CHAPTER 61.

61 3 0
                                    

...

ALTHEA'S POV.

Napanood ko sa balita ang pagkakakulong ni Taehyung. Isa siya sa tanyag na  Businessman kung kaya't kaunting issue lang sa kanyang pribadong buhay ay laman na agad siya ng mga news patrol.

Paalis na sana ako at papuntang Gangnam dahil wala nang opurtinidad ang lumalapit sa'kin dito, bukod doon ay walang wala na akong matatakbuhan dito. Sadyang nararanasan ko na naman ang hirap ng buhay.

Hanggang sa isang madilim na daan ay may nasagasaan ako kung kaya't napahinto ako sa nirentahan kong sasakyan.

Anong gagawin ko???

"Amarra??" Gulantang ko sa batang nasagasaan ko. Diyos ko po. Walang wala na ako ngayon tapos may nasagasaan pa ako.

Ayokong makulong. Ayokong masangkot sa ganito. Ano bang gagawin ko sa kanya?

Kapag itinakbo ko siya sa Hospital ay paniguradong huhulihin ako ng mga pulis na naghihintay kay Dave para maaresto na ito.

Tumawag kase siya sa'kin na bumabagsak na rin siya at kailangan nya ang tulong ko ngunit hindi ko siya tinulungan dahil ayokong madamay sa kaguluhan na ginawa nya. Isinugod daw siya sa Hospital dahil inatake siya sa puso. Naroon ang pulis para hintayin syang magkamalay.

Natatakot ako na baka makulong din ako dahil nasagasaan ko ang anak ni Taehyung.

"Amarra... Gising!" Panggigising ko sa kanya at duguan ang ulo nya. Hindi ko sya pweding pabayaan dito.

Mas malapit kung didiretso na ako sa Gangnam at kung doon ko na lang sya dadalhin sa pinakamalapit na Hospital.

Wala rin makakaalam na nasagasaan ko siya, kung sakali na may magtanong ay aakuin ko siya bilang anak ko.

Tama...

Anak namin sya ni Taehyung pero kailangan ko syang mailayo dito.

"Kayo po ba ang Guardian nya?" Tanong ng Doctor na nag asikaso sa kanya.

"Ako nga po! Althea Cheng and She's my Daughter, Anna Cheng Kim!" Nanginginig ang tinig ko sa sinabi ko sa kanya.

"Naaksidente na po ba sya dati?" Tanong nito.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya pero tumango na lang ako bilang tugon.

"Kailangan nyo na po syang pag ingatin sa susunod dahil may Skull Fracture na po siya at unconscious ang Condition ng brain niya dahil sa internal bleed nito sa Cerebrum main root! Pasensya na sa sasabihin ko pero baka matagalan ang pagkakaroon niya ng malay!" Mariin na sabi ng Doctor.

"Gawin nyo po ang lahat Doc! Kailangan nya pong mabuhay!" Sabi ko sa kanya bago umalis.

May pera pa ako sa banko at ilan sa mga lupain ko sa Probinsya. Basta itataya ko ang lahat dahil ayokong makulong. Ayokong magbayad sa hindi ko sinasadyang kasalanan ko sa kanya.

Sakit ka talaga sa ulo Amarra!

.
.
.
.

...

TAEHYUNG'S POV.

Nakalaya ako dahil sa pag apila ng Statement ni Aina na ipinadala nya kay Yoongi. Ipinaurong niya ang kasong isinampa sa'kin at si Dave ang nadiin sa kaso ngunit kritikal pala ang kondisyon nito sa Hospital.

"Tae... hyung???" Gulantang ni Aina sa pagdating ko sa kanyang tinutuluyan na Rent House. Kasama nya dito si Amarra at Yoongi kung kaya't matapos ang pagpapalaya sa'kin sa kulungan ay dito agad ako dumiretso para mabuo na kami.

Babawi ako kung kinakailangan.

"Mahal ko!" Sinalubong ko siya ng mahigpit kong yakap. Itinuon ko pa ang ulo ko sa balikat nya.

A Dad Like You. (KIM TAEHYUNG FF.) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon