PART 3.

30 2 0
                                    

...

TAEHYUNG'S POV.

ONE YEAR LATER.

Nagdesisyon akong muli sa kapakanan ni Amarra at mas pinili kong manatili na lang muna sa Daegu, gayun pa man ay kay Jungkook ko ulit inihabilin ang buong Company at ilan sa mga negosyo na iniwan ko sa Seoul.

Nagdesisyon din ako na mag Home Study na lang muna si Amarra at kumuha ako ng Private Tutor nya. Takot pa rin ako na sabihin sa kanya ang totoo ngunit hangga't hindi sya nagtatanong sa'kin ay mananatiling nakatago sa kalooban ko ang tungkol sa pagkatao niya at ni Aina.

"Amarra!" Panggigising ko sa kanya. May sarili na syang kwarto at hindi ko na sya pinaliliguan na katulad nang dati. Matured Big Girl na sya at marami na rin ang nagbabago sa kanya bilang isang babae but then yung gabay at pag aalaga ko sa kanya ay hinding hindi ko pinapabayaan.

"Daddy natutulog pa ako!" Hinihila ko kase ang kumot nya.

"Late ka na sa klase mo! Gusto mo bang ang Grandma mo pa ang manggising sa'yo dito?" Naka-pamay awang pa ako sa kanya.

"One more minute pa Daddy!" Maktol niya.

"No! Tigilan mo ako sa paganyan ganyan mo!" Pinilit ko syang ibangon at binuhat ko sya papunta sa Bathroom nya at saka ko siya pinasiritan ng tubig galing sa Shower, magising ko lang siya.

"Daddy!!!!" Reklamo niya.

"Shut your mouth and take a bath now!" Matigas kong saad sa kanya.

Hindi na talaga namin mapagka sunduan ang panliligo niya nang maaga.

"Daddy naman eh! Kainis ka!" Nginungusuan nya pa ako.

"Oh Anong gusto mo pa huh? Malaki ka na kaya dapat alam mo na kung ano ang gagawin mo sa Araw araw! Hindi ka ba nahihiya sa Tutor mo ngayon? Maya maya lang ay nandyan na sya para turuan ka!" Sermon ko pa sa kanya.

"Dadating po ba si Kuya Jungkook? Hindi na nya po kase ako kinakausap!" Usal na tanong nya.

"Busy sya sa Seoul kaya maligo ka na!" Sinaraduhan ko na sya ng pinto.

Bakit ba hindi na pumupunta dito si Jungkook? Hinahanap na naman sya ni Amarra, palibhasa mas close na sila ngayon kahit nasa Seoul sya kaysa sa'kin. Ts.

Bumaba na ako sa Living Area at may isang babae doon ang matiyagang nakatayo para maghintay.

"You must be the Tutor of my Daughter?" Hinigilap ko ang braso nya para makilala ko sya.

Laking gulat ko naman dahil sa hitsura nya. Mukha syang Ermatanyang nakatira sa gubat dahil sa kanyang kakaibang Aura.

"Anyeong! Yngrid Young imnida!" Halos maabot na ng noo nya ang sariling tuhod nya para lang sa pagbibigay niya nang paggalang sa'kin.

"O.. k!" Mapait ang ngiti ko sa kanya. Sigurado ba talaga ang School na tinawagan ko na siya ang ipinadala dito sa Mansion namin para magturo kay Amarra?

May malagkit sa kamay ko kaya naintrisado ako na amuyin iyun at sadyang nasuka ako sa pagkaka amoy ko.

"A... no bang ginamit mong Lotion sa balat mo at yuck!" Nandidiri ako sa kanya.

"Baking Powder po with Lemon juice!" Hindi ko naintindihan na tugon nya but anyway kailangan ko syang tanggapin as Amarra's Private Tutor hangga't nagdadalawang isip pa ako kung babalik na kami sa Seoul.

"Ok paki hintay ang Prinsesa ko, Naliligo pa kase sya!" Sabi ko at pumunta na ako sa Bathroom para makaligo dahil hindi ako maka get over sa kakaibang Amoy nya.

.
.
.
.

...

YNGRID'S POV.

Ang Arte naman ng Boss ko! Hindi ba uso sa kanya ang Tiis ganda?

A Dad Like You. (KIM TAEHYUNG FF.) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon