thank you so much < 333
YOU ARE READING
'Till The Sun Goes Down
Teen FictionLorraine Santibañez was frustrated with herself because of what's happening around her. Not able to take it anymore, she decided she needs to get away from her hell of a life. Lorraine went to Baguio to find peace, later on she found out that her lo...