CHAPTER 49.

26 2 0
                                    

...

JUNGKOOK'S POV.

Umuwi ako sa Dormitory namin para sunduin si Amarra para sa isang bagay na pinakahinihintay namin lahat. Ang malaman nya kung sino ang tunay nyang Ina.

Natatakot ako at syempre kinakabahan sa magiging reaksyon nya but i have to be ready in any ways. Ayoko na rin kase maglihim sa kanya ng kung ano ano tungkol sa pagkatao nya.

Pinabihisan ko siya kina Jessica at Yngrid para mas prisentable siyang tingnan habang kinakausap ko sina Jin-hyung sa desisyon ni Taehyung.

"Teka bakit hindi kami na-inform na magpapakilala na si Aina kay Amarra?" Pagtataka nila.

"Pagbigyan at hayaan na muna natin sina Taehyung at Aina! Hindi naman kase ganun kadali yun, baka mamaya kung ano pang isipin ni Amarra kapag naroon tayong lahat!" Paliwanag ko sa kanila.

"Kung sa bagay may point si Taehyung sa desisyon nya!" Sang ayon ni Hoseok.

Ako kaya ang nagdesisyon na huwag na silang makisingit sa moment ni Amarra kay Aina.

"Amarra sandali lang!" Kaingayan sa up stairs at pababa na ng hagdan si Amarra.

"Hey, take it easy! Amarra be careful and watch your foots step!" Sigaw pa ni Jessica.

"Ku.... ya!" Tinig ni Amarra at sa pagdalasdas niya nang takbo sa may hagdanan ay natalapid siya ng kanyang sariling mga paa.

Mabuti na lang at malapit na ako sa kanya kung kaya't nasalo ko naman sya. Saka ko lang napagmasdan ang buong awra ng kanyang inosenteng pagmumukha. Lalo tuloy syang nagmukhang matured nang malagyan siya ng kung ano anong make up sa kanyang mukha. Nilagayan din ba sya ng mga babaeng ito nang Bangs?, Umikli naman yata ang pagkakagupit dito.

"Ok ka lang ba?" Sabay tanong ko sa kanya matapos ko syang maitayo ng maayos.

"Hehe.." Anong klaseng tugon 'yon?

"Heels? Jessica!" Sigaw ko sa pangalan ng maarteng stylist nya.

"What's up?" Tugon nya sa'kin mula sa itaas kaya ako na lang ang kumuha sa flat shoes ni Amarra at saka ko ito ipinagpalit sa suot nyang high heels.

"Anong ginagawa mo Gguk? Mas bagay sa Prinsesa natin yung heels na binili ni Jess!" Pagmamalaki pa ni Jimin.

Bata pa ang mga paa ni Amarra para magpaka pasasa sa High Heels! Gusto nyo bang maglitid litid agad ang mga binti nya? Mas bagay pa rin sa kanya ang Flat Shoes!" Diin ko sa kanya.

"Palibhasa ikaw yung nagbigay!" Pag irap pa nya sa'kin.

"Ayoko na magpaliwanag kaya aalis na kami!" Baling ko na lang sa kanila at tuluyan na kaming umalis ni Amarra.

Wala syang pagtataka kung saan man kami pupunta o kung bakit kailangan ko syang dalhin sa Office ng Daddy Taehyung nya. Tahimik lang siya sa tabi ko habang nagmamaneho ako ng sinasakyan namin.

Habang tumatagal lalong nahihirapan na akong sabayan ang malalim na pag iisip nya. Yung kahit buntong hininga nya ay hindi ko na rin kayang unawain. Wala na rin halos emosyon ang kaseryosohan nya na parang isang misteryosang Prinsesa ko na lang sya.

Bilang isang Kuya nya ay nahihiya na rin kase ako na makipag kwentuhan sa kanya. Baka hindi na rin maganda para sa kanya kung may pag usapan kami tungkol sa kanya. Inererspeto ko pa rin naman ang mga Privacies nya as girl.

"Amarra!" Pinantayan ko siya ng tingin nang nasa tapat na kami ng Office ni Taehyung.

"Umh?" Namimilog pa ang kanyang mga mata sa pagtitig sa'kin.

A Dad Like You. (KIM TAEHYUNG FF.) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon