CHAPTER 24.

27 1 0
                                    

...

TAEHYUNG'S POV.

KINABUKASAN.

Hindi ako sanay na magigising ako na wala sa'king tabi si Amarra. Nagtataka lang naman ako dahil paggising ko ay malinis na ang hinigaan niya.

Nadatnan ko siya sa kusina nang bumaba na ako, Bagot siya na pinapanood sina Jin-hyung at Namjoon kung paano magkulitan habang nagluluto ang mga ito.

"Bakit ang aga naman yata magising ng Prinsesa ko?" Sinurpresa ko siya sa'king halik sa kanyang pisngi.

Wala pa rin siya sa kondisyon na kausapin ako. Sumesenyales pa sa'kin itong dalawa na aliwin ko si Amarra pero saan ko ba sisimulan?

Pinasok ko na nga sa dalawang butas ng ilong ko ang Potato Fries na bago nilang luto ay hindi ko pa rin mapatawa ang Anak ko.

"Bagay sa'yo!" Ihit na sila sa pagtawa pero hindi pa rin ako pinapansin ng Prinsesa ko dahilan para tanggalin ko na lang din iyun sa ilong ko.

"Hindi pa po ba tayo kakain? Male-late na po ako sa School ko!" Tanong niya.

"Hindi ka papasok!" Baling ko sa kanya.

"Taehyung naman?" Maktol nila na apektado sa pag uusap namin ni Amarra.

"Bakit nyo po ako pinaghihigpitan? Hindi naman po kayo ang Daddy ko!" Biglang sabi niya.

Pumagitna agad sa'min si Jungkook na kakababa lang galing sa kwarto nito, napansin nya siguro na umikom ang kamao ko.

"Nabigla lang naman si Amarra!" Singit ni Jungkook.

"Amarra hindi mo dapat sinasabihan ng ganyan ang Daddy mo!" Paglapit naman ni Jimin sa kanya.

"Nagtatanong lang naman po ako!" Katwiran naman niya.

"Hey.. Hey.. Kumain na nga lang tayo! Tama na yan Amarra!" Saad ni Namjoon at naghayin na siya sa hapag kainan.

Akala ko ay katulad si Amarra ng ibang bata na maiintindihan ang sitwasyon namin matapos kong sabihin sa kanya ang totoo. Normal lang naman na magtampo siya pero yung mga salitang iyun ang mismong naririnig ko mula sa kanya?, Nasasaktan ako. Wala na ba akong kwenta para sa kanya?

Binasag niya ang katahimikan sa pagkain namin.

"Kung ampon po talaga ako, Sino po ang Parents ko? Sino po ang tunay na Daddy at Mommy ko? Gusto ko po silang makita!" Direct to the point she asked.

"Amarra kase... Di'ba sabi naman namin sa'yo kanina na nakita ka lang namin sa labas ng bahay!" Paglilinaw ni Jin-hyung. Miski ang detalyeng iyun ay nasabi na rin pala nila na hindi man lang ako kinokumpirma.

"Hindi pa ba kami sapat sa'yo?" Tanong naman ni Yoongi.

"Buong buhay ko po kase akala ko po ay kayo po talaga ang..." Pinutol ko na ang mga usal niya.

"Gusto mo silang makilala? Ok sige pagbibigyan kita sa gusto mo! Hindi ka papasok sa School mo ngayon, Magbihis ka at may pupuntahan tayo!" Matigas kong sabi sa kanya.

"Taehyung????" Hiuaw na naman nila sa pangalan ko.

"Hindi ko sya pagmamay ari! Oras na rin siguro para makilala nya ang Ina nya!" Labag sa kalooban ko ang mga anas ko sa harapan nila pero kailangan ko itong panindigan.

"Daddy gusto ko lang naman po...." Utal pa niya.

"Magbihis ka na!" Malamig kong tinig sa kanya at tumakbo siya patungo sa kwarto niya.

"Ano ka ba Taehyung?" Kunoo't noong baling sa'kin ni Jungkook.

"Tawagan mo si Jessica at sabihin mong magkita kami sa Office ko!" Pagtalikod ko na sa kanila.

"Hindi kami pumapayag sa desisyon mo na yan!" Pagharang sa'kin nina Hoseok at Yoongi.

"Hindi nyo ba naiintindihan na pinahihirapan lang lalo natin si Amarra dahil akala nya ay pinaghihigpitan ko sya! Gusto ko lang sya na maging masaya!" Diin ko sa kanila.

"Gaano ka nakakasigurado na ang Jessica na iyun ang Nanay nya? The fact na may dala syang Documents Paper! Papel lang iyun na kayang kayang pekein nang kahit na sino para lang makapag panggap!" Paliwanag ni Yoongi.

"Tutal alam na rin naman ni Amarra na Ampon natin siya, bakit hindi mo sya hingian ng DNA test? Maging patas naman sana tayo para sa ikakabuti ni Amarra!" Pamumulsa ni Jimin.

Lahat sila ay tansyado sa desisyon kong ipakilala agad si Amarra kay Jessica.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko? Nahihirapan ako!" Napa upo ako sa upuan at para akong bata sa pag iiyak ko.

"Ginawa mo ang lahat para kay Amarra, Naging mabuting Ama ka para sa kanya! Sa sandaling nalaman nya yung totoo, Syempre magtatanong siya at maaapektuhan pero hindi ibigsabihin nun na basta mo na lang sya isusuko sa isang taong hindi ka sigurado kung totoong konektado sa kanya!" Tapik ni Namjoon sa balikat ko.

Nasimpid ako ng hangin.

.
.
.
.
...

JESSICA'S POV.

Inihatid ako ni Eric sa isang lugar na hindi naman pamilyar sa'king paningin.

"Dito nakatira si Taehyung at yung bata, puntahan mo na sila!" Itinuturo niya sa'kin ang malaking bahay na ito sa harapan ko.

"Be a good actress Bhabe!" Banayad na hinalikan nya ang labi ko at umalis na siya.

Lakasan na lang talaga ng loob ang gagawin ko.

Ilan beses kong pinindot nang pinindot ang Door Bell ngunit wala pang nag aatubili na ako ay pagbuksan.

"Teka lang naman! May balak ka bang manira ng Doorbell?" Boses ng lalaking iyun. Palapit na siya sa kinaroroonan ko at piagbuksan na nga nya ako.

"Ikaw?" Gulantang ko sa kanya at ganun din siya sa'kin.

"At sino ka naman para pumunta dito?" Baling niya sa'kin.

"Nandyan ba ang Anak ko? Tabi nga dyan!" Tinabig ko siya at eskandalosang pinasok ko ang pamamahay nila.

"Jessica???" Gulantang na sinalubong ako ni Jungkook.

"Hey! Bakit ba napaka eskandalosa mo!" Paghagilap nitong Car washer boy sa braso ko.

"Let me go ok? Don't you ever try to touch me again! Car Washer ka lang!" Duro ko na sa kanya. Naka tingin silang lahat sa'kin.

"Aba't ikaw pa ang may lakas ng loob na insultuhin ako sa mismong pamamahay namin?, baka nakakalimutan mo kung saan ang nilulugaran mo? Teritoryo ko ito kaya mag ingat ka sa pananalita mo babaita!" Tinitigan nya ako ng malapitan at halos hubaran niya ako sa matalas niyang tingin na iyun.

"Ganitong klase ng mga tao ang nag aalaga sa Anak ko? Walang modo at respeto sa babae?" Taas kilay na baling ko sa kanya.

"Bakit kagalang galang ka ba? Nag eskandalo ka dito samantalang sa Office ka ni Taehyung pinapapunta! Ts." Singhap pa nya ng hangin sa harap ko.

"For your Information, Naging mabuting magulang kami kay Amarra! Paano mo pa natataasan ang Pride mo na humarap sa'min samantalang hindi ka nakilala ng Anak ko?" Kunoo't noong sumbat ni Taehyung sa'kin.

"Ilabas nyo na lang ang Anak ko kung ayaw nyong tuluyan ko kayong idemanda!" Matigas kong diin sa kanila.

"Hindi mo pweding makita si Amarra hangga't hindi mo napapatunayan sa'min kung sino ka talaga!" Baling sa'kin ni Taehyung.

"Handa ako sa tamang proseso kung kinakailangan!" Saad ko sa kanya.

"Aba matapang, Asa ka pa na paniniwalaan namin na ikaw ang tunay na ina ni Amarra!" Pang iinsulto nitong isa.

Hindi ko siya matingnan ng tuwid, Actually nakakatakot na makaharap silang lahat na puro lalaki ang narito.

"Kung gusto mo talagang makita si Amarra, I will forgive you for Once to be clear!" Sabi pa ni Taehyung.

Napapa isip na ako sa susunod kong hakbang. Malapit ko na mapasa kamay ang lahat. Magiging masaya na kami ni Eric.

A Dad Like You. (KIM TAEHYUNG FF.) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon