Chapter 16

1.1K 26 4
                                    


CHAPTER 16


Makalipas ang ilang mga linggo at araw.

Pinakulong ni daddy sina Marcus at mga kasama nito pero nakalaya din dahil dinala sa mental hospital. Inaakala kasi nila na nababaliw sila sa pagsasabi nila na nakakita sila ng anghel.

Hindi ko na itinuloy ang demanda sa kanila dahil plano ko rin naman nang umalis para ibigay kay Marcus ang pamamahala sa company at bumalik na lang sa states. Tumawag din kasi sa akin  si daddy (ang totoo kong daddy) na bumalik na lang ako sa states nung nalaman niya ang nangyari sa akin. Gusto niyang ako ang mag-manage ng construction business namin. Anyway, madali naman na sigurong pag-aralan iyon kahit hindi ako Engineering graduate.

Malungkot lang talaga ako dahil wala na si Angel. Nagpaalam na siya sa akin nung isang araw. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin at binabalikan sa alaala ang mga pinagsamahan namin ng guardian angel ko. Wala pa ring nakakaalam ng totoong identity ni Angel kundi ako lang. Hindi na kasi siya nagpakita pa kina Marcus noon pagkatapos ng nangyari sa warehouse.

Nilibot ko muna ang buong unit ko at kinunan ko ng camera. Nanghihinayang lang ako ng hindi ko man lang napiktyuran si Angel. Bigla kong naalala yung sa cctv! Ni-rewind ko ang record.

Wait! Bakit wala na si Angel sa video? Si Marcus na lang ang nandoon pero yung swivel chair ko ay umiikot gaya nung nasa record nung pinaglaruan dati ni Angel. Gusto kong magmura pero naalala ko ang sinabi at binilin sa akin ni Angel kaya pinigilan ko ang sarili ko.

Wala nang bagay na naiwang alaala mula kay Angel kundi ang nasa isip at puso ko na lang. Nanghihinang napaupo ako sa sofa at sinamyo ang naiwang amoy ni Angel. Gusto ko mang baunin ang sofa na ito sa states pero hindi maaari. Pagsandal ko ay may nakapa ako sa likod ko na medyo nakatusok kaya kinuha ko.

Oh my...may naiwang balahibo si Angel sa sofa ko! Sobrang saya ko at agad kong sinilid sa bulsa ko ang balahibo ni Angel.

"Angel alam kong naririnig mo ako...nais ko lang malaman mo kung gaano kita kamahal at sobrang miss na miss na miss na kita..."


Makalipas ang ilang minuto ay naisipan ko nang lumabas ng unit ko para magtungo sa airport. Nakita ko sa labas si Migs na nakatingin sa akin.

"Pre, mag-iingat ka. H'wag mo kong kakalimutan. Ikamusta mo na rin ako sa pinsan mong si Angel." sabi sa akin ni Migs na mukhang malungkot. Nasabi ko na kasi sa kaniya na bumalik na sa states si Angel at susunod nga ako doon. Mukha talagang interesado siya sa Angel ko. Nagpaalam na ko kay Migs at sumakay sa elevator.


Makalipas ang dalawang oras ng paghihintay ko sa airport ay nakasakay na rin ako sa eruplano. Sa sobrang pagkapraning ko sa pagkawala ni Angel ay sinisilip ko siya sa labas ng bintana baka sakali na makita ko siya sa mga ulap...pero wala...


Matagal bago ako nakatulog sa eruplano kahit nung nagstop-over kami ay gising pa rin ako. Ilang oras lang ang itinulog ko kaya pagdating ko sa amin sa 5th Avenue sa New York ay agad akong nagkulong sa kwarto ko.

Habang nakahiga ako ay hawak-hawak ko ang balahibo ng pakpak ni Angel. Ipinikit ko ang mga mata ko at inalala ang lahat ng nangyari sa amin. Binalikan ko sa isip ko ang unang pagdating ni Angel sa buhay ko.

Nangiti ako ng maalala ko ang pagbagsak niya mula sa bintana ng kwarto ko at tumama siya sa akin kaya hindi ko nakalabit ang gatilyo ng baril ko. Dalawang beses niya nailigtas ang buhay ko kaya hinding hindi ko siya makakalimutan. Mananatili siya sa puso at isipan ko anuman ang mangyari.

Maya-maya ay nakarinig ako ng katok mula sa pinto ng kwarto ko at iniluwa nito ang mommy ko.

"Anak dumating ka na pala hindi mo man lang ako tinawagan. Sana nasundo kita sa airport. Si daddy mo nasa site pa at maya-maya lang nandito na rin iyon." bati sa akin ni mommy kaya humalik ako sa kaniya sa pisngi at yumakap ng  mahigpit. Kumukuha ako ng lakas ng loob sa kaniya para ituloy muli ang buhay ko.

"Ok lang mom. Nandito naman na ko. Alam ko pong busy kayo sa association niyo kaya hindi ko na kayo inabala." mahinang sabi ko kay mommy at muli akong bumalik sa pagkakahiga sa kama ko.

"Alam kong hindi ka pa masyado nakakaget-over sa pagkawala ng mag-ina mo pero nandito na kami at tutulungan ka namin na makapag-move-on." sabi ni mommy na sinuklian ko lang ng ngiti. Hindi ko masabi sa kaniya na matagal ko nang natanggap ang pagkawala ng mag-ina ko dahil kay Angel. Si Angel ang dahilan kung  bakit nagkakaganito ako ngayon.

"O sige. Maiwan na muna kita at para makapagluto. Ihahanda ko lahat ng mga paborito mo anak. Si Louie baka mamaya pa makauwi, may ginagawang project kasama classmates niya." tumango na lang ako sa sinabi ni mommy at saka siya lumabas at sinara ang pinto ng kwarto ko.

Naalala ko ang kapatid kong si Louie, siya ang kapatid kong nuknukan ng pilyo. Magkatulad sila ng ugali ni Angel. Kung si angel ay totoong inosente sa mga bagay pero si Louie ay nagpapanggap na inosente para makuha ang isang bagay. Kahit alam na niya pero magtatanong pa rin, tanga-tangahan ata ang tawag doon. Matalino pero mahilig mang-inis sa pamamagitan ng pagtanga-tangahan niya. Kaya madalas kaming mag-away dahil sa ugali niyang iyon.

Pero ngayon, parang sa palagay ko ay magugustuhan ko na ang pagiging ganun ng kapatid ko dahil maaalala ko sa kaniya ang Angel ko.

My Sweet Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon