Kabanata 18

2 1 0
                                    

Kabanata 18

Meet

Nandito na kami sa isang Mall rito malapit sa Cubao. Hindi ko talaga in-eexpect na mangyayari ito sa akin. Hanggang ngayon ay nagugulumihanan ako sa mga pangyayari. Wala naman ito sa ambisyon ko mangyari. At isa pa sa isang kilala pa.

May mga ka-batch ako na kakilala ko o medyo nakakausap ko na natitipuhan siya. At ngayon ay kinakabahan na ako baka mamaya'y anong sabihin nila ng kung ano ano sa akin.

Pinapasok na kami sa loob ng Mall. Mabuti at pinayagan kami dahil may kasama kaming isang butler aniya'y kay Bryle raw iyon. Tamang hinalang asa magarbong Mall nila ako dinala. Hindi na ako magtataka.

Mukha na rin ni Duke ang nagsasabing mayaman sila at kayang kaya nila mag punta sa ganitong Mall. At base na rin sa mga teorya ko ay mukhang ganon rin ang mga kaibigan niya. Ubod ng yaman simula pagkabata. 

At wala rin sa kalingkingan ng utak ko na magugustuhan ko si Duke. Parehas lang kami.

Napadako na ang paningin ko sa isang Restaurant. Mala filipino style siya na sinauna at talagang nakakamangha tignan.

Ang kasa-kasama naming butler ay binuksan na ang glass door para sa amin. Nginitian ko siya ngunit nanatiling blangko ang kanyang mukha.

Sobrang propesyonal naman nito. Hindi na ako magtataka kung bakit pa ganyan ang isang 'yan.

Asa likod namin ang butler at kaming dalawa ay magkasabay lang ni Duke sa paglalakad. Pag malapit si Duke sa akin may kakaiba akong nararamdaman. Kakaibang elektrisidad ang dumadaloy sa akin. Siguro'y sa kaniyang aura na laging nanakop ng kadiliman at katahimikan. Charot.

Nahagip ng mata ko ang tatlong lalaking nakaupo sa gitna ng Restaurant na ito. Teka... ibig sabihin? Sila ang may gusto akong makasama ngayon? Aba, bakit? Nako baka pati itong mga 'to ay pagtripan o kung anong gusto man lang nilang gawin.

Nauna nang naglakad si Duke patungo sila. Habang ako naman ay nakasunod lang sakaniya.

Nakipag bro fist siya sa tatlo habang ako naman ay tahimik lang sa kaniyang gilid. Apat na butler ang nakapalibot sa amin. Parang men in black ang datingan huh. Tinititigan ko ang tatlong ito. Check na check silang tatlo. Certified mayaman na madaming chicks. Ganon. Tingin pa lang alam na.

Napalingon sa akin ang isang lalaki na nasa kaliwa naka-upo. Batid ko'y ito ang nagtanong sa akin nuong nakaraan na classmate ba ako nito ni Duke.

"Maupo ka," aniya.

"Uh," kinuha ko na ang isang upuan at umupo na roon. Sa tabi ko si Duke. "Maraming salamat nga pala sa pag imbita sakin ngayon. I really appreciated."

"It's our pleasure to meet you." Aniya'y Bryle.

"Salamat,"

"So, okay, let's eat."

Inilapag na ang filipino dish sa aming harapan. Syempre hinding hindi mawawala ang mainit na kanin. Merong kare-kare na bagnet na mukhang masarap talaga. Bulalo, sinigang na baboy, crispy pata, meron namang buttered shrimp at tahong.

Meron naman kaming desserts. Leche flan, halo-halo, ube halaya, at iba pa. Hindi ko na mabanggit pa ang iba dahil mas nangingibabaw ang pagtatakam ko sa mga pagkaing nakahanda sa harapan ko.

Sumandok muna ako ng kanin. Hindi ko naman na sila prinoblema dahil mas nakakaengganyo pa ang mga pagkain na nasa harapan ko ngayon. Kinuha ko ang kare-kare'ng bagnet at inilagay ko sa platito ko. At kumuha rin ako ng buttered shrimp.

Saktong sakto dahil hindi ako nakakain sa school sa kadahilahanang sa akin pina-check ang test paper namin kanina sa Filipino.

Inangat ko ang tingin ko sakanila at mukhang wala naman silang pakielam sa isa't isa. Siguro ay ganoon na rin ako. Patuloy lang ako sa pagkain nang na sa platito ko.

Napa-angat lamang ang paningin ko nang nagsalita si Bryle. Oo nga pala, siya nga pala ang nag imbita sa akin rito at nagpaunlak sa kainang magaganap ngayon.

"How's your day?" Bryle asked.

Everyone stopped including me. Sa akin nakatitig ang kaniyang paningin. Lumingon lingon ako sa paligid ko at itinuro ko ang aking sarili kung ako ba ang kaniyang tinutukoy.

Bryle nodded.

Ibinaba ko ang kutsara't tinidor ko. "Uh, ayos lang naman ang araw ko ngayon. Sakto rin na hindi ako nakakain kaning tanghali dahil na rin sa madaming ginagawa. Salamat nga pala sa pagpapaunlak ngayon."

"Ganoon ba. Walang anuman." Aniya. Binalik na niya ang kaniyang paningin sa pagkaing nakalatag sa harapan.

Ibinalik ko na ang paningin ko sa mga pagkain. Ang totoo n'yan ay naiilang ako. Patuloy lang ako sa pagkain. Habang sila ay nag uusap-usap tungkol sa mga kanilang negosyo at sa mga ibang bagay na kanilang kina-iinteresahan. I didn't mind them at all. At wala rin akong balak alamin kung ano man 'yong mga bagay na iyon.

Lahat kami ay tapos na kumain. Hinihintay na lang namin i-pay out ang bill. Ang mga natirang pagkain ay ibinigay sa kanilang butler.

Nakaupo lamang ako ng tahimik sa tabi ni Duke. Tinignan ko ang orasan at mag a-alas sais y media na. Tinititignan ko sila at mukhang matatagalan pa kami. Baka mamaya'y kuwestunin ako ni Mama bakit alas sais na ako nakauwi.

Wala pa naman akong maisip na i-dahilan. Hindi naman uubrang meron kaming class presentation bukas at nagpractice kami sa room baka dahil pagkatapos namin magsi-alis sa room ay isinasara na iyon.

Hindi rin naman pu-puwedeng nag linis ako ng room dahil hindi naman ako cleaner ngayong araw. Pero puwede ko namang i-dahilan 'yon ngunit mukhang hindi uubra sakaniya iyon.

Habang nag iisip ako kung anong puwedeng idahilan sa nanay ko kung bakit malalate ako ng uwi ay biglang sumulpot sa isipan ko ang nangyari kanina. Na nakita nila kaming magkasama ni Duke at hinatak niya ako sa corridor.

"Lorraine."

Napaigtad ako nang tawagin ang pangalan ko. Nakita ko'y tutok na tutok ang paningin nila sa akin.

"Uh, yes?"

"Salamat nga pala dahil nakapunta ka rito. Ikinagalak naming apat na makadalo sa kaunting salo-salo ngayon." Aniya'y Bryle. Silang apat naman ay nagsitanguan bilang pagsasangayon.

"Walang anuman naman iyon. Ikinagagalak ko rin. Maari ba akong magtanong kung bakit niyo ako inimbita sa kaunting pagsasalo ninyo?"

"Uh," Bryle chuckled. "It sounds ridiculous but we want you to be part of our circle."

"Weh?"

"Oo nga. Ba't hindi ka naniniwala?"

"Pano ako maniniwala sayo, at sakanila." I looked at three of them. "Syempre, kilala kayo at mamaya bigla ako dayuhin ng mga bebot ninyo."

They all laughed.

"What's wrong? Did I say something bad?" I asked.

"No, no, no. It's just ahahahahahahahahahahahaha." Akhiro.

"Bebot bro," Ruzzell.

"Uh, funny nga." I said. At tumikhim lamang ako.

"Anyway, we want you to be part of us. If it's okay with you?"

"Pwedeng pag isipan ko muna iyan?"

Nagkatinginan silang apat at nagtaasan ang mga kanilang kilay.

"Why?" Bryle asked.

"Ahm, gusto ko lang muna pag isipan." Nagdadalawang isip ako kung Oo ba ako o Hindi. Dahil kapag nalaman ng iba na isa na ako sakanila ay baka kung ano ano sabihin na nila sa akin na hindi ko gusto marinig sa pandinig. Meron din namang walang masasabi ang iba sa akin ngunit mas nangingibabaw ang negative na iniisip ko. Tsaka hindi ko alam kung bakit nila ako gusto isama sakanila. Mas gusto kong kusa nilang sabihin sa akin iyon.

"Hmm, okay." Nawala ako sa wisyo nang pagiisip ko non. Tumango na lamang ako bilang sang ayon sakanila.

Hanggang pag uwi ng bahay ay iyon pa rin ang laman ng isip ko. Sila na rin ang nag iinsist na ihatid ako sa bahay pero tinanggihan ko iyon dahil sobra sobra na. We bid our goodbyes at umalis na ako sa resto non. Hinatid pa nga ako ni Duke sa sakayan non at umalis na.

Hindi ko namalayan na lumubog na pala ang araw at kasalukuyang buwan na ang nasa itaas ng kalangitan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

'Till The Sun Goes Down Where stories live. Discover now