CHAPTER 33.

29 1 0
                                    

...

TAEHYUNG'S POV.

Nagising ako sa isang matinis na pag iiyak sa aking tabi.

"Daddy gumising ka na po please! Miss na miss na po kita!" Ang tinig ni Amarra na naka ub ub sa'king giliran habang umiiyak.

Hinaplos ko ang ulunan niya kahit na napakahirap ikilos ng mga kamay ko. Nangimi na yata sa tagal ng pagkakatulog ko.

"Daddy!! Gising na si Daddy!" Bulalas ni Amarra at saka ako dinamba nang yakap niya.

"Syempre hindi naman pwedi na matulog na lang ako lagi dito!" Sambit ko sa kanya.

Nasa isang Private Room na ako. Nariringgan ko kase ang boses ni Aina sa kung saan kaya sa panaginip ko ay hinahabol ko siya. Hindi ko naman alam na nagising na ako.

"Tae.." Dalasdas niya galing sa labas ng kwarto. May dala rin siyang mga kung ano ano.

"Daddy sabi po ni Tito Jimin at Kuya Jungkook, Lalabas ka na daw po kapag nagising ka na tapos matutuloy na daw po ang outing natin sa Daegu!" Pagkukuwento ni Amarra sa'kin.

"Pupunta tayo sa Daegu?" Napa isip ako kung kelan pinagplanuhan iyun nung dalawang kumag na iyun.

"Sabi po nila! Di'ba po Tita Aina?" Pag uulit nito kay Aina.

"Tita?" Natatawang simpid ko ng hangin habang pabulong kong sinasambit iyun. Hinimas ko na lang ang ulunan ni Amarra.

"Sabi ni Yoongi.. Amh kase.. Pinapatawag ka daw ng Parents mo!" Paglilinaw niya.

Kailan pa nya pinanghimasukan ang trabaho ni Jungkook para sa pag rereport sa'kin ng ganitong bagay?

"Sino ba talaga ang nagsabi? Si Jimin o Si Yoongi?" Kunoo't noo ko sa kanila.

Nagtinginan silang dalawa ni Amarra at para bqng nakakapanloko ang kanilang pagtatawanan.

"Hoy anong pinag uusapan nyo dyan huh?" Tumataas kong kilay sa kanila.

"Wala po Daddy!" Pag iling pa ni Amarra habang pinipigilan ang kanyang pakikipagtawanan kay Aina.

"Gutom ka ba? Gusto mong kumain ng Prutas? Tamang tama na kakabili ko lang nito sa labas!" Pag alok niya sa'kin.

"Nasaan ang mga magaling mong tiyuhin at Ninong?" Paghahanap ko pa sa mga ito.

"Dapat kinakamusta mo muna ang Anak mo bago yung mga iyun!" Baling sa'kin ni Aina.

"Alam ko naman na Ok lang si Amarra! Napansin ko lang kase na tayo lang tatlo ang narito!" Salansang ko sa kanya.

"May mga naiwan silang trabaho nung mga oras na inililigtas mo ang buhay ni Mrs. Ri kaya busy na sila ngayon!" Pag irap niya sa'kin.

"Iniligtas nya rin kami ni Amarra kaya natural lang na iligtas ko din siya!" Matigas kong baling sa kanya.

"Ang sabihin mo feeling superhero ka dyan! Hindi mo pa rin sya matiis kahit na nagsinungaling na sya sa'yo!" Matigas pa nyang diin sa'kin.

"Hindi sya nagsinungaling, ginawa nya lang yung sa tingin nya ay tama!" Pagtutuwid ko sa kanya.

"Tama ba yung iniwan ka nya sa Ere?" Pilyang baling pa nya sa'kin.

"Hindi nya nga kase ako iniwan! At saka bakit ba parang apektado ka dyan huh? Anong ipinuputok ng butsi mo dyan?" Kunoo't noong pagtataka ko sa mga sumbat niya sa'kin.

"Kung nakita mo lang sana ang sarili mo bago ka inoperahan ng mga Doctor dito! Duguan at walang kamalayan sa mga nangyayari! Ni-hindi mo nga naasikaso ang Anak mo dahil abala kang maging Night in shinning armor ni Rhian sa Ex husband no'n!" Kulang na lang ay sakalin nya ako sa kinahihigaan ko maintindihan ko lang ang mga sinasabi nya.

A Dad Like You. (KIM TAEHYUNG FF.) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon