CHAPTER 47.

22 3 0
                                    

...

TAEHYUNG'S POV.

Sa Rooftop nagpatuloy ang pag uusap namin lahat tungkol sa kung ano ba talagang pakay ni Dave ngayon gabi.

Kapag nakikita ko siya ay hindi ko maiwasan na manggalaiti sa pagngingitngit ng aking mga bagang.

Naaalala ko sa kanya ang katarantaduhan na nagawa ko nang dahil sa kanya. Bwisit.

"Dapat ba akong matuwa dahil narito kayo ng Fiance mo at isinama mo pa ang Anak nyo!" Panimula ko sa pag uusap na ito.

"Hindi ko s..." Pinutol ni Dave ang magiging tugon ni Aina sa aking tanong.

"Aina let me handle this!" Sinundan ko ng tingin ang paghahawakan kamay nila.

Nag iinit ang pakiramdam ko kung kaya nang mag alok si Jin ng Wine ay humingi ako.

"Hindi nyo pa ba naiisip ang future ng nag iisa nyong Prinsesa dito sa Dormitory nyo?" Masalimuot na tanong ni Dave habang inaamoy niya ang halimuyak ng Wine na inialok sa kanya ni Jin.

"Masyado ka naman yatang intrisado sa Prinsesa namin?" Baling sa kanya ni Yoongi.

"Hindi ba kayo busy sa mga trabaho nyo at bumiyahe pa kayo papunta dito para lang tanungin kami ng ganyan?" Taas kilay pa ni Jungkook.

"I'm just curious, you know guys hindi naman habang buhay mananatili sa'tin ang mga anak natin kaya natural lang na isipin natin ang future nila!" Paglilinaw pa nya.

"Hindi ka mag aaksaya ng oras para lang sa future ni Amarra! Gusto mong makipag negosasyon sa'min kaya balak mong isa alang alang ang kinabukasan ng nag iisa mong Anak sa Prinsesa namin, Tulad ng ano? Fixed Marriage na nagiging tradisyon ng mga Businessman para sa negosyo? Tama ba ako?" Sarkistong derekta ko sa kanila ni Aina.

Hindi ko akalain na hinayaan nyang magdesisyon si Dave ng ganito para kay Amarra? O baka natatanging lihim rin kay Dave ang tungkol sa pagkatao nila ni Amarra?

I Don't think so. Hindi ganito makipag laro ang isang Dave Do. Malaki ang itataya nya para lang sa isang pustahan na gustong gusto nyang manalo. Sa tingin ko ay si Aina ang pangalawa sa'kin na bibiktimahin nya kahit pa malalim na ang naging relasyon nila.

"Hindi ka pa rin nagbabago kung paano mag isip, Kim Taehyung!" Insulto pa nya sa'kin.

"Dave.. Bakit hindi mo sinabi sa'kin na balak mong ipagkasundo si Amarra kay Yeonjun?" Gulantang ni Aina sa tinutukoy ko.

"10 years old lang si Amarra kaya bakit kami papayag sa gusto mong ipagkasundo sya sa bully boy son mo?" Diin na tanong sa kanya ni Jimin.

"Nag iisip ka ba talaga ng tungkol sa Negosyo huh Dave? Idinadamay mo pa yung mga inosenteng bata!" Baling sa kanya ni Hoseok.

"Isa na ako sa tututol!" Giit ni Jungkook.

"Relax guys, It's just Fixed Marriage na pwedi pang pag usapan nina Yeonjun at Amarra kapag nasa tamang edad na sila!" Sabi pa ni Dave.

"No! Hindi mo ipakakasal ang.. I mean masyado pang maaga para pag usapan ang tungkol dyan! Kung negosyo lang din naman ang habol mo, bakit hindi tayo makipag negotiate sa iba pang Businessman dyan! Marami tayong Options, Dave!" Mariin na salansang ni Aina at halatang halata na apektado siya sa magiging sitwasyon ni Amarra sa anak nyang pasaway.

Gusto nya ng laro, Game in.

"Go! Let's do it!" Pamumulsa kong sabi na ikinagulat nilang lahat.

"Taehyung???" Bulalas nila sa'king pangalan.

"Ang mga bata pa rin ang magdedesisyon sa pag uusap natin ito! Papayag lang ako sa isang kondisyon!" Dagdag ko pa.

"You can tell me anything Taehyung!" Tapik nya sa balikat ko.

"Magta trabahong muli sa'kin ang Fiance mo! Kukunin ko ulit syang Secretary ko hangga't pinag uusapan natin ang tungkol sa kasunduan nina Amarra! Magbibigay ako ng Sales Stock sa Main Shares ko para sa Company nyo! Dehado pa ba kayo sa kondisyon ko?" Matigas kong saad sa kanila.

"Taehyung baka pweding kausapin mo muna kami sa mga desisyon mo bago mo sabihin yan!" Taliwas ni Jungkook sa'kin.

"Naloko ka na rin ba sa katarantaduhan mo noon? Ts!" Singhap ni Yoongi ng hangin sa mismong harapan ko at umalis na sya.

"Deal!" Pakikipag kamay ni Dave sa'kin bilang pag sang ayon kaya kinamayan ko naman sya.

"Dad can we go home? Nakaka bored na dito!" Reklamo ni Batang pasaway.

"Darating ang Secretary mo sa Office mo bukas!" Inakbayan nya si Aina at balak na nilang umalis.

"Umuna na kayo ni Yeonjun umuwi, kakausapin ko muna ang Boss ko!" Matigas niyang sabi bago ako balingan ng kanyang matalas na tingin.

Madali naman palang kausap si Dave at sadyang iniwan siya nito. Ako pa rin ang balak nyang kausapin kaya pagbibigyan ko na.

"Ayusin mo ang pagdedesisyon mo Taehyung!" Sumbat pa sa'kin ni Jungkook bago sila nagsabay sabay sa pagbaba ng Rooftop.

Kami na lang ni Aina ang naiwan dito at nakipagtitigan talaga siya sa'kin na habang tumatagal ay ako na rin yung sumuko na tingnan sya.

"How dare you!" Sinabuyan nya ako sa pagmumukha ko ng isang punong Wine sa win glass na hawak nya.

Nanlabi ako at napapikit na lang ako.

"Nagpa iwan ka para lang gawin sa'kin ito?" Paghila ko sa kamay nya at saka ko siya tinitigan ng malapitan.

"Anong karapatan mong pumayag sa gustong ipakasal ni Dave ang Anak ko sa Anak nya? Iniisip mo ba talaga ang ikakabuti ni Amarra huh? Walang hiya ka Taehyung!" Pagdadabog nya sa dibdib ko at kasabay nang kanyang pag iiyak.

"Yun lang ang alam kong paraan para makuha kita sa kanya!" Bulong ko sa tainga nya na ikinanlaki ng kanyang mga mata.

Itinulak nya ako palayo sa kanya at dumistansya pa siya sa'king kinaroroonan.

"Binigyan mo ako ng rason na lumayo sa'yo at anong kinalaman ng paglayo ko sa'yo ang Deal nyo ni Dave? Pati ba si Amarra ay gagawin mong pustahan? Kung ganyan din lang ang gagawin mo sa Anak ko ay mapipilitan akong kunin sya sa'yo!" Diin nya sa'kin.

"Makakasama mo si Amarra kung sa'kin ka lang!" Diin ko sa kanya.

"Hindi mo ako pag aari Taehyung at mas lalong hindi mo anak si Amarra para angkinin mo rin sya!" Matigas nyang sabi at balak na nyang umalis.

"I'm sorry kung ipinagtabuyan kita na lumayo sa'min ni Amarra kahit alam ko na ang totoo! Aina please hayaan mo akong gawin ang lahat para makabawi sa'yo!" Paghabol ko sa balikat niya at nang humarap na siya sa'kin ay saka ko siya hinalikan ng sobrang riin.

Nanlalaki ang kanyang mga mata sa paghalik ko sa kanyang mga labi. Kinalaunan ay tinugon na rin nya ang bawat pagbabago ng mga halik ko.

Kumapit pa siya sa giliran ng Polo Shirt ko at talagang tumingkayad pa siya sa nadadala niyang pakikipag halikan sa'kin.

Vissions of memories by her little kisses na hindi ko malaman kung kailan ako nagsimulang mag alala sa nakaraan taon na iyun.

Siya nga ang babaeng nakasama ko sa gabing iyun. Ibig bang sabihin ay may posibilidad na anak ko rin si Amarra.

"Hindi na tayo pwedi Taehyung, I'm sorry!" Pag agwat niya sa mga halik ko ay tumakbo na sya palabas sa Dormitory.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapaluha sa pag alala ko sa nagawa ko sa kanya. Sya yung babaeng matagal ko na rin hinahanap. Sya yung babaeng sinimulan kong mahalin n'ung unang kita ko pa lamang sa kanya.

"Daddy gabi na po, Matulog na tayo!" Paghila sa'kin ni Amarra at hinihila na nya ako paalis doon.

"Amarra! Anak!" Niyakap ko siya ng sobrang higpit at umiiyak ako sa kanyang balikat.

"Bakit umiiyak ang Daddy ko? Anong ginawa nila sa'yo?" Pagpapahid na nya sa mga luha ko.

Hinalikan ko ang mga kamay nya at hindi masimulan ang ipaliliwanag ko sa kanya. Paulit ulit na lang ako sa paghingi ng tawad sa kanya but she is still innocent.

Kamumuhian nya ako kapag nalaman nila ni Aina na ako ang dahilan kung bakit miserable ang buhay nilang dalawa.

A Dad Like You. (KIM TAEHYUNG FF.) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon