CHAPTER 52.

24 1 0
                                    

...

AINA'S POV.

Hindi na ako nagreklamo pa nang dalhin ako ni Ms. Young sa Dormitory nina Taehyung. Bahala na kung ano man ang maging reaksyon nila.

Pagkarating naman namin doon ay wala ng tao sa kabuuan ng Salas. Pinatuloy pa rin ako ni Ms. Young sa mismong tinutulugan nya ngunit nais kong makita si Amarra kung paano matulog.

10 years kong hinangad na makasama sya, Mayakap at makatabi man lang sa pagtulog. Pagkakataon ko na ito kung ako ay mapagbibigyan ni tadhana.

"Hindi naman siguro Naka-Lock ang kwarto ni Sir Taehyung kapag natutulog na sila ni Amarra! Bilisan mo lang dahil baka magising silang lahat!" Mahinang bilin nya sa'kin bago ko tinungo ang munting kwarto ni Taehyung.

Hindi nga naka-lock ang doorknob nito kaya marahan na akong pumasok sa kinalooban nitong kwarto.

Nakakatuwang pagmasdan ang pagkakahiga nilang mag Ama habang mahimbing na natutulog ang mga ito.

Magulo at hindi ko masabi ang kanilang posisyon basta't wala ni-isa sa kanilang dalawa ang may takip na kumot.

"Good Night Anak!" Minasdan ko muna ang maamong mukha nya bago ko sila kinumutan ni Taehyung.

"Psst!" Sitsit na ni Ms. Young at sinenyasan na akong lumabas kaya sumunod na ako sa kanya.

"Sabi nang sandali lang! Matulog na tayo!" Paghila na nya sa kamay ko.

Sinabayan ko na rin sya sa pagtulog at dahil sa iba't ibang nangyari ngayon maghapon ay nakatulog na rin ako dahil sa pagod.

KINABUKASAN na ako nagising at agad kong naisipan na ipagluto sila.

"Tutulungan na kita!" Prisinta pa ulit ni Ms. Young nang madatnan nya akong nagluluto.

"Mukhang sanay na sanay ka na rin dito ah? Alam mo na rin ang bawat pasikot sikot?" Baling ko sa kanya.

"Si Sir Taehyung ba naman? Haisst gusto pa yata akong gawin Nannie ni Amarra!" Sambit niya at ngumiti lang ako sa kanya.

"Siguro naman ay hindi na mangyayari iyun dahil narito ka na para pagsilbihan ang Anak at Asawa mo!" Dugtong pa nya.

"Asawa? Hindi ko naman karelasyon si Taehyung!" Paglilinaw ko dahil baka kung ano ang isipin nya.

"Amh... I mean, Syempre ganun na rin ang iisipin namin dahil itinuturing naman ni Amarra na Daddy si Taehyung tapos Biological Mother ka naman nya! Di'ba kapag may Mommy dapat ay may Daddy! So, One big happy family na kayo ngayon! Gano'n yun!" Nakakatawa talaga ang kadaldalan nya. Ganu'n siya kabilis mag isip sa bawat sitwasyon.

Nagtataka lang ako kung bakit hindi pa rin siya binibigyan ni Yoongi ng pangalawang pagkakataon. Babae pa rin siya at ang pagmamahal lang din naman nito ang makakapag pasaya sa kanilang dalawa.

"Ti... ta?" Utal na sambit ni Amarra mula sa likuran ko. Nagtataka siguro sya dahil narito ako.

"Good morning Amarra!" Hinarap ko siya. Lalapitan ko sana siya pero umatras siya kaya hindi na lang ako lumapit ng tuluyan.

"Alam kong naguguluhan ka pa rin pero bigyan mo sana ako ng pagkakataon na bumawi sa'yo Anak ko?" Pasubali ko sa kanya.

"Amarra, She's your Mommy, Eomma, Mama, Inay, Inang.. Hala ewan! Basta bahala ka na sa itatawag mo sa kanya!" Pilyang singit pa ni Ms. Young.

"Gutom na po ako!" Saad lang ni Amarra na naupo na sa bakanteng upuan sa hapag kainan.

"Oo sige! Anong gusto mo? Hotdog? Itlog? Sandwich? Ano pa bang pweding maluto dito?" Paghahanap ko sa fridge nang Breakfast food na pwedi kay Amarra.

A Dad Like You. (KIM TAEHYUNG FF.) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon