CHAPTER 26.

29 2 0
                                    

...

TAEHYUNG'S POV.

THE NEXT 3 DAYS.

Long Weekend para sa amin lahat pero mas ginusto ko pang paghandaan ang pagkikita nina Jessica at Amarra.

"Hindi ba nakakapagtaka naman yata na tatlong araw na hindi nag eeskandalo si Maldita?" Nagtataka din pala itong si Jimin.

"Baka sumusuko na kunin sa'tin si Amarra!" Dugtong ni Yoongi.

"Malinaw ang pinag usapan namin, Sa Office natin dadalhin si Amarra at doon lang sila pweding magkita hangga't hindi siya sumasang ayon sa gusto kong magpa DNA test siya!" Pamumulsa ko.

"Tama po ba ang narinig ko? Makikita ko na si Mommy?" Tanong ni Amarra na nasa likuran ko na pala.

Ilan araw din kase na hindi nya ako kinikibo kung kaya na si Jungkook ang syang nag aasikaso sa kanya. Medyo abala din ako sa trabaho ko at napag isipan ko na ng mabuti na aalukin ko ulit si Aina na magtrabaho sa'kin as my Secretary.

"Oo naman, makikita mo na si Mommy mo!" Nilapitan ko siya at pinantayan ko siya ng tingin.

Kahit nag aalangan pa ako sa pagpapakilala ni Jessica bilang Biological Mother niya ay hindi ko na rin iyun ipinagdamot pa sa kanya. Anak ko pa rin siya kahit hindi kami magka dugo kaya yung kaligayahan nya ang mas iniisip ko.

Kung sa ganitong bagay magbabalik ang samahan namin bilang mag ama, bakit hindi ko muna isantabi ang Pride at Ego ko para sa kanya di'ba?

"Thank you po Daddy!" Tuwang tuwa na syang niyakap ako at binuhat ko naman siya kahit na hindi na sya tulad nung dati na mas magaan ang timbang.

Pinapabayaan kase nina Jin-hyung at Namjoon sa kusina kaya tumataba.

"Tama ba na magkita na sila ni Jessica?" Kunoo't noong tinig ni Jungkook habang nagmamaneho na siya, Papunta na kami sa Company at nasa kabilang Van sina Hoseok at Namjoon, Jin habang pinaggigitnaan namin nina Jimin at Yoongi si Amarra na natutulog.

"Magkikita lang sila pero tulad nang sinabi ko ay hindi pa rin ako papayag sa kagustuhan niya na makuha sa'tin si Amarra!" Tuwid kong tugon.

"Mas mabuti na rin iyun! Hindi natin pweding pagdamutan si Amarra sa kaligayahan nya na makita ang Mommy nya!" Diin pa ni Yoongi.

Naalala ko tuloy si Rhian nung mga panahon na gustong gusto siya ni Amarra na maging Mommy nya. That time masyadong kumplikado ang lahat. Sumasagi naman siya sa isipan ko at hindi ko maiitanggi na hindi ko pa rin siya nakakalimutan, miski ang ginawa nyang paglilihim sa'kin ay dinadamdam ko pa rin hanggang sa ngayon.

I'm looking forward for someone else who i deserve to be loved. Akala ko ay si Rhian na talaga ang babaeng iyun pero nagkamali pa rin ako.

"Kung buhay siguro si Rhian baka sakali na tumutol din sya na makuha sa'tin si Amarra!" Sambit ni Jimin at napatingin ako sa kanyang pananalita na akala mo'y may gustong iparating.

"Wala na sya kaya huwag nyo na syang isingit sa usapan natin!" Pag irap ko sa kanya.

"Owh.. I feel something! May baguhan ba sa puso ng isang Kim Taehyung ngayon?" Taas kilay pa niyang pang aasar sa'kin.

There he go again. Pamabato nya yata si Aina para sa'kin but No. Iisang beses pa lang kami nagkasundo at yun ay nagkataon lang na nakasama nya si Amarra. Nothing more.

"I go for Aina!" Pagboto na nga niya.

"I go for his greatest love! Ms. Rhian!" Dinugtungan pa nga siya ni Yoongi. Napapailing na lang ako sa kalokohan nila.

A Dad Like You. (KIM TAEHYUNG FF.) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon