Chapter 4

1.5K 50 3
                                    

CHAPTER 4


Kinaumagahan

Tumingin ako sa magkabilang side ng kama ko baka kasi pumasok na naman ang pilya kong guardian angel. Mabuti naman at hindi sya pumasok. Grabe naman kasi kahapon kapag naaalala ko. Napuyat tuloy ako dahil sa pag-iisip kay Angel.

Teka anong oras na ba? 8am? Tanghali na pala. Di bale, papasok na ko sa office. One week mahigit na kong di pumapasok at baka bumagsak ang business ko dahil sa pinaggagawa ko sa sarili ko.

Naligo muna ako at nagbihis saka lumabas ng kwarto ko.

Shit! Ano ito? Bakit ang daming kalat???


"Angel!!!" tawag ko sa guardian angel ko.

"Yes Lucas?"tanong ni Angel sa akin na akala mo ay maamong tupa.

"Anong nangyari dito? Bakit napakadaming kalat???"


"Ha? Nagluto kasi ako. Hindi ko alam kung saan ko kasi ilalagay yang mga yan. Kalat ba tawag dyan?"

"At ano naman sa palagay mo??? Look! yang carpet na yan bakit dyan mo tinapon ang bote ng gatas baka langgamin yan! Tapos ang daming basag na itlog???Ano ba palagay mo sa bahay ko BASURAHAN???"galit kong tanong sa kanya at nakita ko syang nanginig.

"Sorry. Hindi ko alam. Ano ba yung basurahan?"

"Tsk! Marami pala akong dapat munang ituro sa iyo at mukhang hindi pa ko makakapasok sa office ngayon. Marami akong liligpitin, shit!"

"Sssh! Bad ang magmura!"

"Bad na kung Bad! Wala akong pake!!!"

"Ano ba kasi ang problema?"


"Ikaw ang problema! Ano ba kasi ang ginawa mo at nagkaroon ng ganitong karaming kalat???"

"Kalat pala tawag dyan. Nagluto kasi ako para paggising mo ay may pagkain ka." sagot nito at na-touch naman ako kahit paano.

"Marunong kang magluto???"

"Oo naman. Kumakain din naman kami sa taas pero hindi nga lang katulad ng pagkain nyo dito.Halika tikman mo yung luto ko."

Sumunod ako sa kanya sa kusina. Kung makalat sa sala ay mas makalat pa pala dito sa kusina. Grabe! Para bang naghalukay ang babaeng ito dito sa kusina ko!

"Ano itong niluto mo? Itlog? Bakit may balat pa? Saka ano ito? Harina? Pakakainin mo ko ng ganito? Shit! Mukhang ang guardian angel ko pa pala ang papatay sa akin!"

"Ha? Bakit naman kita papatayin? Bad yun saka sabi ko sa iyo di ba na hwag kang magmumura..."

Nailing na lang ako. Wala naman akong magagawa dahil engot ang nakatokang guardian angel sa akin eh. No choice kaya dapat pagtiyagaan.

Tinapon ko sa basurahan ang "niluto nya raw" at ako na ang gumawa ng breakfast para sa aming dalawa.Pinaupo ko lang sa isang tabi si Angel.

Nagluto ako ng pancakes at nagtimpla ng milk para kay Angel at coffee para sa akin.

"Ito ang PAGKAIN. Sige kumain ka na at pagkatapos nito ay magliligpit tayo ng mga kalat mo!"

"Hmmn! Sarap! Ganito pala ang pagkain dito sa lupa."sabi nito na sarap na sarap sa niluto kong pancakes.

Ibang klase talaga itong guardian angel ko. Ang takaw! Isang pancake lang ang nakain ko at siya na ang tumira nung anim na pancakes! Yung milk nya kulang pa at nanghingi pa uli sa akin. Daig pa kargador kung kumain. Tsk! Baka mamulubi ako nito dahil sa guardian angel ko ah...


My Sweet Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon