Chapter 5

1.6K 51 5
                                    


CHAPTER 5

Napansin ko na suot na pala ni Angel ang binili kong damit para sa kanya habang naglilinis kami ng bahay. Actually parang ako lang ang naglilinis dahil hindi siya marunong humawak ng walis. White tshirt na free-sized dahil kasi sa pakpak nya at short na pink.

"Angel bakit parang lumiit yung pakpak mo?" tanong ko sa kanya pagkatapos namin maglinis na kinabigla nito. Ang laki kasi ng iniliit ng pakpak nya kumpara nung isang gabi nung bumagsak siya sa bintana sa kwarto ko.

"Talaga? Naku..."sabi ni Angel na mukhang nag-aalala.

"Bakit may problema ba?" tanong ko sa kanya.

"Ibig sabihin kasi nun may mali na naman akong nagawa..."

"Paano yan? Baka tuluyang mawala yan hindi ka na makabalik sa langit nyan." sabi ko pa at nakita ko sya na naiiyak na.

"Hwag naman..."

"Kaya iwasan mo ang gumawa ng mali. Matuto ka na sa mga kapilyahan mo. Napapahamak ka lang."

Tumingin lang siya sa akin at saka umupo sa sofa.

"Kamusta na nga pala ang pakiramdam mo?" biglang tanong sa akin ni Angel.

"Ha? Wala naman akong sakit."

"Eh di ba masama pakiramdam mo kagabi kaya ka biglang pumasok sa kwarto mo?"

"Ah! Yun ba. Medyo masakit lang ulo ko kagabi pero ok na ko ngayon." Naalala ko na naman yung paghuhubad nya kagabi ng bra nya sa harap ko.

Nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang tv.

"Watch lang ako ha! May napanuod kasi ako kahapon ang bad nung girl papatayin nya yung bata buti hindi natuloy kundi lagot sya sa akin!"sabi ni Angel na biglang binuksan ang tv hawak ang remote control.

Ibang klase itong anghel na ito. Magaling sa mga gadgets pero hindi alam ang maglinis ng bahay. Naliligo kaya ito?
 
"Bakit ano naman gagawin mo dun sa girl na balak pumatay sa bata aber?"tanong ko dito.

"E di babatuhin ko siya nito (hawak ang ashtray) para mapigilan yung pagsaksak nya dun sa bata!"

"What??? Balak mong sirain ang tv ko? Ang mahal mahal ng bili ko dyan tapos babasagin mo lang!"

"Eh kesa naman mapatay nya yung bata!"

"Ikaw ang mapapatay ko pag binato mo yang tv ko!"

"Mas mahalaga sa iyo yung tv kesa dun sa bata?"

"Ano ba yang sinasabi mo? Palabas lang yan ok? Kahit batuhin mo yan hindi mo mapipigilan yung babae dahil yan ang eksena nila! Umaarte lang sila dahil hindi totoo yan. Hwag mong mabato bato yang tv ko ha yari ka sa akin!"

 
Kinuha ko yung ashtray na hawak ni Angel at tinago ko sa loob ng drawer. Mahirap na baka maisipang tuluyang batuhin ang tv ko. Shit! 

"Ssh! How many times ba kitang sasabihan na masama ang magmura?" sabi ni Angel sa akin.

"So alam mo na naman ang nasa isip ko. Nakakamura naman kasi ang mga pinaggagawa mo eh!"

"Sorry. Hindi ko naman kasi alam. Turuan mo na lang ako please.Hwag ka nang magalit."

"Ok. Sige mabuti pa nga."

Sa buong maghapon na yun ay nagturuan lang kami ni Angel. Mabilis naman siyang matuto yun nga lang talagang napaka-pilya. Tinuruan ko siya nang tamang pagluluto. Nagluto pala siya kanina nang hindi binubuksan ang kalan. Eh paano nga siya makakapagluto? Ayaw niya raw kasi ng apoy kaya ako ang nagbukas ng kalan. Nang tinuruan ko siyang maghiwa ay muntik pang maputol ang daliri. Ang engot naman kasi talaga! Naghihiwa nang hindi nakatingin e di malamang madadale yung daliri nya. Pero siyempre angel siya, gumamit ng special powers niya (na medyo sablay) at gumaling naman yung nahiwa nyang daliri.

Ipinaliwanag ko sa kanya yung mga appliances sa bahay at kung paano dapat gamitin. Naintindihan naman nya.

"By the way, curious lang ako...Naliligo ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Hindi. Ano ba yun?" tanong nito na nakakunot ang noo sa akin.

"Yung lilinisin mo yung katawan mo."

"Ah. Malinis naman katawan ko. Nagpapagpag lang ako ng pakpak ko saka hindi naman ako mabaho."

"Ha? Hindi naliligo ang anghel? Dapat matuto kang maligo. Nandito ka sa lupa at marumi dito hindi gaya sa langit. Marami kang masasagap na alikabok at germs kaya dapat naliligo ka." sabi ko sa kanya at nakita ko naman na tumango-tango siya.

"Turuan mo kong maligo."sabi ni Angel sa akin at ako naman ang nagulat.

"Ako? Bakit ako?"

"Eh kanino ako magpapaturo? Dun sa kapitbahay mong si Migs?"

"Ha? Bakit kilala mo si  Migs?"

"Nagpunta sya dito kaninang umaga kakamustahin ka daw niya pero sabi ko tulog ka pa."

"Tinanong ba nya kung kaanu-ano kita?"

"Yes!Sabi ko pinsan mo ko..kaya nga lumiit yung pakpak ko kasi nagsinungaling ako."

"Ganun ba. Sorry. Mainam na yun kesa akalain nilang babae kita at makarating pa sa pamilya ng asawa ko."

"Ok. Sige tatawagin ko na lang si Migs para makaligo ako saka sasabihin ko rin gising ka na." sabi ni Angel sabay tayo kaya bigla ko siyang hinatak sa kamay para pigilan.

"Bakit? May iuutos ka ba?"

"Wala. Hindi mo na kailangang tawagin si Migs..."

"Ha?"

"Ako na lang magpapaligo sa iyo..." oh shit! Ano ba Lucas? Bakit parang namumula ako sa harap ni Angel? Dati naman sabay kami ng asawa ko kapag naliligo. Pero siyempre asawa ko naman yun.

"Ang kulit mo sabi ko hwag magmumura."bulong sa akin ni Angel. Napakaganda naman kasi nitong guardian angel ko. Nagiging demonyo ako kapag nasa tabi ko ang anghel na ito eh.

"Bakit mo ikinukumpara ang sarili mo sa demonyo? Alam mo ba napakasama nun?" sabi pa nitong si Angel.

Holy cow! Ano bang gagawin ko? Paano ko siyang paliliguan? Kesa naman si Migs ang magpaligo sa kanya? Napakababaero nun baka kung ano lang gawin kay Angel! Shit naman talaga oh!

"Sssh!"saway uli ni Angel sa akin pero nagkibit balikat na lang ako.

My Sweet Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon