Kabanata 13

6 2 0
                                    

Kabanata 13

Cheers, Beers.

"Maraming salamat sa mga pumunta ngayon at patuloy pa rin sa pagtangkilik ng aming mga kanta. Muli maraming salamat sainyo. Wala kami rito kung wala kayong lahat. Mahal na mahal namin kayo. See you on saturday on tanghalian gig 7:00pm to 11:30 pm." Saad ni Tj at naghiyawan ang lahat nang audience.

Nag bow na ang banda nila hudyat ay aalis na sila sa stage at tapos na ang kanilang gig. Higit dalawang oras ang gig at sulit naman talaga kaso nakakabitin. Nag jajam kami sa loob at lahat nang audience talaga ay nakikisabay. Walang kill joy at puno talaga kami ng hiyawan sa loob at pakikipag-isa lalo na't nuong pinatugtog ang kanilang greatest hits nila.

Lalo na't si Owen nuong inawatin niya ang 'Tahanan' unang litanya pa lang ng kanta niya ay talagang goosebumps talaga 'yon. Nakapatay pa ang ilaw non at tanginang flashlight lamang sa aming cellphone ang nakabukas. Winawagayway namin sa ere 'yon at talagang nakakamangha talaga. Napaluha pa ako non, nag alala pa nga si Duke non ang sabi bat raw ako naiyak sabi ko ay wala lang 'yon.

Ang totoo non ay malaki talaga ang impact ng kantang sakin 'yon. Isa 'yon sa mga paborito kong kanta nila although lahat ng kanta nila ay magaganda at sobrang meaningful. Mga bagay na hindi mo masabi at maipaliwanag isa sila sa makakapag express lahat ng damdamin mo. Kaya't thankful ako dahil natuklasan ko sila. What a hidden gem.

At nakita ko namang si Duke ay nag e-enjoy rin sa kanta nila. Dati rati ay pag t'wing nagbubukas ako ng aking social media account at napapadaan sa aking newsfeed na meron silang gig ay dinadaan ko na lang rin sa pakikinig ng kanilang kanta. Nakapatay ang ilaw at non stop ang pagtugtog ng kanilang kanta. Nakapatay ang ilaw at nakabukas ang aking flashlight non. Iniimagine ko ay nandito rin sila non. Asa harapan ko sila nagpeperform ng mga kanta nila.

Doon pa lang ay sulit na sulit na ako. Pero ngayon, it hits different. Yung isa sa mga bucket list ko ay natupad ko na at ngayon naranasan ko nang makapunta sakanila gig. At hindi na ako sa playlist nakikinig kung hindi ay harap harapan na talaga. Grabe yung fullfillment ko para dito. Isa lang talaga masasabi ko sa araw na ito, Memorable.

Ang dami kong litratong nakuha ko kanina at sulit na sulit talaga hay. Kahit anong anggulo ay pinicturan ko. Wala na akong paki kung maubusan ako ng space sa cellphone ko worth it naman eh.

"Tara na?" Lumingon ako kay Duke na tila ako na lang ang inaabangan niya. Nakaupo pa rin kami dahil hanggang ngayon ay tinitignan ko ang mga shots ko. Hanggang ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala.

"Sige," tumayo na kaming parehas.

Madaming taong nagsisilabasan kaya't pinaunan muna namin sila bago kami para hindi kami magsiksikan. Nakatayo lang kami sa kinakaupuan namin at nag aabang sa paglabas ng mga tao. Nakita kong onti na lang ang mga tao dito sa loob kaya't lumakad na kami upang makaalis na rito sa loob.

Nanuot ang lamig sa aking balat nang nakalabas na kami. "Ohh," aniya. Ang dalawang palad ko ay kiniskis ko sa isa't isa para maibsan ang lamig. Finorm ko siya ng pabilog. Inangat ko ito at hinipan. Upang maibsan ko ang lamig na dumadapo sa aking balat.

Nagulat ako ng biglang may nagsuot sa akin ng jacket. Napalingon ako sakaniya at si Duke 'yon. "Salamat," ang tanging saad ko.

"Gusto mo na bang umuwi?" Tanong sa akin ni Duke. Tinignan ko ang orasan. Pasado 10:30 pa lang.

"Ayoko pa, maaga pa. Bakit?" Tanong kong pabalik sakaniya.

"Gusto sana kitang ayain." Inalis ko na ang tingin ko sa orasan at tinitigan ko siya. "Sa The Terrace. Do you want to drink?"

"Oh, sure. Saan ba 'yon?"

"Sa tabi lang nitong The Mitch." Tinutukoy niya ang pinag gig namin. "Sa kanan lang nito."

'Till The Sun Goes Down Where stories live. Discover now