CHAPTER 27.

26 1 0
                                    

...

AINA'S POV.

Hindi ko matingnan nang tuwid si Taehyung habang unti unti kong ipinapaliwanag sa kanya ang Right Act of Custody ni Jessica kay Amarra.

Kakilala ko si Jessica, I mean High School friend ko siya. Hindi naman kami close friends pero kilala ko ang buong pamilya niya. Scholar ako ng isa sa Law School nila at dahil na rin sa utang na loob ko sa kanila kaya tumutulong lang ako sa Family Situation ni Jessica.

"Ask me anything kung hindi nyo pa rin naiintindihan ang mga sinabi ko!" Saad ko sa kanila.

Malay ko ba na si Jessica pala ang Biological Mother ni Amarra. Hindi ko talaga alam na magka konektado sila. Sana maintindihan ni Taehyung ang kinalalagayan ko. Lawyer lang ako na ginagawang maayos ang trabaho ko.

Wala akong kinalaman na sirain ang pagiging Ama niya kay Amarra. Actually nag aalinlangan na nga ako dahil nararamdaman kong isa na naman ito sa hindi namin pagkakasunduan.

Wala ni-isa sa kanila ang may nais na magtanong sa'kin kaya sa pagkakaalam ko ay nauunawaan na nila ang mga sinabi ko.

"Pwedi ko na bang iuwi ang Anak ko?" Tumataas na kilay ni Jessica. Nalito ako sa tanong niya dahil wala sa pinag usapan namin na gagawin niyang alas ang Rights niya para maiuwi si Amarra ngayon.

"Jessica akala ko ba kapag nagpa DNA test ka na?" Kunoo't noong bulong ko sa kanya.

"Good job, Ms. Hae but let me handle this things!" Saad nya sa'kin.

"Isasama mo lang si Amarra kapag nailabas na ang DNA test Results nyong dalawa!" Giit ni Taehyung.

"Gusto mo ba talagang pahirapan pa kami ni Amarra? Gustong gusto ko na makasama ang Anak ko! Hindi mo ba nakikita kung gaano sya nahihirapan na kilalanin ako bilang Ina nya? Sana kayo na lang ang nasa sitwasyon ko! Kung kayo ba ang nawawalan ng Anak at makikita nyo na sya ay mas pipiliin nyo pa rin ba na hindi sya makasama kahit sandali lang? Bakit pakiramdam ko ay wala pa rin akong karapatan sa kanya kahit na ilan beses nang ipinaliwanag sa inyo ni Ms. Hae ang karapatan ko legally? Bakit???" Naramdaman ko ang pagkasabik niya kay Amarra. Nagbago ang tono ng pananalita niya na para bang tinutusok ang puso ko sa kanyang sinasabi.

Tumingin ako sa dereksyon nina Taehyung at Amarra, Nakatingin din sila sa'kin na para bang kinokonsensya ako kung bakit ginagawa ko ito sa kanila.

Kung may iba pang paraan ay baka hindi ito ang gagawin ko.

"Anak please sumama ka na sa'kin! Gagawin ko ang lahat para matanggap mo ako at babawi ako sa lahat ng pagkakamali ko!" Pag iiyak pa ni Jessica habang nagmamakaawa.

"Mapipilitan ako na dalhin ang laban ni Jessica sa Court of Appeals kung ang hinihiling nya ay hindi nyo mapagbibigyan!" Matigas kong saad sa kanila.

"Malinaw na sinabi mo kanina na papayag lang kami na sumama si Amarra sa kanya kapag lumabas na ang resulta nang DNA test pero bakit biglang pinapaikot nyo kami sa mga sinasabi nyo na yan huh?" Matigas na baling sa'kin ni Yoongi.

"Isang Ina ang pinagdadamutan nyo at Isang Anak ang ipinagdadamot ninyo sa kanya! Maraming proseso pa para sa DNA test at hindi naman kayo tatakbuhan ni Jessica! Legal na kinukuha nya ang Anak nya sa inyo!" Pagtutukoy ko pa.

"Ts, Bakit pakiramdam ko ay parang walang patutunguhan ang lahat ng ito? Sincere ka na ba talaga huh Jessica? Kainis!" Maktol na anas ni Jimin.

"Nagpakatatay lang kayo sa kanya pero ako pa rin ang nagluwal sa kanya, Naghirap din ako sa pagdadalang tao ko sa kanya! Nagkamali lang ako sa desisyon ko na iwan sya sa labas ng Dormitory nyo!" Pagmamatigas ni Jessica na tumining sa tenga ko ang sinabi niyang iniwan nya lang sa labas ng bahay si Amarra.

Iniwan??? Bakit hindi nya sinabi sa'kin ang detalyeng iyun. Totoo bang siya ang Ina ni Amarra? Pinaniwalaan ko na lang basta ang ilan sa dokumentong ibinigay nya sa'kin pero ang detalyeng iyun ay ngayon lang niya inungkat sa harap ko mismo.

"Tama na po... Huwag nyo na po Awayin si Daddy! Kung gusto nyo po akong makasama ay sasama na po ako sa inyo!" Humihikbing usal ni Amarra na ikinagulat namin lahat.

"Hay... Salamat anak!" Pagyakap na sa kanya ni Jessica na walang pumigil sa kanya.

"Sigurado ka ba Amarra?" Lalapitan pa sana siya ni Taehyung pero pinigilan ko siya sa braso niya. Umiling pa ako sa kanya at matalas na tingin niya ang naging tugon sa'kin.

Pakiramdam ko ay nawalan din siya ng Anak na katulad ko at kasalanan ko pa rin iyun.

"Daddy babalik naman po ako! Babalikan ko kayo nina Tito's, Ninong's at Kuya Jungkook! Babalikan po kita Daddy!" Mariing sabi ni Amarra na sinang ayunan na lang ni Taehyung.

Hindi na niya nalapitan pa si Amarra nang oras na iyun dahil nagmadali na rin silang umalis ni Jessica. Umalis na rin si Jimin na sinundan yata sila.

"Ang bilis naman yata ng nangyari?" Buntong hininga ni Jin.

"Iwan nyo ako dito! Gusto kong mapag isa!" Tinig niya'y may galit sa mundong ginagalawan namin lahat.

Naiwan pa ako dahil parang guilty ako sa nagawa ko, gusto ko lang magpaliwanag sa kanya.

"Ihahanda ko ba ang mga gamit ni Amarra?" Tanong pa ni Jungkook.

"Hangga't wala pa akong sinasabi, Wala kayong pakekealaman sa gamit ng Anak ko!" Dabog na niya.

"Good Job Ms. Hae, Congrats dahil sinira mo ang buhay namin lahat!" Paninising bati sa'kin ni Yoongi bago sila lumabas sa Office na ito.

"Hindi... ko.. sinasadya.." Pahabol na utal ko sa kanila pero walang nakinig sa'kin. Napag abutan pa ako ng pagsarado ng pintuan kung kaya't naiwan pa ako sa loob.

Ramdam ko ang nangagalaiti na tensyon ni Taehyung sa kwartong ito.

"Tae..." Utal ko pa lamang ay nagliparan na papunta sa'kin ang mga papeles na nasa harap ng lamesa nya.

"Masaya ka na? Masaya ka na ba sa ginawa mo? Bakit ba nakikisapaw ka sa relasyon namin ni Amarra? Sino ka ba sa akala mo para magmagaling sa'min at sirain ang buhay ko!!!" Paglapit niya sa'kin ay itinulak ako dahilan para muling masandal ako sa may pintuan.

Umiiyak siyang tiningnan ako ng tuwid st nababasa na ng luha niya ang damit ko.

"Taehyung wala akong choice kung hindi ang tumulong sa nangangailangan ng tulong ko! Trabaho ko ito! Isa akong Lawyer..." Pinutol niya ang sasabihin ko pa.

"Lawyer na akala mo tama ang ipinaglalaban mo! Kung hindi dahil sa'yo ay hindi ko dapat bibitawan ang Anak ko! Alam kung gaano sya ka-importante sa'kin! Siya ang buhay ko! Siya ang lahat sa'kin! Tapos ganito mo lang kadali wawasakin ang lahat ng iyun? Sana nararamdaman mo ang nararamdaman ko!" Matigas niyang sabi sa'kin na sadyang tinamaan ako ng sobra sobra.

"Kung alam mo lang Taehyung, Ilan beses kong pinagsisisihan na sana hindi ko rin binitawan ang Anak ko nung sanggol pa sya! Sana maranasan ko rin na makasama ang Anak ko! Hindi mo alam dahil ikaw yung Tatay na gagawin ang lahat para mapalitan ang pag aaruga ng isang Ina pero yung mga katulad namin ni Jessica na inalagaan sa sinapupunan pa lang ang isang batang katulad ni Amarra ay hindi mo alam kung anong pakiramdam nu'n! Ang mawalan ng Dugo't laman ay sadyang napaka-sakit kaya wala pa sa kalingkingan ng pagdurusa ang nararamdaman mo kumpara sa'kin!" Matuwid kong salita sa kanya at tinulak ko sya para makalabas ako sa Office nya.

Umiyak ako ng umiyak sa giliran nito at naririnig ko ang pagdadabog niya sa kawalan.

Ang pagdaramdam namin ng sakit sa pagiging Ama at Ina namin sa isang katulad ni Amarra ay walang kapantay dahil hinayaan namin syang sumama sa Ina nya.

Lalo akong pinanghihinaan ng loob na makita pa ang Anak ko dahil naranasan kong ito miski hindi naman dapat ako apektado sa kanilang sitwasyon.

A Dad Like You. (KIM TAEHYUNG FF.) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon