CHAPTER 45.

26 1 0
                                    

...

JESSICA'S POV.

Ayoko na sanang makisabay kina Daddy na mag umagahan pero tinawag na ako ni Kuya Jaehyun para pumunta sa kusina at makilala ang lalaking pakakasalan ko before the year end.

"Jessica this is Hwangju!" Pakilala ni Daddy sa lalaking hindi ko naman talaga gustong makilala. Nilapitan nya ako at banayad na hinalikan ako sa aking pisngi bilang pagbati.

"Sino ulit sya? Hwang hwang???" Pilyang tanong ko pero masama na agad ang tingin sa'kin ni Kuya, marahil ay nababastos ko nga ang lalaking ito sa mismong harapan namin lahat but then i don't care!

"May lakad ako, I should go!" Tinalikuran ko na sila pero hinabol pa ako ni Kuya.

"Pwedi ba Jessica umayos ka nga! Pakisamahan mo ng maayos ang Aasawahin mo dahil sa kanya nakasalalay ang future ng Company natin!" Bulong sa'kin ni Kuya habang mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ko.

"I don't want to marry him! If you want, Ikaw na lang!" Saad ko sa kanya at balak nya akong saktan. Pumikit pa ako at hinintay kung saan tatama ang pagsampal niya sa pagmumukha ko.

"Hey!" Sinalag iyun ni Jimin na agad kong ikinagulat.

"Hindi sya pweding masaktan!" Diin nito na ipinagtaka ko. Yes, Maybe trabaho nya nga na protektahan ako pero hindi ko naman ineexpect na sa pagkakataon din na ito nya iyun gagawin para sa'kin.

"Empliyado ka lang ni Dad!" Baling sa kanya ni Kuya.

"What's going on here?" Agad na nilapitan kami nina Daddy and Hwangju sa kinaroroonan namin sa Living Room.

Ewan ko kung anong balak ni Jimin but n'ung tingnan nya ako at ngumiti sa'kin ng isang nakakaloko ay pinabayaan ko sya sa mga Plano nya just to save me.

"Alam kong naka set up na ang Engagement Party nilang dalawa pero ipagpatawad nyo ang mga nagawa namin ng Anak nyo!" Nag bigay galang pa sya na sinasabayan ko na lang ang trip nya.

In the End ko na lang sya tatanungin tungkol dito.

"Nabuntis ko po ang Anak nyo!" Bulalas niya na ikinagulat n'ung lahat. Tumining lang ang sinabi nya sa tainga ko but this is f**** intense for me. Paano na lang kapag nalaman nilang nagloloko lang sya?

Sinuntok sya ni Kuya kaya agad syang natumba.

"Kuya please stop! Yes it's true, I am pregnant!" Pagdudugtong ko.

"I'm sorry Mr. Lee but it's better kung pag usapan na lang natin ang iba pang Business deals 'til the next days!" Nagmadaling umalis si Lalaki at nasisigurado ko na nanggagalaiti na sina Dad and Mom sa nagawa namin kalokohan ni Jimin para lang palayas ang panira sa buhay ko.

"Are you insane huh Jessica? How could you do these things to us?" Even my Mom is so Disappointed.

"I'm sorry! But please pabayaan nyo na po ako sa gusto kong gawin!" Saad ko sa kanila.

"At anong gagawin mo? Sasama ka sa Car Washer boy na ito? He's your battler at nagta trabaho lang sya sa pamilya natin! He can't buy you anything you want but there's Hwangju who could give you everything you wish for!" Paliwanag pa ni Daddy.

May biglang inilapag si Jimin sa lamesa namin bago nya ako hinila nang tuluyan paalis doon.

"Anong iniwan mo sa lamesa namin?" Tanong ko sa kanya.

"Business Deals na kailangan ng mga magulang at Kuya mo, Tatawagan sila ng Secretary ni Dad para mag set ng isang meeting!" Nagulat ako sa sinabi nya.

"Isa kang...?" Pinutol nya ang sasabihin ko dahil bigla nyang dinampian ng halik ang labi ko.

"Maglalakas loob ba naman ako na sugurin ang family mo kung wala akong Alas!" Pilyong sabi pa niya.

A Dad Like You. (KIM TAEHYUNG FF.) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon