CHAPTER 42.

35 2 0
                                    

...

NAMJOON'S POV.

Naghahanda na ako para sa kasal namin ni Iyah maya-maya lamang.

Isinama ko sa guest list sina Aina at Rhian, kasama siguro ang mga importanteng tao sa buhay nila. Sana lang ay makarating rin sina Amarra at Taehyung dahil sila lang ang bubuo sa kasal namin ng pinaka mamahal ko.

"Ready na ang lahat bakit ang tagal mo dyan?" Katok na ni Jimin sa pintuan ng kwarto ko.

"Nandyan na!" Lumabas na ako.

"Ang gwapo ah!" Tapik nya sa balikat ko kahit na kinakabahan na ako ng sobra dahil kaganapan na ito.

Ilang minuto lang ang biniyahe namin at nakarating na kami sa Wedding Venue. Ineexpect ko na naroon sina Taehyung at si Amarra pero hindi ko na sila nakita pa hanggang sa magtapos ang Ceremony.

Simpleng kasal lang naman ang gusto namin ni Iyah hanggang sa natuloy sa Wedding Reception ang lahat.

Ilang oras na lamang at bibiyahe na kami ni Iyah sa Ilsan para sa honeymoon namin kaya inaasikaso ko na ang lahat ng dumarating kong bisita.

"Best!!!!" Salubong ni Rhian kay Iyah at agad kaming napatingin sa lumalaki nyang tiyan.

"Congratulations sa inyong dalawa! Masayang masaya ako para sa inyo!" Pagbati pa nya sa'min.

"Thank you and Congratulations din sa inyo ni Doctor Han!" Bati ko sa kanya.

"Last na 'toh!" Pilyang sabi nya.

"Last agad? First nyo pa lang yan di'ba?" Pagbibiro ko sa kanya.

"Well ganun talaga!" Kibit balikat na lang nya. Hinila nya si Iyah para magkakuwentuhan sila kaya hinayaan ko na muna sila.

Napansin ko kase na hindi pa rin dumadating ang iba sa importanteng bisita ko.

"Congratulations sa Newly Couple of the Year! Toast for Mr. And Mrs kim!" Ang tinig na iyun sa malayo habang inaalalayan nya si Aina.

Nilapitan nila kami nina Jin at Hoseok, Yoongi, Jimin at Jungkook.

"Dave! Long time no see!" Kinamayan nya ako sa pakikipag kamay ko sa kanya.

Nagtaka kaming lahat dahil magkasama sila ni Aina. Mukhang may magandang relasyon sila pagkatapos na umalis nito sa Daegu n'ung taon na iyun.

"Oo nga eh! I think may reunion na magaganap dito! Where's Bang PD nim and Manager Sejin?" Paghahanap nya sa unang taong nagtiwala sa kakayahan nya.

"Dumating sila kanina sa Wedding Ceremony namin ni Iyah but then may Appointment pa sila sa ibang Entertainment Company kaya umuwi din agad sila!" Paliwanag ko sa kanya.

"Si Manong talaga! ts, Hindi pa rin nagbabago!" Pag iling niya.

He's Dave Do. One of the BigHit's Trainee last 12 years. Best friend ni Taehyung sa Company at nang dahil sa kalokohan na ginawa nya kay Taehyung ay kinick-out sya ni Mr. Bang shi hyuk at tinanggalan ng karapatan para makapag Audition sa ibang Entertainment Company kaya hindi sya naging part ng Bangtan Group.

"Masisira ang diet nya kapag kumain sya dito sa kasalan!" Pagbibiro ni Jin na tinawanan namin lahat.

"Yahh it's true but anyway kulang yata ang Bangtan 7?" Hinahanap na rin nya si Taehyung.

"Let's go home Dave! Nabati naman na natin sila di'ba?" Tatalikuran na agad kami ni Aina.

Ni-hindi pa nga nya kami pinapansin.

"Masyado pang maaga Ms. Hae!" Pagpigil sa kanya ni Yoongi.

"Let's stay for a while!" Sambit ni Dave.

A Dad Like You. (KIM TAEHYUNG FF.) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon