CHAPTER 3
"Lucas ang init init naman! Di ba summer ngayon? Bakit ba pinagsuot mo ko ng jacket? Pinagtitinginan ako ng mga tao kasi ako lang ang nakasuot ng ganito.Puro pawis na ko. Yung pakpak ko parang nanlalagkit na!" bulong sa akin ni Angel kaya natawa ako ng husto sa kanya.Summer nga naman kasi tapos pinagsuot ko sya ng jacket. Lahat pa naman ng mga nakakasalubong namin sa mall ay mga naka-sando at sleeveless.
Mainit kasi talaga kahit sa loob ng mall hindi na masyado ramdam ang lamig ng aircon.
"Hindi mo pwedeng hubarin yan. Babakat yang pakpak mo. Gusto mo bang hulihin ka nila at dalhin sa Zoo? O kaya sa perya para paglaruan ng mga tao?"pananakot ko sa kanya.Nakita ko naman na natakot nga sya kaya hinapit na lang ang jacket na suot kahit init na init na.
Napapangiti tuloy ako sa ginawa nya.
"Hwag mo kong tawanan! Kapag nainis ako sa iyo maghuhubad ako dito! Nakakabwisit! Ang init init!""Sorry. Don't worry after natin makapamili ng mga damit at gamit mo hindi ka na magsusuot ng ganyan."
Si Angel ang pinapipili ko sa mga damit pero hindi sya marunong. Puro mga damit panglalaki ang pinipili kaya napilitan akong ako na lang ang pumili ng damit nya. Ganun na rin sa undies nya kahit naiilang ako sa mga sales lady.Binilhan ko rin sya ng mga accessories at bags na pwede nyang magamit. Actually hindi ko rin alam kung hanggang kailan sya dito sa lupa.
Basta ang sabi nya ay kapag natapos na nya ang misyon nya ay makakabalik na sya sa langit.
"Sis ang sweet nung boyfie nung girl! Siya pa namimili nung mga gamit at pati undies nya. Grabe! Kinikilig ako!" Sabi nung isang sales lady dun sa katabi nitong sales lady rin. Nailing na lang ako...Kung alam nyo lang na guardian angel ko ang binilhan ko ng undies.Pagkauwi sa bahay ay pinasukat ko sa kanya ang mga damit na binili namin. Hindi ko kasi sya pinagsukat sa fitting room sa department store dahil mahihirapan kami sa pakpak nya.Masyadong hassle kasi kapag doon pa sya nagbihis.
Na-shock ako nang paglabas ni Angel at ipakita sa akin ang sinukat nyang binili kong......undies!Shit! Nasa harap ko sya at ang tanging suot ay bra at panty!!!
"Tama ba itong pagkakasuot ko Lucas? Nalilito kasi ako. Nakita ko lang dun sa ginabayan kong dating girl na ganito sya nagsuot nung nagpunta sya sa beach." sabi ni Angel sa akin. Hindi ako makakibo sa sobrang pagkagulat.Lumapit pa siya sa akin na para bang pinipilit alamin kung tama ba yung pagkakasuot nya.
My God!
She's so beautiful!
So gorgeous!So perfect!
"Hello? Lucas? Mali ba ang suot ko? Sige alisin ko na nga lang." sabi ni Angel na nagsisimula nang alisin ang suot na bra na lalo kong kinabahala."Wait! Tama yang pagkakasuot mo. Magbihis ka na. Doon sa cr at huwag sa harap ko. Dyan ka na muna at doon lang ako sa kwarto. Hwag kang papasok sa kwarto ko ha at gusto kong magpahinga."sabi ko na lang sa kanya sabay talikod at nagtungo ako sa aking kwarto.
Naiwan si Angel na nagtataka pero sinunod naman niya ako na h'wag pumasok sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
My Sweet Naughty Angel
FantasyAngelica is a wicked and naughty angel that has been cast out from heaven. She always makes her master mad at her. To teach her a lesson, her master sent her down to earth. She was commanded to help Lucas from his misery. Instead of helping him out...