CHAPTER 55.

32 1 0
                                    

...

JIMIN'S POV.

Minamasdan ko siya sa paghimbing pa ng tulog nya. Ang sarap makitang sa kanya ko ninais na magkaroon ng mga Anak pero bago iyun ay may inihanda akong Surprise para sa kanya.

"Jimin!" Sambit niya sa pangalan ko nang magising na sya. Inaantok pa rin siya na nakipagtitigan sa'kin.

Wala akong pakealam kung anong klaseng babae man sya o kung sino ang huling mga nakasama niya sa kama, Ang mahalaga minamahal ko siya kahit na n'ung una ay hindi kami magkasundo.

Lagi ko syang ibinabalot sa makapal na blanket o kaya ay pinapabago ko ang Fashion Style niya. Ayoko syang makikitang labas ang kaluluwa o kaya'y nagsusuot ng mapang akit na kasuotan. Simula n'ung mapunta sya sa'kin ay binago ko siya mula sa pagiging kaladkarin babae niya. Hindi naman sya nagrereklamo kaya lalo ko syang iningatan sa'kin.

"Jess!" Sambit ko sa pangalan niya dahil nakakatulog na naman siya.

"Umh?" Ungol niya. Hinagilap ko ang kamay nya at sa Ring finger ay may isinuot akong singsing dito.

"Gumising ka na at tingnan mo ang kamay mo!" Sabi ko sa kanya.

"Mamaya na, Inaantok pa ako!" Ungol pa rin nya.

"Please..." Paki usap ko sa kanya at binuksan naman na nya ang kanyang mga mata.

Ipinakita ko sa kanya ang Singsing na suot na nya.

"Owm.. Bhjghjjjn.. A... no 'toh?" Gulantang niya.

"Let's get married!" Usal ko pa sa kanya.

"Huh?... Are you serious about this?" Pagtataka pa nya.

"Sinabi ko naman sa'yo na ikakasal ka pero hindi sa iba! Sa'kin lang!" Paglilinaw ko sa kanya.

Alam kong hindi sya masyadong pinapansin ng mga tao dito kaya balak ko syang ilayo pagkatapos ng kasal namin kung mapapayagan nya ako.

"Hey?" Istorbo ko sa pagtitig niya sa Singsing na isinuot ko sa kanya.
"I love you Park Jimin!" Sabi niya bago ako hinalikan ng sobrang riin. Inaatake nya ako kaya umawat ako sa kanya.

"Sa Honeymoon na lang natin!" Saad ko sa kanya.

"Bahala ka dyan!" Sabi nya at iniwan nya ako.

Hindi pa nya ako sinasagot pero dalasdas na syang lumabas sa kwarto namin at sinundan ko naman sya.

.
.
.
.

...

YNGRID'S POV.

Hindi ko alam kung ano pang dahilan para manatili ako dito sa Dormitory nina Sir Taehyung. Hindi pa rin naman ako binibigyan pansin ni Yoongi at wala na akong ibang bagay na pagkakaabalahan pa.

"Yessss!!! Ahhhhh!" Matinis na sigaw ni Jessica habang pababa siya sa hagdan.

"Jess go back here!" Sigaw namin ni Jimin sa itaas.

Nag away ba sila? Nagulat tuloy kami na nasa kusina.

"Ano bang kaingayan yan?" Inis na tinig ni Yoongi sa kanila.

"Let me explain but i'm so excited!" Natatarantang sabi pa ni Jessica.

"Buntis ka at si Eric ang ama?" Salansang ni Jin.

"Hey stop it ok! Past is past!" Pag irap sa kanya nito. Nasa likuran na nya si Jimin.

"Ano ba kase 'yun?" Bagot na tinig naman ni Hoseok.

"Jimin and i.. Were Engaged! Look at my simple wedding ring! It's high class!" Pagmamalaki pa niya.

"Engage lang naman pala, Akala kung ano na! OA ka masyado!" Sabi ni Yoongi na balak nang umalis.

"Hey, Hindi ba kayo masaya para sa'min?" Taas kilay na tanong ni Jimin.

"Masaya kami ni Iyah para sa inyo! Hope so magka baby agad kayo!" Bati ni Namjoon.

"Balak na agad namin yan pagkatapos ng kasal!" Nakakailang ang usapan nila tungkol sa pagpa pamilya kaya dumistansya ako sa kanila.

Pinabayaan ko silang mag usap usap sa Dinning at naririnig ko naman mula sa kwarto ko na nagkakasayahan na sila.

"Anong ginagawa mo at umalis ka doon?" Boses niya sa pintuan ng silid ko.

"Nag aayos na ako ng mga gamit ko!" Sabi ko.

"Uuwi ka na?" Bakit ba ang dami nyang tanong? Alam ko naman na ikakatuwa nya ito.

"Hinihintay ko lang ang reply ni Sir Taehyung sa Email ko sa kanya! Nagpasa na ako ng resignation letter sa kanya!" Matigas kong tugon sa kanya.

"Ts," Tangis niya at tinalikuran nya ako. Wala na talaga syang pakealam pa sa'kin. Ginawa ko naman ang best ko para mapatawad nya ako. Sinubukan ko ng paulit ulit na makuha ang Atensyon nya pero sadyang nagmamatigas siya.

Ayoko nang masaktan ng labis sa kanyang ginagawang pambabalewala sa'kin kaya mas mabuti pang umalis na lang ako dito.

.
.
.
.

...

YOONGI'S POV.

Nainggit yata sya sa biglaan na Engagement Announcement nina Jimin at Jessica kaya balak na nya ang umalis.

Gusto ko syang pigilin pero hindi ko alam kung paano ko gagawin iyun kaya tinalikuran ko na lang sya.

Naghihintay ako na baka sakaling magpapa pigil siya sa'kin pero wala na akong narinig mula sa kanya.

Bumaba ako at nahiga lang ako sa Couch. Day off namin ngayon kaya magpapahinga talaga ako.

"Oh Ms. Young, Where are you going?" Pagtataka ni Jessica.

"Pinapatawag na kase ako ng School Admin sa Daegu kaya kailangan ko munang umalis para asikasuhin ang Internship ko!" Pagsisinungaling pa nya. Nanatili akong walang kibo.

"Talaga? Sayang hindi mo na masasaksihan ang kasal namin bukas!" Saad ni Jimin.

"Kung makakabalik ako ay babalik naman ako!" Sabi nya.

"Kahit hindi ka na bumalik!" Diin ko sa kanya.

"Yoongi!" Pagpigil sa'kin ni Hoseok.

"Gusto nyang umalis kaya hayaan nyo na sya! Wala na rito ang pagsisilbihan nya kaya bakit pa nga ba sya mananatili dito! Go! Umalis ka kung gusto mo Yngrid!" Matigas kong baling sa kanya.

"Ano ka ba Yoongi? Sumusobra ka na talaga kay Yngrid! Ni-minsan hindi ko na narinig na iginalang mo sya! Babae pa rin siya at kung ano man ang atraso nya sa'yo dapat pinapalampas mo na lang iyun!" Pumagitna sa pag uusap si Jin.

"Bakit? Sino ba sya para sa'kin huh? Hindi nyo alam kung ano ang mga nagawa nya sa buhay ko! Pinag sisisihan ba man lang nya kung bakit itinakwil ako ng mga magulang ko? She ruin everything about my life! Hindi ko natapos ang pag aaral ko sa Daegu nang dahil sa kanya! Wala akong matakbuhan n'ung mga araw na kailangan ko ng karamay nang dahil sa kanya!" Muli kong binabalikan ang mga pinaghirapan ko dahil sinira nya ako sa mga magulang ko.

Hinding hindi ko nakuha ang buong suporta ng mga magulang ko sa mga gusto kong gawin sa buhay ko dahil sa pagkakamali nya. Siya ang pinagkakatiwalaan ko noon na may Career na naghihintay sa'kin dito sa Seoul pero dahil ayaw iyun ng mga magulang ko para sa'kin ay nagmatigas ako. Akala ko kakampi ko siya pero kinampihan nya ang mga magulang ko at siniraan nya ako na para bang napaka linis nya.

Nagkaroon ako ng Anxiety dahil sa mga ginawa nya. Sa t'wing naiisip ko sya ay para bang mababaliw na ako sa galit ko sa kanya.

Hindi nya ako masisisi kung bakit sukdulan ang galit ko sa kanya. Marahil maliit na pagkakamali lang para sa iba pero subukan nilang pumisisyon sa lugar ko at sinisigurado ko na maiintindihan nila ako.

Minamahal ko na sya noon n'ung gawin nya sa'kin iyun kaya hindi ko agad matanggap ang kapatawaran nya.

"Tama na! Naiintindihan ko kung bakit ganyan katindi ang galit mo at sapat na pinahihirapan mo akong ibalik ang lahat sa'tin kaya mas mabuti pang umalis na nga ako!" Diin niya at tuluyan na syang umalis. Hindi ko na sya pinigilan pa.

Hindi ako natuwa sa pag alis nya kung kaya nagkulong ako sa kwarto ko.

Wala akong pakealam sa kanilang lahat at gusto ko na lang matulog nang maghapon at kalimutan ang mga nasabi ko kanina.

A Dad Like You. (KIM TAEHYUNG FF.) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon