CHAPTER 58.

20 2 0
                                    

...

TAEHYUNG'S POV.

Hindi na nya pinakinggan pa ang sasabihin ko at nagpumilit syang umalis.

Sa hindi kalayuan na sa Dormitory ko siya naabutan.

"Aina..." Hinagilap ko siya sa kanyang kamay kasabay nu'n ay bumuhos ang malakas na ulan.

"Bakit mo ginawa sa'kin iyun Taehyung? Paano mo nalulunok ang konsensya mo sa bawat araw na kasama mo ako habang alam mong ikaw ang dahilan kung bakit naging Anak ko si Amarra?? Bakit?????????? " Dinuro duro at pinag sasampal niya ako, Sumisigaw na siya sa pag iiyak nang malaman na nya ang totoo.

Gusto kong magpaliwanag ngunit para saan pa kung sukdulan na ang galit niya sa'kin. Muling nangyari na naman ang ikinakatakot ko.

"Gusto kong sabihin sa'yo ang lahat, Natakot ako Aina..." Saad ko sa kanya habang niyayakap ko siya.

Basang basa na kami nang malakas na ulan.

"Marami kang pagkakataon pero hindi mo pa rin sinabi! Pinatagal mo pa at talagang sinadya mong malaman ko ng tuluyan!!! Walang hiya ka! Napaka-walang delikadesa ang pagkatao mo!!!" Pagdadabog niya sa sa'kin.

Mahigpit kong hinawakan ang mga kamay niya habang nanatiling nakayakap ako sa likuran niya. Umiiyak na rin ako sa kanya. Ilan beses akong humingi ng tawad sa kanya. Paulit ulit at halos ibuhos ko ang lahat ng lakas ko para lang mapigilan siya sa pagwawala sa'kin.

Mahal na mahal ko siya kaya miski ang sarili ko ay hindi ko na rin mapatawad sa mga nagawa ko sa kanya.

"Alam mo ba kung ilan beses kong pinagsi sisihan na sumama ako sa lalaking sumira ng dangal ko? Alam mo ba kung ilan taon kong dala dala ang bigat ng kalooban ko? Wala kang alam dahil puro kasarapan lang ang tanging alam mo! Nagtago ka pa!!" Matigas niyang sabi pa sa'kin. Galit na galit talaga siya.

"Maniwala ka sa'kin, Aina! Ilan beses ko rin pinag sisihan ang mga nagawa ko sa'yo! Patawarin mo ako mahal ko!" Pagsusumamo ko sa kanya ngunit ipinagtulakan nya ako.

Umiiling syang dumistansya sa'kin.

"Aina..." Gusto ko syang habulin ngunit palayo siya ng palayo sa paglakad hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Hindi ko kinaya na hindi nya ako kayang patawarin kaagad. Napaluhod ako sa'king pag iiyak at halos humilagpos sa kalagitnaan ng kakalsadahan. Sumabay sa pagdaloy ng tubig ulan sa'king katawan ang pagbuhos ng aking mga luha.

"Taehyung!!" Tinig ni Althea na pinayungan pa ako sa pag alalay sa'kin.

"Ano bang nangyayari sa'yo?" Inalalayan nya ako hanggang sa makabalik sa loob ng Dormitory.

Wala ako sa kondisyon na punahin ang pag aasikaso nya sa basang basa kong katawan.

"Bakit ka ba nagpapakabasa sa ulan kanina huh?" Tanong pa niya sa'kin habang pinupunasan ang basang basa kong ulo.

"Daddy??" Tinig ni Amarra na namumukat sa pagkakagising niya.

"Nagising na ang Anak mo!" Sabi nito.

"Sino po kayo? Nasaan si Mama?" Pagtataka nya.

Nilapitan ko agad siya at binuhat sa'king pagkakayakap. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak sa kanyang balikat.

"Mahal na mahal kita Anak ko!" Paghalik ko pa sa noo nya bago ako tinitigan sa'king mga mata.

"Nag away po ba kayo ni Mama? Umiiyak ka po ba?" Pinahid niya ang mga luha ko bago ko ulit siya niyakap pabalik.

"Ahm.. Excuse me, Uuwi na ako!" Pamamaalam ni Althea bago sya tuluyan nang umalis. Hindi ko na sya binigyan pa ng pansin.

Tinabihan ko sa pagtulog si Amarra, Wala naman kase akong naiisip na paraan para pabalikin dito si Aina. Gusto ko syang bigyan ng oras para makapag desisyon sa gagawin nyang hakbang sa naudlot namin na relasyon sa ngayon.

A Dad Like You. (KIM TAEHYUNG FF.) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon