CHAPTER 3.

58 4 0
                                    

Kinabukasan, ginigising ko si Amarra sa mahimbing na pagkakatulog. Unang araw niya ngayon sa eskwelahan kung saan doon ko siya ini-enroll. Nasa hustong-gulang na siya upang matuto sa paaralan. May angking katalinuhan naman ang aking prinsesa kaya't tiyak na kakayanin niya ang makipagsabayan sa mga kasing-edad lang din niya.

"My Princess gising na."

"5 minutes pa Daddy please..." Pakiusap niya.

"5 minutes? Hindi p'wedi, baka ma-late ka sa first day of school mo." sabi ko at tinapik siya. Nagkukunwaring humihilik kaya natatawa ako. Bahagyang kiniliti ko siya sa likuran kung saan malakas ang kiliti niya.

"Gumising ka na..." Bulong ko sa kaniyang tainga ngunit hindi siya natitinag sa mga pangingiliti ko. "Sayang naman ang school supplies na binili ni Jungkook para sa iyo. Itapon ko na lang kaya?" Usal ko pa.

"Daddy naman eh!" Maktol niya. Bata pa lang siya ngunit may pagpapahalaga na siya sa mga gamit na ibinibigay namin para sa kaniya. Lalo na kung ang mga bagay na iyon ay nagmula kay Jungkook.

"Bumangon ka na riyan. Ayokong mahuli ka sa klase." dagdag na sabi ko.

"Opo, Daddy." Inaantok na tugon niya.

"Anong oras ba ang pasok ni Amarra ngayon? Late na kayo!" Tinig ni Namjoon sa labas ng kwarto habang kumakatok sa pinto.

"Oo na...!" tugon ko kasabay nang pagtatawanan namin ni Amarra. Palaging alerto sa lahat ng importanteng lakad ang Papa Joonie niya kaya hindi na bago sa amin ang pambubulabog niya.

Ilang minuto ang nakalipas, magkasabay na kami sa paliligo.

"Yuck Daddy, toothbrush ko po ang ginagamit mo."

"Bakit hindi mo agad sinabi?"

Madalas na sa amin ang ganitong ganap. Nalilito kasi ako sa mga gamit niya dahil kaparehas ng kulay at style nang sa akin. Hindi na nadidiri, palagay ko naman ay laman tiyan ko na rin ang nasa toothbrush niya. Mayamaya ay natapos na siya kaya naiwan pa ako sa C.R.

"Daddy, nasaan ang underwear ko?" Sigaw niya kaya kahit hindi pa gaanong maayos ang paliligo ay lumabas na ako mula sa banyo para asikasuhin na siya.

Ang hirap maging Single Daddy pero kinakaya ko naman.

"Daddy bilisan mo naman, gutom na po ako." Hindi pa naibobotones ang polong isinuot ko ay hinila niya na ako pababa sa kusina.

"Good morning Amarra." bati ni Jungkook sa kaniya at sinalubong ng yakap.

"Ready for school Big Girl?" tanong ni Namjoon.

"Yes po!" Matigas na tugon niya at dumaretso sa hapag-kainan para kumain.

Nagtaka ako sa pagkatahimik nila nang tumingin mula sa kinatatayuan ko. Kaniya-kaniya sila ng pagpigil sa tawa.

Pinagtatawanan ba nila ako?

"Mukhang hindi pa ready ang Daddy mo." pilyong sabi ni Jimin. Tumingin siya sa ibaba ng pantalon ko. Saka ko lang napansin na bukas pa pala ang zipper. Unbuttons pa rin ang polo ko.

"Ako na kaya ang maghatid kay Amarra?" Prisintang saad ni Hoseok.

"Ako na ang bahala sa kaniya." sabi ko. It's her first day kaya ayokong palalagpasin ang pagkakataon na makita siyang pumasok sa eskwelahan.

"Sus ayaw din pasapaw nito eh!" sabi naman ni Yoongi.

"Bahala na nga kayo dyan." Binuhat ko na si Amarra at balak na namin umalis.

"Heto ang baon niya." Pagbibigay ni Jin ng isang lunch box. Tiyak na napakarami ng niluto niya para sa aking anak.

"Salamat po, Ninong Jin." Nakangiting sambit ni Amarra.

A Dad Like You. (KIM TAEHYUNG FF.) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon