Chapter 11

1.3K 39 4
                                    

CHAPTER 11


Natapos ang meeting na wala akong masyadong naintindihan. Ang puso at isip ko kasi ay naiwan sa office ko kung nasaan si Angel. Damn! Sobrang inlove na ata ako sa guardian angel ko!

Agad akong tumakbo papunta sa office ko. Dalawang oras din mahigit ang tinagal ng meeting namin. Pagpasok ko sa loob ng office ko ay hindi ko nakita si Angel. Shit! Nasaan na siya??? Lumabas na naman ba siya? Ang tigas talaga ng ulo niya! Nagpunta ako sa swivel chair ko para ayusin ang mga gamit ko sa table. Kailangan kong hanapin si Angel. Baka kung ano nang nangyari sa kanya!

Maya-maya ay nakaramdam ako ng parang may kumikiliti sa binti ko habang  inaayos ko ang mga documents sa table ko.

Pagsilip ko sa ilalim ng table ay nakita ko si Angel na nakabaluktot sa ilalim at tingin ko ay nakatulog na. Ano naman kaya ang naisip ng anghel na ito at bakit sa ilalim ng table ko natulog? Kaya pala hindi  ko makita...akala ko umalis na naman siya.

Binuhat ko siya at dinala sa mahabang sofa sa tapat ng table ko.

Napakaganda talaga ni Angel...

Masama ba ang mainlove sa isang anghel?

Kung masama man...

Tatanggapin ko ang parusa basta makasama ko lang si Angel. Hindi ko na kayang kontrolin ang nararamdaman ko sa kaniya.

Sa totoo lang aaminin ko...ngayon ko lang ito naramdaman sa buong buhay ko.

Matagal kaming naging magkarelasyon ni Marie hanggang sa maging asawa ko siya pero wala akong naramdaman na ganito. Parang nakasanayan ko lang dati ang presensiya ni Marie kaya ang nangyari ay nauwi sa kasalan. Hindi ko naman kasi alam dati ang tamang kahulugan ng pagmamahal. Siguro minahal ko rin si Marie pero hindi kagaya ng pagmamahal na nararamdaman ko kay Angel.

Buong pagkatao ko ay nasakop ni Angel. Makita ko lang ang mukha ni Angel ay sobrang masaya na ako. Makita ko lang ang ngiti niya ay parang gumagaan ang lahat ng dalahin ko sa buhay. Kapag kasama ko siya at hinahalikan...parang tumitigil ang mundo ko. Hindi pa man pero pakiramdam ko ay nasa langit na ko kapag magkasama kami ni Angel.


Hindi ko napigil ang sarili ko at nahalikan ko ang labi ni Angel.


"Lucas..." bulong ni Angel na napadilat dahil sa paghalik ko sa labi niya. Sobrang lambot talaga ng labi niya.

"Yes my angel! Bakit naman doon ka sa ilalim ng table natulog? Akala ko kanina umalis ka na naman..."

"Sorry Lucas...hwag kang magalit. May bigla kasing pumasok dito sa office mo. Nagulat ako at natakot kaya bigla akong pumunta sa ilalim ng table mo. Parang galit yung lalaki kanina kasi narinig ko habang sinasabi niya ang pangalan mo ay nagmumura siya.Lumapit siya sa table mo akala ko nga makikita niya ko pero pumindot lang siya doon...(sabay turo sa laptop) may sinaksak siya sa loob tapos kinuha niya uli." mahabang kwento sa akin ni Angel na ikinabigla ko naman.

Sino kaya ang taong iyon at ano ang ginawa niya sa laptop ko?

"Nakilala mo ba kung sino yung lalaking pumasok?" tanong ko kay Angel.

"Matangkad siya eh. May balbas siya katulad ng kay st.peter pero hindi nga lang gaanong mahaba tapos medyo kakaiba ang amoy niya."sabi ni Angel sa akin na nakanguso. Natutukso tuloy akong halikan ang labi niya sa ginawa niyang iyon.

"Anong amoy ba?"sabi ka na naaamuse kay Angel.

"Basta...kakaiba yung amoy." sabi pa uli ni Angel na nakanguso. Bago ko siya mahalikan dahil sa pagnguso niya ay niyaya ko na lang siya sa labas para kumain. Maayos naman ang suot ni Angel ngayon. Nakadress siya with matching blazer pa kaya hindi halata ang lumiit niyang pakpak.

Habang nagdidrive ako ay naiisip ko ang sinabi kanina  ni Angel. Sino naman kaya ang taong iyon at ano ang kailangan niya sa laptop ko?

Naalala ko ang file na nasa laptop ko! Iyon ang file kung saan naroon ang informations about sa mga suppliers namin abroad. Importante ang informations na iyon dahil kami lang ang client nila dito sa pinas! Kaya malakas ang sales namin dahil na rin sa tiwala ng supplier namin sa amin at ibigay sa amin ang mga produkto nila sa mababang halaga lamang. Ako ang nakakilala sa supplier namin noong nasa america pa lamang kami ng asawa ko. Noong panahon na sa ibang supplier pa kumukuha ang daddy ni Marie ay hindi sila ganun kalakas sa market dahil na rin sa hindi siguro ganun kasarap ang produkto bukod pa sa mahal ang cost nito. Friend kasi ng daddy ko ang kapatid ng supplier namin ng mga raw products.

Construction kasi ang business ng daddy ko at doon niya naging kaibigan ang kapatid ng supplier namin ng  raw products dahil nagparenovate ito ng factory nila. Engineer kasi ang daddy ko at iyon sana ang gusto niyang kunin kong kurso pero nag-business administration ako dahil kay Marie.

Bakit naman gustong kunin ng taong iyon, kung sino man siya...ang information na iyon? Isa ba sila sa kakumpitensya namin? Pero bakit naman siya nakapasok sa loob ng building lalo na sa loob pa ng office ko? Hindi kaya taga-opisina lang din ang may gawa? Aware naman ang mga tao sa loob ng building na may cctv doon kaya sino ang maglalakas loob na pumasok sa office ko at galawin ang laptop ko??? I'll check it out mamya sa cctv pag-uwi namin ni Angel sa unit ko. Connected naman iyon at recorded sa cellphone ko kaya pwede ko siyang makita. But for now, ieenjoy ko muna ang super late na lunch date namin ng angel ko...


My Sweet Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon