Kabanata 1

15 4 0
                                    

Kabanata 1

Baguio

Nagbubusinahan at makikita mo ang usok ng mga kotse, mga traffic inforcer na nasa labas, mga malalakas na tugtugan ng mga jeep, mga samu't saring taong nasa kalsada. Bata man o matanda ang sasaya tignan ng kanilang mga mukha.

Buong byahe akong tuliro sa lahat ng mga nangyari kanina. May pasok pa naman ako bukas, hindi 'ko alam kung anong dadahilan 'ko. Dalawang linggo ba naman ako mawawala s'yempre hahanapin nila ako. Madami akong hindi masasagutan na activities paniguradong magagalit ang prof sa'kin.

"Ma'am, andito na po tayo sa terminal ng bus." Saad nito.

"Ah," kinuha ko ang wallet ko sa bulsa ko at naglabas ng 120 pesos. "Heto po manong."

Binuksan 'ko na ang pintuan ng taxi at kinuha 'ko na ang maleta 'ko. Nilibot 'ko ang paningin 'ko rito sa transit na ito. Naglakad na ako papasok para bumili ng ticket 'ko. Ngunit 'di 'ko pa rin alam kung saan ako tutungo.

"Baguio, Tagaytay, Dagupan, na lamang po ang bakanteng destinasyon ngayong alas onse. Mamayang ala-una y media po ang pagbubukas ng mga iba't ibang destinasyon." Saad ng announcer.

"11:30 pm po ang biyahe papuntang Baguio, Tagaytay, at ng Dagupan. Maraming salamat po."

Kinuha 'ko ang cellphone 'ko at tinignan 'ko ang oras 'ko.

10:43 pm

Saan ako pupunta? City of Pines? Tagaytay kasi malamig tsaka madaming tourist attraction? O sa Dagupan kasi doon kami nag bakasyon noong pasko?

"Hay," i sighed.

Pumunta na ako sa cashier at pumili roon. Ang daming tao dahil sabado ngayon at uuwi sila sa mga kani-kanilang pamilya nila.

"Miss?" Saad nito cashier. "Saan po iyong patungo?"

Luminga linga ako at tinukoy 'ko ang sarili 'ko. "Ako po ba?"

"May iba pa bang akong tinutukoy miss?" Sungit naman neto. "Saan ka po miss?"

"Ah, saan po bang maganda ang puntahan?" Saad 'ko kaso tinaasan niya ako ng kilay. Kung burahin 'ko kaya 'yan akala mo naman talaga. "Ahm, Baguio lang po isa." Sa wakas nakapag-desisyon na rin.

"540," anang nito.

Kinuha ko ang wallet 'ko kaso wala akong barya kaya ang ibinigay 'ko na lang ay isang libo at inabot ito.

"460 ang sukli," at inabot sa'kin at ang ticket. "Nasa kanan at pinakadulo ang bus patungong Baguio." Saad nito at tumango na lang ako.

Naglakad-lakad ako ngunit naramdaman kong tumutunog ang sikmura 'ko.

"Shit, 'di pa pala ako nakain." Nilibot 'ko ang paningin 'ko at mabuti meron 7/eleven doon sa gilid.

Pumasok ako roon at nagtungo ako sa busog meal.

"Sisig, tuna omelette, giniling. Hmm." Kinuha 'ko ang sisig yung tig sisingkwenta at bumili rin ako ng bottled watter. Pumunta na rin ako sa  junk foods section. At pumila na rin ako.

"261 po ang lahat ma'am." At binayaran 'ko na sila. Lumabas na akong 7/eleven at nagtungo na ako sa bus.

Bago ko Itinabi ang maleta 'ko ay kinuha ko muna ang jacket na nakalagay roon. Pagka-upo ng pagka-upo 'ko ay kumain na rin ako.

Ang totoo n'yan hindi naman ganito ang pamilya namin. Puno ng pagmamahal ang nakapalibot saamin. Kaso madaming nagbago nuong natanggal si Papa bilang manager ng isang restaurant dito sa lungsod namin. Kaya't unti-unti naglaho ang lahat at napapalibutan na lamang ito ng kalungkutan.

Gusto nang hiwalayan ni Mama si Papa dahil nga hindi rin naman na kayang suportahan ang gastusin sa bahay. 2,500 lang kasi ang sahod ni Papa. Si Mama naman kahit malaki ang benta sa palengke mas nangingibabaw pa rin ang upa sa kanyang pinagbebentahan.

Hindi sumangayon si Papa sa gusto ng nanay 'ko na maghiwalay sila dahil ayaw ni papa na lumaki kami na walang Tatay at alam rin na mapapabayaan lang kami ng aming Ina.

3rd year college na ako sa Unibersidad ng La Coste dito sa maynila. Bs Accountancy ang kinuha 'kong course, isang taon na lang at makakapagtapos na ako. Ang dalawang kapatid 'ko naman ay na sa grade 3 at grade 6 na. Habang lumalaki sila ganon din lumalaki ang gastusin sa bahay.

Kaya pati ako kumakayod para rin sa pamilya 'ko. Nag pa-part time job ako sa isang fast food sa tabi ng school namin. 7:30 am to 1:30 pm ang klase namin. Pag sapit ng alas dos y media ay pumapasok na ako sa pinagt-trabahuhan 'ko. Minimum ang sahod 'ko ayos lang rin. May ipon rin ako sa bangko sakali na mashort ang badget namin sa bahay.

Ako na rin ang nagbibigay ng baon sa mga kapatid 'ko at ulam sa bahay. Habang si mama naman ay pinang gagastos niya lang sa sugal. Si papa naman sa tubig at kuryente.

Naawa rin ako sa magulang ko dahil hindi ganon ang biro ang kumayod.

Inalis ko ang pagkakatutok ng aircon sa'kin dahil nalalamigan na ako. Inilagay ko na sa plastik ng 7/eleven ang pinagkainan 'ko at itinabi ko muna sa gilid ng upuan 'ko.

Biglang nag ring ang cellphone 'ko at tinignan 'ko kung sino ang tumatawag si Denisse ang kababatang kaibigan ko saamin. Matanda siya ng dalawang taon sa'kin. Nag o-on the job training siya sa isang pribadong ospital dahil MedTech ang kanyang course na kinuha.

"Lorraine," saad. "Ano nanaman ba ang nangyari?" Bumuntong hininga ito.

"Denisse, si mama hinihingan nanaman ako ng pera para sa pang sugal niya kaso nga diba sabi ko sayo noon nag tatabi ako ng pera sakali na kulangin ako at may gusto naman akong bilhin para sa sarili 'ko." Sabi ko.

"Hay, alam mo naman yan si Tita Lucia diba. Batid 'ko umalis ka raw ng bahay?"

"Gusto 'ko munang lumayo kay Mama. Gusto 'ko muna mapag-isa, sana maintindihan mo ako Denisse."

"Naiintindihan kita Lorraine," saad nito.

"Tsaka 'ko na sasabihin kung saan ako patungo at hindi na magulo ang pag iisip 'ko. Pasensya na talaga denisse."

"Ayos lang, mag ingat ka sa pupuntahan mo ha."

"Oo. Den, pwedeng favor naman? Pwede bang kamustahin at tignan mo yung dalawang kapatid 'ko habang wala ako?"

"Sure, no worries ako bahala. Pati na rin kay Tita Lucia at Tito Joseph. Balitaan mo na lang ako pag nakarating ka sa pinaroroonan mo. I'm worried."

"Yes, ma'am. I'll hang up."

"Yeah, okay bye."

Pinatay ko na ang tawag ko at in-off ko na ang aking cellphone. Iidlip muna ako at malayo layo rin ang pupuntahan 'ko.

I hope when i wake up tomorrow everything would be okay.

-

sorry for the gramatical errors. I am new to this. Thank you :))

'Till The Sun Goes Down Where stories live. Discover now