CHAPTER 37.

23 1 0
                                    

...

RHIAN'S POV.

Iniiwasan ako ni Taehyung sa t'wing gusto ko syang kausapin at ganun din sa'kin si Amarra kaya si Aina na lang ang kinakausap ko dahil magkakilala naman na kami.

"Secretary ka pala ni Taehyung?" Tinulungan ko siya na ayusin ang mga gagamitin nila para sa Photo shoot namin ni Dansei.

"Umh.. Mas magandang opportunity kaysa sa magtrabaho sa Company ng iba!" Mariin niyang tugon.

"Kung ganun, hindi na pala iba sa'yo si Taehyung?" Nililinaw ko lang. May kakaiba kase sa sinasabi nya.

"I mean Boss ko sya at saka Teacher din ako ni Amarra, sa ngayon Tutor na muna nya ako!" Paliwanag pa nya.

"Teacher? Sabi nga ni Iyah!" Sambit ko na lang.

"Best doon muna ako sa mataas na bato! Kasama ko si Namjoon!" Speaking of her. Isinama pala sya ni Namjoon dito nang hindi ko alam.

"Aina join with me here!" Sigaw ni Jessica sa malayo. Ang babaeng higad ni Eric tapos ibang lalaki naman ngayon ang kinakalantaryo niya. ts.

"May trabaho pa ako! Kayo na lang!" Sigaw na tugon naman nito doon sa mga iyun.

"Hindi ka ba naiinggit sa kanila? Narito sila para mag enjoy tapos ikaw naman ay trabahong trabaho dito!" Saad ko sa kanya.

"Ayokong magalit si Taehyung sa'kin dahil ginagawa kong laro ang trabaho ko!" Natahimik ako sa sinabi nyang iyun.

Mukhang ganoon na nga niya kakilala si Taehyung para sabihin niya sa'kin iyun. Sa totoo lang ay naiinggit ako sa kanya dahil bukod sa edukada na sya ay may posibilidad na sa kanya mahahanap ni Taehyung ang gusto nito sa isang Babae.

Matalino.
Maganda.
Mataas pa sa'kin ang Sense of humor nya.

Inayusan na nya ako at maya maya pa ay naka set up na ang lahat. Simple Photos lang ang kailangan namin ni Dansei dahil iyun ang gusto nya. Wala naman talaga akong balak na gawin ito, Dahilan ko lang talaga ito para makasama pa si Taehyung kahit sa huling sandali na hindi pa ako nakatali kay Dansei.

Si Jungkook naman ang kumuha sa'min pero hindi ko alam kung bakit ayaw ni Taehyung na panghawakan iyun. Iniiwasan nya talaga akong mabuti.

"Pwedi bang isama namin ni Dansei si Amarra sa isang Family Portray Photo? Isang Picture lang!" Kailangan ko talagang gawin ito para lang mabigyan nila ako ng pansin.

"Ayoko po Ma'am Rhian!" Pagtanggi ni Amarra na ikinagulat ko dahil nagbago na talaga siya sa pakikitungo sa'kin.

"Hon.. Hindi naman natin sya kailangan isama!" Pagpigil sa'kin ni Dansei sa gusto kong mangyari.

"Naaalala ko lang ang Anak ko sa kanya! Please.." Paki usap ko then sa sandaling iyun ay pumayag naman na si Amarra.

"One more thing!" Dugtong ko.

"Bakit ba ang dami mong hinihiling?" Taas kilay na sa'kin ni Dansei, Alam kong nagagalit na sya.

"Gusto ko sana na si Taehyung ang kumuha sa'tin ng Pictures!" Minadali kong hinila si Taehyung sa Camera Set.

"Hindi ko na ito trabaho!" Aalis siya.

"Pagbigyan mo na Tae!" Pagpigil sa kanya ni Aina na sinundan ko nang tingin sa paghawak nito ng kamay kay Taehyung na para bang normal na magkakilala sila.

Ewan ko pero nakakapag selos ang mga kilos nya. Huminga nang malalim si Taehyung bago niya kami kinuhanan ng litrato.

Pagkatapos nun ay tumakbo na ako pabalik sa aming Hotel Room ni Dansei. Hindi ko alam kung ano pa ang dahilan para masaktan ako ng ganito sa t'wing makikita ko si Taehyung na masayang kasama si Aina.

A Dad Like You. (KIM TAEHYUNG FF.) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon