CHAPTER 5.

51 3 0
                                    

...

TAEHYUNG'S POV.

Mas maaga pa akong gumising para sa pag aasikaso ko kay Amarra at nang makarating naman kami sa School nya ay wala pa si Teacher Rhian doon.

"Daddy umalis ka na po! Kaya ko naman na ang sarili ko!" Pagtataboy na sa'kin ni Amarra.

Hindi nga ako pweding ma-Late sa panibagong Schedule ng pagkikita namin ni Ms. Hae.

Napamulsa ako sa pagtingin sa relo ko. Balak ko kase syang ibilin kay Ms. Rhian pero mukhang late na makakapagklase ito.

May tumama na nilamukos na papel sa likuran ni Amarra kaya hindi ko maiwasan na uminit ang ulo.

"Hoy Amarra! Tumabi ka nga dyan!" Hiyaw ng isa sa kaklase nya.

"Bakit namamaltok ka ng papel? Tinamaan mo tuloy ang Anak ko!" Tanong ko sa batang lalaki na ito.

Sinamaan nya ako ng tingin at natural na pinandidilaan nya ako.

"Ang pangit ng Daddy mo!" Sabi pa nito na iniinsulto yata ako.

Problema nito sa'kin?

"Anong sinabi mo?" Baling ko sa kanya.

"Bad ka Yeonjun! Sigaw ni Amarra sa kanya.

"Wala ka naman Mommy!!! Iniwan ka sa tubog ng Mommy mo!" Matigas na pang aasar pa nito.

Ayokong pumatol sa isang batang katulad nito pero kung ganito ang pag uugali nito ay baka isiwarik ko ito sa Flag Pole.

Sinong mga magulang nito at ang sama naman yata ng pagpapalaki niya dito.

"Daddy oh!" Pag iiyak na agad ni Amarra.

"Ok lang yun Prinsesa ko!" Pag aalo ko kay Amarra na sadyang nasasaktan sa kapilyuhan ng batang ito.

"Hoy batang walang galang!" Paghagilap ko sa colar ng uniform nya.

"Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas nya kaya hindi ko siya pinakakawalan.

"Tigilan mo ang pang aasar kay Amarra ok? Gusto mo bang ipadampot kita sa pulis!" Pinapatulan ko na nga siya.

Wala naman akong balak na saktan ang batang ito, Gusto ko lang malaman niya kung sino ang dapat nyang respetuhin.

"Hoy! Bitawan mo nga si Yeonjun!" Paghila ng isang babae sa pagkakahawak ko sa bata.

Nagsalubong agad ang mga tingin namin.

"Ikaw???" Turuan namin dalawa.

"Tingnan mo nga naman! Ikaw pala ang Ina ng batang iyan! Ts, Sigurado ako na sa'yo sya nagmana!" Tumataas kong kilay na baling sa kanya.

"Anong sinasabi mo dyan? Balak mong saktan si Yeonjun? Walang hiya ka! Alam mo bang Lawyer ako at ididimanda kita sa pananakit mo sa kanya!" Matigas niyang baling sa'kin.

"Hoy bakit hindi mo tanungin ang tampalasan mong Anak bago mo ako idimanda! Pinaltok niya ng papel ang Anak ko at sinabihan pa nya na walang Mommy!" Pakikipag away ko sa kanya.

"Totoo ba iyun Yeonjun?" Tanong nya sa anak nya.

"Hindi po!" Pag iling nito.

"Sinungaling pa pala ang bata na yan! Dapat sa kanya ay pinapapasok mo sa kumbento ng matuto ng tamang asal!" Pamumulsa ko.

"Anong sabi mo? Gusto mo ba talagang makarating pa ito sa Main Office para tumigil ka sa kakabintang mo!" Duro pa nya sa'kin.

"Alam mo, hindi ko alam kung bakit nakikipagtalo ako sa'yo, Alam ko naman kung bakit ganyan ang ugali ng Anak mo! Muntik mo na nga kaming sagasaan ng Anak ko di'ba, Sa malamang sa'yo nakikita ng Anak mo ang walang disiplina sa kapwa niya!" Baling ko pa sa kanya.

A Dad Like You. (KIM TAEHYUNG FF.) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon