CHAPTER 57.

34 1 0
                                    

...

AINA'S POV.

MR. & MRS. PARK WEDDING DAY.

"Congratulations to the newly weds!!!" Pagbati namin lahat sa kanilang dalawa pagkatapos ng Ceremony.

"Thank you!!" Bulalas na ni Jessica na sadyang tuwang tuwa sa araw na ito.

Kumpleto ang buong pamilya nilang dalawa sa mahalagang okasyon na ito para sa kanila. Mga naglalakihan na guest din ang naghintay sa Wedding Reception, hindi ko akalain na darating din doon si Dave.

"Tita..." Pagyapos na salubong sa'kin ni Yeonjun. Kasama pala nya ito.

"Hi.. Yeonjun!" Bati ni Amarra sa kanya pero hindi nya ito binigyan ng pansin.

Mahigpit na agad ang pagkakahawak ni Taehyung sa mga kamay ko na kaagad sinundan ni Dave ng tingin. Hindi naman para sa amin tatlo ang selebrasyon na ito kung kaya't hindi ako nagpa apekto.

"Congratulations Mr. And Mrs. Park, I wish you all the best! Break a leg for happily ever after!" Pagkumpay na bati ni Dave at sinang ayunan iyun ng lahat.

Napapalibutan ang Venue ng mga bigating Businessmen and Women dahil para sa lahat ay ang pag iisang dibdib nina Jimin at Jessica ay isa sa mga tradisyon nila. Ganoon kayaman ang Partido ng Angkan nila.

"Ok ka lang?" Puna sa'kin ni Taehyung dahil hindi naman ako mapakali sa kinauupuan ko. Nakikipagkilala si Amarra kay Dave at isa iyun sa ikinakatakot ko.

Sinundan niya ang tinitingnan ko.

"Relax, magiging close talaga sya sa mga taong pinag iwanan mo!" Bulong nya sa'kin sabay hila sa kalagitnaan ng floor.

"Ano bang ginagawa mo Taehyung...?" Utal ko sa kanya dahil nakakapanloko na naman ang mga kilos nya.

Balak pa yata nyang pagselosin si Dave sa posisyon naming ito.

"Gusto ko lang naman makasayaw ang isa sa Prinsesa ko. Ang babaeng pinakamamahal ko! Kapag ikinasal na tayo ay mas engrande pa dito, tandaan mo 'yan Aina!" Sambit pa nya. Nahihiya ako sa mga guest na nakatingin sa pagsasayaw namin dalawa.

Hindi naman mawala sa paningin ko si Amarra hanggang sa pinabayaan na lang bi Dave na maitulak ni Yeonjun ang anak ko kaya huminto ako sa pakikipag sayaw at nilapitan ko sila.

"Mang aagaw!!!" Bulyaw pa ni Yeonjun na mismong narinig ko.

"Yeonjun!" Pagpigil ko sa pananakit na gagawin nya kay Amarra.

"Mama!!" Takot na takot na yumakap sa'kin si Amarra at itinayo ko sya.

"Away mga bata lang iyan, Masyado kang Protective!" Matigas na sabi sa'kin ni Dave.

"Bulag ka ba huh Dave? Sinasaktan ng Anak mo ang Anak ko! At kailan mo pa naisip na i-tolerate ang pagiging bully ng Anak mo?" Mariin kong baling sa kanya.

"Ts, Ano pa bang bago huh Aina? Ipinagtatanggol lang ng Anak ko ang mga bagay na dapat ay para sa kanya! Marahil kung ako rin ang nasa posisyon nya ay kukunin ko ulit ang kinuha sa'kin ng Anak mo!" Natahimik ako sa sinabi nyang iyun.

Ayoko ng eskandalo sa okasyon ng kaibigan ni Taehyung dahil ayokong maging Point of view ng lahat. Baka dito pa mabulgar ang tinatakasan kong nakaraan. Masisira ko ang pangalan ni Taehyung.

Tatalikuran na lang sana namin sila ni Amarra ngunit biglang hinaklit ni Dave ang braso ko.

"Dave ano ba?" Pagpupumiglas ko.

"Sa tingin mo maayos na lang basta sa'kin ang pang aagaw na ginawa ni Taehyung sa'kin?" Naniningkit ang mga mata niya sa pagtingin sa'kin.

"Bitawan mo ang mag Ina ko!" Derektang hinila ako ni Taehyung papunta sa kanya habang hawak ko rin si Amarra.

"Ok lang Taehyung, huwag mo na syang pansinin! Pinagtitinginan lang tayo ng lahat dito! Nakakahiya!" Mahinang sambit ko sa kanya.

Nakatingin na nga ang lahat sa eksena namin.

"Nakakahiya ba huh Aina? Alin ba sa kahihiyan ang ikinakahiya ng buong pagkatao mo? Ang pagka madumi mo bang babae na basta na lang sumasama sa mga lalaking isang gabi mo lang nakilala o yung magkaroon ka ng Love Affair sa Bestfriend ko?" Matigas na sabi ni Dave na kaagad pinagbulungan ng lahat.

"Tumigil ka na Dave! Kahit kailan hinding hindi magiging sa'yo ang Mag ina ko!" Matigas na sabi ni Taehyung. Natural na inangkin na nya ako dahil pumayag ako na maging bahagi siya ng buhay namin ni Amarra kahit na hindi nya ito tunay na anak.

"Tumigil? Gusto mo yatang pagtawanan pa kita sa kalokohan mo Taehyung? Nakakalimutan mo na yatang may Atraso ka kay Aina kaya ayaw mong mapag uusapan iyun dito!" Nakakalitong sabi pa ni Dave.

"Please stop this nonsense arguments with all your respect to the Couple!" Pumagitna na si Namjoon sa kaguluhan.

"Huwag mo syang pakinggan!" Himas ni Taehyung sa balikat ko at nang tumingin ako sa kanya ay umiwas siya ng tingin sa'kin.

"Uuwi na tayo!" Sabi pa niya.

"Sige lang Kim Taehyung! Takasan mo ang kasalanan mo! Takasan mo ang pambababoy na ginawa mo sa babaeng pinakamamahal mo!" Sigaw pa ni Dave na pinigilan na nina Jimin at pinalabas na ng kanilang mga body guards.

Nalito ako sa mga nasabi ni Dave. Hindi lingid sa kaalaman ko ang mga sinabi nya sa harap ng maraming tao.

"Nanahimik ka yata Aina?" Puna sa'kin ni Iyah nang bumalik na ulit sa normal ang selebrasyon.

"Amh.. Mauna na kaming umuwi, Inaantok na kase si Amarra!" Natatarantang sabi ko.

"Ok sige! Mamaya pa kami ni Joonie!" Sabi nya.

"Amarra let's go!" Inalalayan ko na ito. Hindi ko namalayan na hinabol pala kami ni Taehyung hanggang sa parking lot.

"Bakit umalis na agad kayo?" Pagpigil ni Taehyung sa pag papaandar ko sa sasakyan.

"Gabi na!" Tanging naging tugon ko. Kinuha nya sa'kin ang susi ng sasakyan at isinakay nya na ako sa backseat, katabi ko si Amarra na nakakatulog na sa mga hita ko. Siya na rin ang nag-Drive para sa pag uwi namin.

Hindi ko maiwasan na isipin ang mga anas ni Dave kanina. Sa mga nasabi niya ay alam kong marami syang kinalaman sa nakaraan ko ngunit bakit hindi ko rin kayang kalimutan ang pagbibintang niya kay Taehyung sa marahil pagsisinungaling nito sa'kin.

Siya ba? Siya ba? Siya ba?

Pagkarating sa bahay ay binuhat na nya si Amarra hanggang sa sariling kwarto nito at saka nya ako binalikan sa mismong kwarto na namin dalawa.

"Anong problema mo huh?" Agad niyang tanong sa biglang pagkawala ng gana ko na kausapin siya.

Kumuno't lang ang noo ko sa pag iisip ko. Naramdaman kong pinahid niya ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko.

"Hey... Huwag mo ng isipin ang mga sinabi ni Dave!" Sambit niya at hindi ko na nagustuhan ang paghalik nya sa labi ko.

"Huwag!" Pagtulak ko sa kanya ng marahan.

"Aina please magpapaliwanag ako!" Sabi niya na ikinataka ng kalooban ko.

Siya nga.... Yung..

"Ikaw ba?" Derektang tanong ko na sa kanya.

Kumagat siya sa labi niya sabay singhap ng hangin. Hindi ko siya maintindihan sa mga ganoong kilos niya. Gusto kong marinig sa kanya ang katotohanan na siya ang sumira sa buong pagkatao ko.

Sinabi ko na ito dati. Ipakukulong ko ang lalaking walang habas na pinagsamantalahan ang pagkababae ko. Pahihirapan ko sa kulungan ang lalaking bumaboy sa dignidad ko.

Itaga sa bato ang mga kataga na nasabi ko n'ung mawalan ako ng delikadesa para sa sarili ko.

Niyakap nya ako ng sobrang higpit at bigla syang lumuhod sa harapan ko. Wala pa akong naririnig na salita mula sa bibig nya ngunit nasasaktan na ako.

Ang bigat na ng kalooban ko. Hindi ko siya kayang tingnan ng tuwid sa pag iiyak nya sa mga tuhod ko.

"Bakit?" Ang tanging tanong ko para simulan pakinggan ang kanyang nais na sabihin.

A Dad Like You. (KIM TAEHYUNG FF.) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon