CHAPTER 9.

37 3 0
                                    

...

JUNGKOOK'S POV.

KINABUKASAN.

Bakit kaya hindi na nakauwi si Taehyung? Hinahanap tuloy sya sa'kin ni Amarra at mukhang hindi lang ang batang ito ang maghahanap sa kanya.

"Thea you're here again?" Bungad ko sa kanya, Galing ako sa kwarto ni Amarra at pinagbibihis ko na ito para makapasok sa School nya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito umuuwi.

"Gusto ko lang sana magpaalam kay Taehyung!" May nagbago na agad sa pananalita nya.

"Daddy's not here!" Singit ni Amarra na parang tinatarayan ito.

"Amh.. Ok sige! Pakisabi na lang sa kanya na aalis na ako!" Pagtalikod na nito sa'min ni Amarra.

"And don't ever comeback here!" Cross arms pa ni Amarra.

"Thea teka sandali lang!" Pagpigil ko sa kamay niya na agad ko rin binitawan dahil sinundan nya ito ng tingin.

"Aalis ka agad? Akala ko ba aayusin mo yung tungkol sa inyo ni Taehyung?" Pagtataka ko sa kanya.

"He's not willing to be mine! May anak na rin siya at gusto nyang mabuo ang pamilya nila, Hindi ako 'yun! Hindi ko mapapalitan ang kung sino man babae ang mahal na mahal nya ngayon! I should go!" Mahinahon na tinig niya bago tuluyan umalis.

Akala ko pa naman ay magiging sila na ni Taehyung sa pang habang buhay ngunit nagkamali lang pala ako.

Si Althea ang tipo ng babae na magugustuhan nang lahat, Maganda, Matalino at may paninindigan sa sarili niyang desisyon. Sinong maniniwala na naghahabol lang siya kay Taehyung para sa isang pagmamahal na ako lang ang nakakapansin.

Binalewala na sya ni Taehyung simula n'ung iwan nya ito at dumating sa buhay namin si Amarra at isa ako sa nanghihinayang sa kanilang kinahantungan.

"Amarra!" Tinukoy ko agad ang pangalan niya dahil sa hindi magandang asal na ipinakita nito kanina kay Thea.

"Bad po ba ako?" Derektang tanong niya sa'kin.

"Hindi kase tama na ipakita mo sa isang tao kung ayaw mo sa kanya para sa Daddy mo! Mas matanda sya sa'yo kaya dapat iginagalang mo sya!" Diin ko sa kanya.

"Sorry po!" Nanghahaba ang nguso niya sa'kin.

"Hayssst nasaan na ba kase ang magaling mong Daddy?" Reklamo ko na dahil mukhang mahuhuli sa klase si Amarra ngayon.

Biglang dumating si Hoseok. Ang alam ko ay may Emergency din itong inasikaso sa Station nya.

"Chief Hoseok!" Tawag ko sa kanya dahil nagbihis lang ito at paalis na ulit.

"Oh? Hi Prinsesa!" Bati niya kay Amarra.

"Ninong number two!" Pagyakap sa kanya ni Amarra.

How sweet both of them. Ninais ko na rin magkaroon ng isang katulad nya pero katulad lang din ako ni Taehyung na naghahanap ng babaeng nababagay sa kagustuhan ko.

"Nasaan si Taehyung at bakit nagmamadali ka na?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.

Tumingin sya kay Amarra na para bang sinesenyasan ako na may kinalaman ang pag alis ni Taehyung last night.

"Amarra kumain ka na dito!" Tawag sa kanya ni Jin-hyung sa kusina. Right Timing si Hyung para makausap ko ng matino si Hoseok.

"Ok po Ninong Jin!" Lumapit na sa kanya ito.

Namulsa sa harap ko si Hoseok na para bang hindi mapakanali sa kanyang pwesto at pinag iisipan pa yata niya kung sasabihin ba nya sa'kin o hindi ang nangyayari kay Taehyung sa mga oras na ito.

A Dad Like You. (KIM TAEHYUNG FF.) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon